"Nandyan lang 'yun. Maghanap ka na lang wag ka nang magreklamo alam ko masakit ang katawan mo dahil binugbog ka ng asawa ko pero importanteng bagay kasi iyon." "Bakit kasi nawala sa daliri mo? Ano iyon, magic? Baka naman kung saan mo lang naipatong." "Hindi nga. E di sana alam ko 'yon. Hula ko nahulog iyon sa pagbuhat sa akin ni Arthur kanina." "Baka sign na talaga iyon para hiwalayan mo na si Arthur." "Hans pwede bang manahimik ka at tulungan mo na lang ako maghanap? Putok na nga iyang labi mo hindi ka pa tumitigil mag salita." "Wag mo sabihing umaasa ka na naman, Samantha." "Pero feeling ko sincere siya, kasi umiyak siya e, Hans, ito yung unang pagkakataon na ako ang pinili niya, ang sarap pala sa pakiramdam, pero niloko ko lang siya." "Bakit kasi hinahanap pa natin maghihiwalay

