Chapter 2

2501 Words
Euan's POV Napatayo ako sa kinauupuan ko noong biglang may kumalabog sa table ko, busy pa naman ako sa pagbabasa at nakatalikod. Nang makita ko kung ano iyon at kung sino ang may kagagawan ay kaagad ko naman ihinagis sa kanya ang folder na hawak ko. Natatawa namang pinulot ni Oswald ang mga papel. “Bro, bakit ka na naman nang-aaway? Kanina pa ako sa office mo pero nakatulala ka. Si Sharinna na naman ba ang iniisip mo? Ginugulo na naman ba niya ang buhay mo?” Naghagis pa ako ng isa pang folder sa kanya. Hindi ko siya titigilan hangga’t hindi niya tinitigilan ang pagbanggit kay Sharinna. “Tama na! Hindi na ako magsasalita!” Natatawa pa rin naman siya kaya mas lalo lang akong naiinis sa kaibigan ko. Siguro ay napagod na rin siyang magpulot ng mga papel. “What are you doing in my office, Oswald?” I asked. “Napakasungit mo talaga, Euan. Mag-chill ka naman paminsan-minsan.” “Chill ako bago ka pumunta rito.” “Alam ko na ang dahilan mo sa pagtanggi sa mga ipinapakilala ko sa iyo. Si Rosaleen ba? O si Sharinna pa rin talaga? May asawa at anak na siya, hindi ba? Nababaliw ka na naman!” sigaw pa niya. “Mas baliw ka!” Hindi ko naman puwedeng alisin kaagad si Sharinna sa puso ko. Wala akong balita kung ikinasal na sila at kung ano ang nangyari sa anak nila. Aaminin ko na handa pa rin akong maging tatay ng anak niya. “Ang ganda pa rin niya, ah? Bakit daw siya bumalik? Baka hiwalay na sila,” he spoke again. Hindi rin ako sigurado kung paano ko siya naging kaibigan samantalang ayaw na ayaw ko sa madaldal lalo na kung hindi naman namin dapat pinag-uusapan. Although, he is right about Sharinna, she is still beautiful. I would agree on that part. Hindi halatang nabuntis at nanganak na ito. Halos hindi nga nagbago ang hubog ng katawan. Ganoon yata talaga kapag model, kailangan i-maintain para may balikang trabaho. “Hindi naman ako nakipag-kuwentuhan sa kanya. Sinabi lang niya na namiss niya ako at umalis na rin kaagad.” “Sinabi mo rin bang namiss mo siya?” Interview ba ito ni Oswald? “Hindi,” sagot ko naman para matapos na kami sa usapan. “Bitter ka pa rin ba?” pagtatanong ulit niya. “Bitter? Feeling binata at millennial ka naman sa term mo. Iba ang bitter sa nasaktan.” “Pero . . . masakit pa rin ba? Ang tagal niyo ring hindi nagkita. May napag-usapan ba kayo tungkol kay—” Hindi ko na hinayaan na banggitin pa niya ang pangalan dahil sapat na ang sakit ng ulo ko sa mga tanong niya sa akin. Hindi talaga marunong makaramdam ang kaibigan ko. Ayaw kong pag-usapan si Sharinna at ayaw kong maalala lahat ng nangyari. Salamat kay Oswald, lahat ng ayaw kong pag-usapan ay paulit-ulit pa niyang binabanggit sa akin. Totoo naman na napapadalas ang pag-iisip ko simula noong nagkita ulit kami ni Sharinna. Sino ba naman ang hindi magugulo? Simula noong nagpakita ulit siya sa akin ay palagi niya ako tinatawagan o mine-message. Hindi ko maitanong ang tungkol sa ibang tao dahil ayaw kong maalala ang nakaraan. Gusto ko lang malaman kung bakit niya ako ginugulo, kung bakit siya bumalik at kung hindi na ba siya masaya kaya nandito ulit siya sa tabi ko. May ugali siya na naaalala lang niya ako kapag miserable ang buhay niya. Napatunayan ko iyan noong kami pa. Sharinna is my ex-girlfriend at siya ang kauna-unahang babae na sineryoso ko. Simula noong nakilala ko siya ay ginawa ko ang lahat para maging katanggap-tanggap ako sa kanya at sa pamilya niya. Gusto ko na wala silang masabi na