Chapter 1
Euan’s POV
I attended four meetings today and I’m really exhausted! Ang saya sanang umuwi pagkatapos ng mga nakapapagod at sunod-sunod na meeting pero hindi naman ako basta-basta makauuwi kaagad dahil marami pa akong tambak na gagawin sa opisina.
Kasabay ng pag-angat ng posisyon ko mula sa pagiging staff ng Civil Engineering department ay naging Head of Civil Engineering department ako at kasabay rin noon ang pagdagsa ng trabaho ko. Proud ako sa sarili ko na ang mismong mentor ko na dating head ng department na ito na nag-retiro ang siyang nag-nominate sa akin bilang bagong head ng department na sinang-ayunan naman ng nakararami.
Napalingon ang sa pinto ng opisina ko noong pumasok si Oswald, classmate at kaibigan ko simula noong college ako. Nakangiti siya sa akin na may kahulugan pero hindi ko iyon pinansin. Paniguradong may kalokohan na naman siyang naiisip. Umupo siya sa harapan ko at kinuha ang atensyon ko sa pamamagitan ng pag-iingay.
I looked at him to show my irritated facial expression. Alam naman niya na ayaw kong naaabala sa trabaho pero palagi pa rin niya iyon ginagawa.
“Bro, spill it! Tell me what happened with your meeting!” excited na sigaw niya sa akin. I’m sure he is not asking about the meeting itself but he wants to know what happened to our client which was included in that meeting.
“We had a professional meeting. There’s nothing to share. I told you, stop teasing me to date our clients. Ano ba ang problema mo sa pagiging single ko?” Simula umaga ay kinukulit na niya ako sa pagkakaroon namin ng magandang kliyente na inirereto niya sa akin. Binanggit pa niya iyon sa kapatid kong si Michiko kaya sumabay sa akin sa pag-alis sa bahay at nagpahatid sa trabaho niya para bigyan ako ng bulaklak na maaari kong ibigay sa kliyente. Ang laki ng problema nila sa pagiging single ko. Hindi naman ako nagmamadali. Ready na akong matapos ang buhay binata ko noon kung naging maayos lang ang lahat.
I’m only twenty nine years old! Hindi ko naman ginusto na maging single hanggang ngayon pero wala pa akong nakikitang babae na magpapatibok ulit ng puso ko at hindi naman ako magmamadali! Mas mahirap kung magmadali ako. Dalang-dala na ako sa mga kalokohan ko noon.
Let’s just say that I found someone again but I’m still denying and not acknowledging that feelings. I’m still busy with work and family. Love life is definitely not my priority right now but if she comes… who am I not to accept that kind of blessing? Or maybe . . . I’m really not ready?
Crap! Oswald is ruining my mind again!
“Huwag mo na rin dinadamay si Michiko sa kalokohan mo, ah,” babala ko pa sa kaibigan ko.
He wears his naughty smile. “Kung ayaw mong tanggapin ang mga inirereto ko sa iyo, kay Michiko nalang ako magrereto dahil mukhang mas madaling kausap ang kapatid mo.”
Ibinato ko sa kanya ang ball pen na hawak ko. “Gago, tigilan mo ang kapatid ko. Huwag mo muna akong bigyan ng sakit sa ulo, hindi pa ulit sila puwedeng manligaw sa kanya.”
Natawa naman ang kaibigan ko sa pagmumura at pagiging protective kay Michiko. Ayaw kong binibigyan niya ng ideya si Michiko sa mga kalokohan niya dahil malambot ang puso ng kapatid ko na iyon at baka kapag sinaktan siya ng lalaki ay mahirapan na naman kaming magpatahan. Ayaw ko rin naman na nakikita siyang umiiyak kaya binabalaan ko si Oswald sa mga kalokohan niya. Hindi pa nakuntento na ako ang ginugulo, gusto pang idamay ang kapatid ko.
“Bro, hindi naman teenager si Michiko. She can decide on her own. Ayaw mo lang pumayag dahil mauunahan ka pa niyang magkaroon ng love life. Grabe ka naman magtrabaho, hindi ka ba nalulungkot na wala manlang sumasalubong ng halik sa iyo kapag umuuwi ka sa bahay?” Tingnan mo itong kaibigan ko. Tama bang magtanong ng ganiyan? Sino ba ang nagsabi na ayaw kong magkaroong ng girl friend o asawa? Alam naman niya ang sagot ko sa ganiyang tanong.
