"Nandito na tayo," kinalabit ako ni Tristan. Minulat ko ang mga mata ko at tumingin sa paligid, nandito na nga kami sa MOA.
Sabi ko sa kaniya kanina ay dito na lang niya ako ihatid since may pupuntahan pa naman ako malapit dito. Hindi siya nagreklamo at sumang-ayon na lang.
Isa-isang bumaba ang mga nasa unahan namin, pinauna niya akong bumaba, nasa likod ko lang siya.
"Baka makalimutan mo pa 'to," inabot niya sa akin iyong pouch ko na naglalaman ng wallet at cellphone ko. "Nga pala, d’yan ako kumuha ng pambayad natin sa Bus kanina saka kumuha na rin ako ng one hundred pamasahe ko pauwi,"
Naningkit ang mata ko sa sinabi niya. Hindi ko alam iyon! Baka ubos na ang cash ko dito sa wallet, mag-withdraw na lang ako mamaya kapag maubusan ako. Kailangan ko rin ng pamasahe pauwi.
"Salamat sa lahat,” sabi ko sa kaniya.
"Sigurado ka na bang hanggang dito na lang?" pagsisigurado niya. Nais niya talagang ihatid ako hanggang makapasok sa loob ng bahay namin.
Tumango ako. "Oo nga, kaya ko nang umuwi sa bahay mula dito. Malapit lang dito ang bahay namin."
"Sigurado ka talaga?"
I nodded and smiled at him just to convince him that it's fine. "Yes, ingat ka sa biyahe,"
"Kaya ko sarili ko, Ms. Crybaby, ikaw ang mag-ingat. Wag ka nang iiyak. Problema lang iyan, si Samantha ka. Saka wag kang mag-bar mag-isa, baka kung ano pang mangyari sa iyo sa susunod."
"Thank you ulit," sabi ko sa kaniya.
"Wala iyon, paano ba iyan, mauna na ako," kinindatan pa ako ng loko bago ako tinalikuran at tuluyan na akong iniwan dito.
Saan naman kaya siya pupunta? Hays pasalamat na lang ako at nakalayo na ako sa kaniya wala nang nakakabwiset at nakakainis na mapang-asar! Pero salamat pa rin sa kaniya kahit papano nawala yung sakit na iniisip ko simula pa kahapon. Hindi niya rin ako pinabayaan mag-isa, kahit papaano sa tingin ko maswerte ako dahil sa kaniya ako sumama kagabi.
Nakangiti akong naglakad patungo sa pupuntahan ko. I'm going to my Restaurant. Sisilip lang ako saglit bago umuwi. I missed my Staffs and my office there.
Kumusta na kaya sila doon? Isang buwan din akong nawala sa kusina. Nagbakasyon kasi kami nila dad and mom sa probinsya. Tapos hinintay pa namin mabenta ang lupa bago kami bumalik dito.
Pagkarating ko sa Restaurant, ang Sammy Yummy, si Nelda agad ang nakita kong nagseserve sa ilang customer.
Nanlaki ang mata niya sa gulat nang makita ako at mabilis na nailapag ang pagkain na hawak sa mesa ng customer. Hindi naman iyon halata ng customer since kailangan talagang mabilis ang kilos ng mga waiter dito.
"Ate saaaam," niyapos agad ako pagkalapit niya. "I miss you ate sam buti na lang nakabalik ka na ulit dito."
"Nelda sumilip lang ako, bukas pa talaga ang start ng duty ko." natuwa naman ako sa pananabik niya sa akin.
"ganon po ba?"
"O wag ka nang malungkot ilang oras na lang oh"
"Alam na po ba nila Nanay Esme na nandito ka na?"
umiling ako. "hindi pa. kakarating ko lang."
napatalon siya sa tuwa. "Ay, saktong sakto tara na sa kusina!"
kinawayan ko naman si Phia na nasa counter. Maliit lang ang Restaurant, ang tauhan lang dito ay isang cashier, dalawang waitress at tatlo kaming nasa kusina, si Nanay Esme at tatay Kristof at ako.
Dinadayo lang talaga ang Resto ng mga balikbayan at mga kakilala naming tao. Since ang specialty namin ay seafood and other Filipino foods with a twist. Saka mga deserts like cake, sweet eggs, etc.