masama sa akin at gusto kong magustuhan nila ako para kay Sharinna. Sadyang may pagkakataon lang na kahit gaano kalaki ang sakripisyo at effort mo ay puwedeng-puwede pa ring mabalewala. “Shot na ba tayo mamaya?” Humarap sa akin si Oswald habang nakangiti nang malawak. “Pass ako, Bro. Pagod ako sa trabaho at gusto kong humiga kaagad kapag nakauwi ako,” pagtanggi ko sa kanya. “Why did I expect that answer? Simula noong naging bread winner ka ay hindi ka na sumama sa akin. I understand you but you need to enjoy your life. Kahit pa sinasabi ko sa iyo na masaya na mahirap magkaroon ng asawa at anak, hindi pa rin namin nakalilimutan ni misis na magkaroon ng time para sa sarili.” Kilala sa pagiging maloko si Oswald noong college kami kaya kahit sino ang makakita sa kanya na kakilala namin noon ay sasabihin na malaki ang ipinagbago niya at ganoon din naman ang sinasabi nila sa akin. We are not respectful with girls when we are both in college. The word gentleman is not registered to our vocabulary. We see them as pastime. Maraming unnecessary actions at kalokohan kaya alam na alam ko na pinasakit ko ang ulo nina Nanay at Tatay noon. Lumayo rin ang loob ko sa mga kapatid ko noon dahil umabot ako sa punto na wala na akong pakialam kung nasasaktan at naipararamdam kong balewala na sila sa akin. Malaki ang pagsisisi ko sa mga oras na iyon, alam kong nagkaroon sila ng sama ng loob sa akin kaya ginagawa ko ang lahat para bumawi sa kanila. Maayos na ang samahan namin ni Michiko dahil naiintindihan naman niya ako. Kay Jiro lang ako nahihirapan dahil kahit sumusunod siya sa akin ay alam kong umiiwas pa rin siya. Maayos kaming dalawa at nakikipagtawanan siya sa akin kapag kasama ko si Michiko at kapag kasama namin ang mga kaibigan nila. For some reason, I can sense awkwardness and sadness on his eyes when they left us in one room. As much as possible, ayaw ko na naglilihim sila sa akin kaya hanggang ngayon ay bumabawi pa rin ako para maging maayos ulit kami kagaya ng dati. “I still have time for myself. Gusto ko lang mag-focus ngayon sa mga kapatid ko. Nakita mo naman ang resulta noong pinili ko ang gusto ko, hindi ba? Hindi lang ako ang nasaktan dahil sigurado ako na masasaktan din sila kapag nalaman nila ang totoo sa paghihiwalay namin ni Sharinna,” pagpapaliwanag ko pa. “Hindi mo na ba ipinaalam sa kanila ang totoong dahilan? Malapit ang loob ng mga kapatid mo kay Sharinna kaya sigurado ako na masasaktan ang mga iyon.” “I have no plans on telling the real reason of our break up, okay na ang p*******t niya sa akin. Ayaw kong madamay sa sakit ang mga kapatid ko.” “I can say that you’ve really changed. We changed a lot. Sino ang mag-aakala na ang dalawang gago ay mag-uusap tungkol sa seryosong bagay, right? Hindi ko na-imagine na mag-uusap tayo tungkol sa ganitong bagay.” I smiled a little. “Believe it or not, I also not imagined myself to get hurt because of giving too much love to someone who can’t return that kind of love. Hindi na nga naibalik ang pagmamahal, binigyan ka pa ng sakit.” I heard Oswald’s laughter. Hindi pa rin siya makapaniwala na ganitong bagay ang pinag-uusapan namin ngayon. Napahinto ang pagtawa ni Oswald noong kumatok at pumasok si Rose sa opisina ko. Nagdala na naman siya ng miryenda kahit hindi ko hiniling kaya madalas din na magkaroon ng issue tungkol sa aming dalawa. Hindi naman niya itinatago ang pagkagusto sa akin pero hindi ako attracted sa mga babaeng