“Ano nga ba ang problema mo? Wala ka bang trabaho at ginugulo mo na naman ako?” Sana lahat ay walang ginagawa. Kung wala akong ginagawa, sana ay masaya akong makikipag-usap sa kanya hanggang sa mag-uwian kami.
“Humihiling na nga ng kalaro si Kyle! Bigyan mo naman kahit isang kalaro ang inaanak mo.” Si Kyle ang anak niya na apat na taong gulang na. Kung tutuusin ay puwedeng-puwede na nilang sundan ang inaanak ko. Bakit ako pa ang dinadamay niya?
“Gago ka ba talaga? Bakit hindi ikaw ang gumawa ng kapatid ni Kyle? Bakit kailangan mo akong guluhin? Kayang-kaya mo naman siyang bigyan ng kalaro.”
Napa-iling siya. “Kung ako lang ang tatanungin ay matagal na nagkaroon ng kapatid si Kyle. Alam mo naman ang inabot kong mura kay misis noong nanganak siya kaya ayaw pa niyang sundan ang anak namin. Kanino mo ba ako gustong humingi ng kalaro ni Kyle . . . kay . . .” He paused for a minute kaya napa-angat ako ng tingin para itanon kung ano na naman ang iniisip niya. “. . . kay Sharinna ba?” nakangiting pagpapatuloy pa niya.
“Get out,” sabi ko sa kanya. Seryoso ako na busy ako ngayon pagkatapos ay walang magawa itong kaibigan ko.
“Bro, I’m just kidding!” sigaw pa niya sa akin.
“Marami pa akong gagawin. Just get out, Bro. Baka hindi ako makapagpigil sa iyo at baka lalo kang hindi makagawa ng kalaro ni Kyle kapag nagkataon.”
Tumayo siya para makalayo sa akin. “Sorry na, Bro. Mahal naman kita, eh,” sagot pa niya.
“Get out, Oswald! Ang galing mong manira ng mood!”
Nagmamadali siyang lumabas sa opisina ko at sumigaw ng, “I love you, Bro!” Napa-iling nalang ako sa lakas ng tama ng kaibigan ko. Hindi ko maintindihan kung bakit nagagawa pa niyang manira ng araw kahit na maraming ginagawa sa department niya. Sabay kaming na-promote ni Oswald at head din siya Civil Engineering department. Iba-ibang lugar ang focus ng department namin at kanya-kanya kami ng client kahit na parehas ang department namin. Level One department ang kanya at Level Two department naman ang sa akin.
Dahil marami akong gagawin, sinabi ko sa office staff na si Rosaleen na huwag tumanggap ng bisita na walang appointment sa akin. Binalaan ko rin na huwag papasukin si Michiko kapag pumunta sa office dahil kinukulit ako tungkol sa inirereto sa akin ni Oswald, nagkakasundo silang dalawa sa ganoon. Hinahayaan ko nalang din siya dahil alam ko naman na nililibang lang niya ang sarili mula sa pagkawala ni Vonn, ang nobyo niya, nagkataon lang na ako ang pinagtripan ng kapatid ko. Naaalala niya ulit si Vonn dahil sa nalalapit na death anniversary nito. October na nga pala pero parang hindi kami magkakaroon ng “Barcelona Ber-month getaway” ngayon, sana ay magawan namin iyon ng paraan.
HABANG ABALA AKO SA pagbabasa ng ibang proposal at mga kontrata ng kliyente namin ay pumasok si Rosaleen kaya bahagyang uminit ang ulo ko.
“What do you want? Hindi kita ipinatawag dito,” sabi ko pa sa kanya. Mukhang nahalata niya na mainit ang ulo ko.
Ibinaba niya ang isang tasa sa table ko.
“I didn’t ask for that,” sambit ko pa.