"Nanay Esme at Tatay Kristof may bumibisita sa atin! tada!"
"Samantha? Nako mabuti nandito ka na?" tumigil sa ginagawa si Nanay Esme at dinaluhan ako ng yakap. "Pasensya ka na sa amoy ko hija, medyo marami ang customer kanina pa ako nandito sa kusina."
"Ayos lang ho,"
Sunod naman ay si Tatay Kristof ang yumakap sa akin. Para na kaming pamilya dito sa Resto. Tinuring nila kong isa sa pamilya kaya tinuring ko rin sila kung paano nila ako ituring. Though hindi kami magkakamaganak, trato pa rin namin ay parang ganon na rin.
pumanhik ako sa opisina ko rito, maliit lang din ito. umupo ako saglit para magpahinga. After 10 minutes siguro ay uuwi na muna ako at doon na sa bahay magpatuloy magpahinga.
Kinuha ko ang pouch ko para icheck kung may bagong message sa akin si Arthur.
"Teka bakit ganito ang wallpaper ko?"
at bakit may password? wala naman akong password ah!
Never ako naglagay ng password sa phone kasi hussle kapag binubuksan.
mukha ni Tristan na nakawacky face ang wallpaper nitong cellphone na hawak ko.
hindi ko mabuksan ang cellphone dahil hindi ko alam kung ano ang apat na numerong password nito.
Inis kong binaba ang phone at ginamit ang telepono sa table para tawagan ang cellphone ko.
After so many rings thank God he answers the phone. "I'm busy, call me later. Bye."
At mabilis na nawala ang linya sa kabila. Pinatayan ako! He's making me irritated talaga.
I don't know what to do. Hindi ko na alam ang iba pang paraan para makausap siya kaya hindi ko tinigilan ang pagtawag sa kaniya. sa sobrang inis niya ay sinagot niya ang pang trenta ko na sigurong tawag.
"Langya sino ba to?"
"hoy adik, ibalik mo ang cellphone ko. now."
"What?" saglit siyang natigilan at hula ko ay tinignan ang screen ng phone niya. ngayon niya lang din siguro napagtanto na hindi niya cellphone ang hawak niya.
Same brand and same case kasi ang phone namin. so kung hindi mo bubuksan ang phone mapagkakamalan mong iisa lang ito. at iyon ang nangyari kanina noong kinuha niya ang akala niyang cellphone niya na inilagay niya ata sa pouch ko. nagkapalit tuloy ang cellphone namin!
"Ms. crybaby, bakit na sa iyo ang cellphone ko?"
wow. siya pa talaga ang nagtanong. "Hindi ko alam hindi ba ikaw ang may hawak ng pouch? bakit sa akin mo tinatanong yan?"
"Akala ko cellphone ko ang nadampot ko."
"Ibalik mo ngayon ang cellphone ko. Magkita tayo sa MOA."
"What? hindi pwede may ganap kami dito ngayon. Hindi ako pwede umalis. nag cr nga lang ako saglit."
"This is not my fault. I need my cellphone right now."
"I know. But I can't give this to you right now."
napairap ako sa sinabi niya. "Bakit kasi hindi mo tinitingnan ng ayos? paano na to ngayon?"
"Malay ko ba na same phone tayo"
"I need my phone—-" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko. inunahan na niya ako magsalita. "babalik na ako doon. mamaya na lang tayo mag-usap. sakin na muna phone mo, sayo na muna ang phone ko, orayt? bye."
no! "Tristan!"
he cut the line. I sighed. sa sobrang inis ko nagulo ko ang buhok ko. some of my client's numbers are there. ang dami ring important messages don na kailangan kong sagutan. inquiries. ano ba yan tristan pahamak ka talaga!
baka mabasa niya ang nasa messages ko! baka sagutin niya rin ang mga tawag ni Arthur. oh gosh! sumasakit ang ulo ko dahil sa kaniya.
dinampot ko ulit ang phone niya at binuksan. lumantad sa akin ang nakakairitang nakawacky face ni Tristan. para akong timang dito na inirapan ang mukha niya sa cellphone, hindi ko na napigilan ang sarili ko sa inis.