Euan’s POV Ngayon lang ulit ko kinabahan sa gagawin kong pakikipag-usap sa mga kapatid ko. Humingi pa ako ng advice kay Oswald kung paano iyon sasabihin sa kanila. As expected, hindi naman siya nakatulong sa pagbibigay ng advice dahil tinawanan pa niya ako dahil sa kaba na nararamdaman ko ngayon. Sinabi lang niya na sabihin ko nang direkta sa kanila, parang madali naman iyong gawin. Ganoon naman ang plano ko pero mahirap pa rin ang ganoon. “Kuya, bakit mo ba kami ipinatawag? Kinakabahan ako sa iyo.” Nagtinginan pa sina Michiko at Jiro dahil sa pagtawag ko sa kanila. “May ginawa ka bang kasalanan?” pagtatanong ni Michiko kay Jiro. “May boyfriend ka na siguro ’no?” sagot naman ni Jiro. Patuloy ang pagtatanungan nila sa mga kalokohan nila, nagkakaroon tuloy ako ng ideya sa mga kalokohan na