“I know, mukhang pagod na pagod ka at stress kaya dinalhan kita ng kape. Uminom ka niyan bago magtrabaho ulit.” I’m aware that Rosaleen likes me. Honestly, she is my type. Siya rin ang nasa isip ko noong sinabi ko na baka nakita ko na ang babaeng magpapatibok ulit ng puso ko pero hindi ko maintindihan dahil parang pinipigilan ko ang sarili kong mahulog sa kanya. Sobrang malinis tingnan at maalaga sa sarili. Mahilig din siyang magpaalala sa akin na kumain sa tamang oras, magpahinga, magmiryenda at huwag sagad sa pagtatrabaho. Ganoon ang gusto ko sa babae. Ang ayaw ko lang sa kanya ay sobra na kung minsan. Parang minsan ay nakalilimutan na niya na boss niya ako. Hindi naman sa sobrang taas ng tingin ko sa sarili ko, ayaw ko ng paraan niya sa pagpaparamdam na gusto niya ako. Ayaw ko na sobrang nagpapapansin dahil gusto ko na ako ang nag-e-effort sa babae and not the other way around.
“Ayaw ko ng coffee ngayon. Thank you,” sagot ko naman sa kanya.
Nanatili siyang nakatayo sa harapan ko kaya sinabi ko na kuhanin niya ang kape at lumabas na pero nanatili siyang nakatingin sa akin.
“Rose, hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Lumabas ka na, marami pa akong gagawin.”
Nakita kong sumimangot siya. “Rose ka nang Rose samantalang hindi naman iyon ang pangalan ko. Ang tagal ko na rito pero hindi pa rin tumatama ang tawag mo sa akin,” bulong niya habang kinukuha ang kape na ipinalalabas ko sa kanya.
“Ano ang ibinubulong mo riyan?” tanong ko sa kanya kahit narinig ko ang sinabi niya. I’m aware that her correct name is ROSALEEN but she introduced herself as Rose when we first met in the office kaya simula noon ay Rose na ang tawag ko sa kanya. Ngayong lang niya ako itinatama noong nalipat siya sa department na under ko but I’m comfortable calling her Rose.
“Wala, Sir Euan. Lalabas na po ako. Baka may kailangan ka po sa akin?” pagtatanong niya habang nakangiti.
“Wala. Salamat.”
“Lalabas na po ako, Sir,” pagpapaalam niya.
“Go ahead.”
“Final answer na ba talaga? Ayaw mo talaga ng kape? Ako ang nagtimpla nito para sa iyo,” pagtatanong ulit niya.
“Rose,” I warned.
“Sinabing hindi Rose ang pangalan ko. Ang kulit talaga, pasalamat siya guwapo siya.” May ibinubulong siya pero hindi ko naman naintindihan.
Kaagad naman siyang lumabas habang nakangiti sa akin. Napakakulit din niya kaya sumasakit ang ulo ko sa kanilang dalawa ni Oswald. Matagal na siya sa company na ito pero kalilipat lang niya sa department ko kaya ngayon lang kami nagkatrabaho. Kilala niya si Oswald dahil nagtrabaho na rin siya na under ni Oswald kaya noong nalaman na nag-reshuffle ng office staff at napunta sa department namin si Rose ay hinayang na hinayang siya dahil mabilis kumilos at magaling daw si Rose. Sa nakikita ko naman, maayos naman siyang magtrabaho at ang tanging problema ko lang sa kanya ay ang pagiging makulit niya.
Wala pang sampung minuto ay bumalik na naman siya at magsasalita na sana ako para pagalitan siya pero natuon ang pansin ko sa babaeng kasama niya.
“Sorry, Sir Euan. Kailangan ka raw po niyang makausap kaya hindi ko na po napigilan ang pagpasok niya sa office mo,” pagdadahilan pa ni Rose.
“Get out,” I hissed.
“Sige po. Sorry ulit, Sir,” sagot ni Rose at nagpaalam na aalis na noong pinigilan ko siya.
“Hindi ikaw ang pinalalabas ko, Rose.” Tiningnan ko ang kasama niyang babae. “Wala naman tayong pag-uusapan at marami akong ginagawa. Get out,” pag-ulit ko pa.
Sa halip na lumabas ay lumapit pa siya sa akin. Sobrang lapit niya na halos naaamoy ko na ang pabango niya. Hindi na rin ba siya sanay umintindi? Hindi ko naman sinabing lumapit siya.
Nabigla ako noong hinawakan niya ang kamay ko kaya nagpaalam si Rose na lalabas na habang humihingi ng tawad. Ang ayaw na ayaw ko na ginagawa niya ay ang laging paghingi ng tawad lalo na kung hindi naman niya kasalanan.
“Euan . . . let’s talk, please,” paki-usap pa niya habang hawak ang kamay ko.