nagpapapansin, gusto ko na ako ang magpapapansin sa kanila. Iyon siguro ang dahilan kung bakit hindi ako maka-porma sa kanya. I like her . . . but . . . That’s my problem. There’s but. “Rose, what is that?” Tumingin naman siya sa akin pagkatapos ay lumingon kay Oswald at sinagot ang tanong ko ng, “Pagkain po, Sir. Hindi mo po ba alam?” Napahawak ako sa sentido dahil sa pagiging pilosopo na suportado ni Oswald. Madalas na ganiyan siya sumagot sa akin lalo na kapag nandiyan si Oswald dahil sa sobrang lakas ng tawa nito at madalas din ay sasang-ayon pa siya kay Rose. “Bro, hindi mo na rin alam ang pagkain ngayon?” pagtatanong naman ni Oswald habang tumatawa. “Mali pa rin ang pagtawag mo sa kanya. Rosaleen ang pangalan niya at hindi Rose! Ang dali na nga, iniiba mo pa.” Tumingin naman sa akin si Rose—Rosaleen. “Tama ka po, Sir Oswald. Nagagalit pa po siya sa akin kapag itinatama ko siya kaya kung minsan po ay Rose nalang ang tawag niya sa akin . . . mali pa rin naman po,” sagot naman ni Rosaleen. “Hayaan mo nalang. Sadyang mukhang Rose ka sa paningin niya kaya Rose ang tawag niya sa iyo. Alam mo ba kung bakit?” pagtatanong pa ng kaibigan ko na akala mo ay wala ako sa harap niya. “Bakit po?” Talagang sumasagot pa ang isa. “Willing siyang hawakan ka kahit alam niyang masasaktan siya.” Tawang-tawa si Oswald na corny niyang banat. Akala ko nga ay irereto lang niya ako sa ibang babae pero hindi rin nakaligtas ang pagrereto niya sa akin kay Rose dahil alam naman niya na ang kagaya ni Rose ang tipo kong babae. I like how she handles her work and I think she is an independent and responsible woman. When someone is responsible enough on doing her job, she can also be a responsible daughter, sister and most especially . . . she can be a responsible mother and wife. Ang layo ng narating ng pag-iisip ko, hindi ba? Hindi lang girlfriend material si Rose, isa rin siyang wife material kaya enjoy na enjoy si Oswald sa pang-aasar sa akin. May pumipigil lang sa akin para mas kilalanin siya. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. “Tama na ang pag-aasaran niyong dalawa,” singit na sabi ko pa. “Seloso naman masyado,” pang-aasar na naman ni Oswald. Kaunti nalang ay malapit ko na siyang i-ban sa pagpasok sa office ko. “Sige na, Rose. Salamat dito, ah.” Ngumiti naman si Rose bago lumabas. Lumapit kaagad sa akin si Oswald para magtanong ng, “Bakit ayaw mo pang ligawan si Rosaleen? Hindi ganiyan ang Euan na kaibigan ko.” Lumapit ako kay Oswald. “May tanong ako sa iyo.” “Go,” he answered. “Bakit ayaw mo sa office mo? Gusto mo bang dito ka nalang din sa office ko?” He smiled. “Alam mo magandang idea iyan, ah?” Napasapo nalang ako sa noo ko dahil sa isinagot niya sa akin. NAIINIS NA AKO SA pagkanta na ginagawa ni Oswald sa office ko. Kahit sinabihan ko siya na bumalik na sa office niya ay hindi pa rin umaalis dito kaya kapag may tumatawag sa kanya ay naririnig ko rin ang pinag-uusapan nila. Mabuti nalang at hindi nirereklamo ang lalaking ito. Matutuwa sana ako kung maganda ang boses niya at hindi masakit sa tainga. Maya maya ay huminto na siya sa pagkanta at nakatutok sa cell phone niya habang busy sa pag-scroll. Ang sarap siguro ng ginawa niya ‘no? “Bro, remember the nights you shared with strangers?” pagtatanong naman niya na ipinagtaka ko dahil matagal na namin iyong ibinaon sa limot. “Bakit na naman?” “Ang gago pala natin noon ‘no?” Seryosong kumento pa niya. “Ngayon mo lang ba