Sa Sammy Yammy Restaurant ako nagpababa kay Hans. Dito muna ako mag-stay hanggang sa makahanap ako ng condo na pwedeng lipatan. Nagpasalamat ako kay Hans bago siya tuluyang makaalis. Nandito na naman ako sa Manila. Kung saan naranasan ko ang lahat ng klase ng sakit. I was browsing on my phone and I can see a lot of messages from Greg. Paulit-ulit lang ang message, gusto niya sa akin makipagkita sa isang lugar o mas maganda daw kung dito sa restaurant ko kami magkita dahil may gusto raw siyang sabihin sa aking importante. I checked the date that he sent to me. Ito ang araw kung kailan siya at available, bukas iyon sa calendar ko, may kinalaman kaya ito kay Kycel? Mabilis ako nagtipa ng mensahe na nagsasabing pumapayag akong makipagkita sa kaniya bukas ng hapon pero dito na lang sa