Kaagad kong binawi ang kamay ko sa kanya at tumalikod. I exhaled aggressively and asked her nicely to leave.
“Euan,” she called me again.
Humarap ako sa kanya. “Sharinna, what do you want? Bakit dire-diretso ka rito sa office ko? Baka kung ano pa ang isipin ng ibang tao. Ayaw mo na pinag-iisipan ka ng masama, hindi ba?” I tried my best to push her away. Ganito lang yata ang kaya ko ngayon dahil ang totoo ay gusto ko siyang yakapin nang mahigpit. Ang huling balita ko sa kanya ay nag-stay siya sa Australia at hindi ko alam kung kailan pa siya bumalik dito sa Pilipinas. Imposible naman na pagka-uwi niya sa Pilipinas ay dumiretso siya sa Baguio. Ayaw kong magtanong ng kahit ano na tungkol sa kanya dahil ayaw kong may malaman na makasasakit lang sa akin.
“Euan, I missed you,” she whispered while looking at my eyes. Ganiyang-ganiyan din ang mga tingin niya sa akin noon. Iyon tipong hindi mo aakalain na kaya kang saktan.
“Get out,” pag-ulit ko sa kanya.
Nabigla nalang ako noong niyakap niya ako. Nagkataon naman na napadaan si Rose kaya nakita niyang yakap-yakap ako ni Sharinna kaya humiwalay kaagad ako. Maging ako ay nagtaka sa ginawa ko, parang mas natakot akong isipin ni Rose na may relasyon kami ni Sharinna.
“Ano ba, Sharinna? Parang wala na naman sa iyo ang nangyari sa atin. Sorry, iwasan mo nalang ako. Puwede ba iyon? Huwag na ulit tayong mag-usap.”
Nakita ko ang pagbabago ng expression niya. Parang gusto kong bawiin ang mga sinabi ko at parang gusto ko nalang siyang yakapin.
“Alam mo kung bakit ako nandito,” sagot naman niya.
“Hindi ko alam, Sharinna. Kukuhanin mo ba akong ninong ng anak mo o best man sa kasal mo?”
Sumimangot siya sa akin. “Napaka-workaholic mo pa rin. Hindi mo ba ako namiss?”
Hindi ako sumagot kaya nakita ko na ngumiti siya. Sumuko na ako sa pagpapaalis sa kanya, umupo na rin naman siya sa harap ng office table ko.
“Kumusta ka?” she asked seriously.
“I’m okay,” sagot ko naman without asking the same question. Sa nakikita ko naman ay mukhang masaya naman siya.
“Puwede ba akong dumalaw sa bahay niyo?” pagtatanong niya.
“Kapag sinabi ko ba na hindi ka puwedeng pumunta sa amin ay hindi ka na pupunta? Mapipigilan ba kita?” I asked seriously.
“Ibig sabihin, ayaw mo na akong makita ‘no? I really miss you, Euan. Nakikita ko na hindi mo pa rin ako napapatawad at sinusubukan mo pa rin akong sungitan pero nakikita ko pa rin ang pagiging concern mo sa akin. Sorry for visiting you unexpectedly.” Tumayo siya at nagsalita ulit. “Aalis na rin ako dahil alam ko naman na marami kang ginagawa. Sorry ulit, Euan.”
Lumapit ulit siya sa akin para yakapin ako.
“I just want you to know that I regretted what happened and gagawin ko ang lahat mapatawad mo lang ako, Euan.”
“Lahat?” I asked.
“Yes,” she answered. “Ano ba ang gusto mong gawin ko?” pagtatanong pa niya.
“This is what I hate about myself. I can forgive you even if you didn’t apologize. Alam mo na mas importante sa akin ang pinagsamahan natin pero alam mo kung ano ang masakit? Iyon ay ang pagpunta at pag-kumusta mo sa akin kahit alam mo naman kung gaano mo ako nasaktan.” Nagiging vulnerable na naman ako sa kanya. “Sa iyo ko lang din kayang ipakita ang ganitong side ko. Sa iyo lang ako humihina. Ikaw ang kahinaan ko na noon ay pinagkukunan ko ng lakas. Hindi ko alam kung bakit ka bumalik . . . pero sana ay sigurado ka na sa gusto mong mangyari para hindi na ulit tayo masaktan.”