nalaman?” tanong ko pa. Lumapit ulit siya sa table ko. Mahabang usapan na naman ito. “Nakita ko lang sa internet na iyong nakasama natin sa bar noon ay may anak na pala? Actually, last year lang niya nalaman kasi hinabol siya ng babae at sinabi na nagka-anak sila. Hindi naman kaagad siya naniwala at humingi pa ng tulong sa akin para sa DNA test para sigurado siya na walang daya. Confirmed na anak niya ang anak ng babae,” pagku-kuwento ni Oswald. “Last year lang? Ilang taon na ang anak niya? Bakit hindi kaagad sinabi na nagka-anak sila?”pagtatanong ko naman. “Siguro nasa tatlong taon na iyong bata. Itinago raw iyon ng babae kasi natatakot siya na baka hindi matanggap ang anak niya. Naging desperado lang dahil kailangan niyang ipa-opera ang anak, I’m not sure kung ano ang sakit. Kahit gago naman tayo, may awa naman tayo sa mga bata kaya siniguro niya at pinanindigan din naman. Nakatutuwa lang na ang saya na nila ngayon.” Nakinig naman ako sa kuwento at kadaldalan ni Oswald pero hindi ko maintindihan kung bakit niya iyon sinasabi sa akin, alam ko naman ang tungkol doon dahil marunong naman akong gumamit ng internet. Nagtanong lang ako para kunwari ay interesado ako sa sinasabi niya. “And? Alam ko naman ang kuwento nila. Bakit mo nabanggit? May anak ka na ba bago magkaroon ng Kyle?” Nagtanong lang naman ako pero minura niya ako. Alam kong mahal na mahal niya ang pamilya niya pero paano nga kung may nabuntis siya noon, hindi ba? Hindi naman niya sinagot ang tanong ko pero minura ako nang paulit-ulit. “Gago naman, Bro. Wala naman akong nabuntis na iba. Itatanong ko nga iyan sa iyo. Natandaan mo ba iyong college tayo na nakalimutan mong gumamit ng protection dahil sa kalasingan mong gago ka? I’m sure hindi mo iyon nakalimutan. I’m just wondering, paano kung nagka-anak ka sa kanya?” It’s my turn to curse him. Akala ba niya ay siya lang ang marunong magmura? “Bro, first of all, I don’t remember the girl. It’s just one night at kung may naging anak man ako sa kanya, sigurado naman ako na hahanapin niya ako.” Hindi ko siya matandaan pero sigurado akong matatandaan ko siya kapag nakita ko ulit ang bagay na palatandaan ko o kapag nahalikan ko siya. Ganoon ako kagaling sa pagtanda ng ganoong bagay pero hindi sa pagtanda ng pangalan. “Kaya nga ang tanong ko ay paano kung may anak ka na pala tapos ngayon mo lang malalaman?” “I don’t know how to react, Bro. Pero sigurado ako na magiging responsable ako. Gusto ko na nga ng anak, hindi ba? Gusto ko na magkaroon ng pamilya kung hindi lang ako—” Hindi ko itinuloy ang sinasabi ko. Alam ko naman kung saan din ang bagsak ng mga sasabihin ko kaya mas mabuti na tumahimik nalang ako. “Kung nagka-anak man ako dahil sa kagaguhan ko noon, sisiguraduhin ko na hindi niya ako makikilala bilang gagong ama niya. Ewan ko rin, napaka-imposible naman ng tanong mo. Kung may anak man ako, malaki na iyon at malamang ay hinahanap na dapat ako ng nanay niya, hindi ba?” “Ganiyan din ang sinabi sa akin noon ng kakilala natin na imposible pero tingnan mo naman ang nangyari sa kanya. Pero masaya ako na naging matino at responsable na tayong dalawa,” he said and lifted his fist for a fist bump. He smiled when we fist bump. “Bro, pakiss naman,” biro niya pero pinalabas ko na siya sa office ko dahil napakalaking abala na niya sa akin. “Bro, mahal kita kahit single ka!” Napa-iling nalang ako sa kagaguhan ng isang iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD