nylarizza follow
ABOUT quote
I’m a Filipina author with genres mainly focusing on Romance, Drama, Tragedy, Slice of Life and Friendship. I will try other genre soon!
Interact with me by leaving a message!
FB account: NylaRizza Dreame
Email: nylarizza.writingpurposes@gmail.com
Troubled Memories to Forget Updated at Feb 8, 2023, 07:32
Jack Avillarde is famous for being a successful young man, hard working, and he is one of the top businessmen in the Philippines. He was admired by everyone but the life that they envy has a bitter past.
He stopped living his life when something happened in the past that keeps him from being happy.
What if the memories he wants to forget is also the time when he met the woman he doesn’t want to let go?
Kakayanin ba niyang balikan ang masakit na ala-ala na iyon para makasama ang babaeng mahal niya o kagaya ng ginawa niya noon ay patuloy lang niyang parurusahan ang sarili niya dahil sa nakalipas na ayaw niyang balikan?
Troubled Memories to Forget
All Rights Reserved
Oct 11, 2021 © NYLARIZZA
Read like
One Mistake Updated at Feb 27, 2022, 07:25
BOOK 3 OF BARCELONA TRILOGY - Story of Jiro Miles Barcelona
Lahat tayo ay nagkakamali pero maniniwala ka ba na ang pagkakamali ay maaaring magdala sa iyo sa tunay na pagbabago at magandang buhay na hinahangad mo?
Si Jiro ang magpapatunay na kahit nagkaroon ng malaking pagkakamali at nasaktan ang mga taong mahal niya ay maaari pa ring magbago. Paano niya kinaya na harapin ang naging pagkakamali at panghuhusga ng mga tao? Paano niya hinarap ang pagsubok mula sa pagkakamali na iyon?
Nasaktan niya ang taong mahal noon pero noong bumalik siya ay siya naman ang nasaktan nito noong tuldukan nito at tanggihan ang muling pagbalik ni Jiro sa buhay niya.
Dahil sa nakaraan niya, makikilala niya ang babaeng magpapalakas ng loob niyang magpakatino muli. Kung matatanggap nito ang nakaraan ni Jiro . . . matatanggap din kaya ni Jiro ang nakaraan ng dalaga? Paano nila ipaglalaban ang pagmamahalan nila kung lahat ng taong nakapaligid sa kanila ay hinuhusgahan sila dahil sa mga nakaraan nila?
Paano magmahal ang isang Jiro Miles Barcelona?
One Mistake
All Rights Reserved
JUNE 23, 2021 © NYLARIZZA
Read like
Destined Love Updated at Jan 29, 2022, 00:09
LOVE SEQUEL BOOK 2
(BOOK 1: FIRST LOVE)
Si Michiko ay minsan nang nagmahal at nasaktan pero patuloy pa rin na naniniwala sa kapangyarihan ng pag-ibig. Sa kabila ng sakit na naramdaman niya sa pagkawala ng taong minahal, naniniwala pa rin siya na may lalaking nakatadhana para sa kanya.
Nakilala ni Michiko si Caelen pero parehas silang hindi handa na aminin sa isa’t isa ang nararamdaman nila. Binigyan muli sila ng pagkakataon na sabihin ang nararamdaman para sa isa’t isa pero paano kung huli na ang lahat dahil ang isa sa kanila ay ikakasal na pala?
Paano kung isa ka sa taong pinaglaruan ng tadhana dahil ang taong nakatadhana para sa iyo ay matagal mo na palang natagpuan ngunit sa maling pagkakataon? Kailan magiging tama ang pagkakataon para sa inyo?
Nakatadhana bang siya ay muling bigyan ang pagkakataon para sa pinapangarap niyang pagmamahal na pang-habambuhay? O nakatadhana bang siya ay muling masaktan at maiwan?
Destined Love
All Rights Reserved
March 15, 2021 © NYLARIZZA
Read like
First Love (On Going - FILIPINO) Updated at Jan 23, 2022, 23:55
(COMPLETED na po ito. Huwag pansinin ang On going sa title ^_^)
•BARCELONA TRILOGY #1 - Story of Michiko Mei Barcelona
•LOVE SEQUEL BOOK 1
(BOOK 2: Destined Love)
It’s an exceptional feeling having a relationship with you. Wala tayong naging problema sa babae, bisyo, oras at hindi tayo nag-aaway sa maliliit na bagay dahil pinipili nating intindihin at ayusin ang pinagtatalunan para hindi iyon lumaki at hindi nito masira ang pagsasama natin.
Six years.
Six years in a relationship with you. I treasure every second with you.
But on our seventh year, you broke my heart.
Hindi ka nagpunta sa lugar na pinag-planuhan natin para i-celebrate ang seventh anniversary pagkatapos ay nag-iwan ka pa ng letter para sabihing, “Ayoko na, Michiko. Pagod na akong intindihin ka palagi. Napagod na ako sa iyo. I’m sorry.”
Ang plano natin, magiging masaya tayo sa araw na iyon. Iba pala ang ginawa mong plano. Dapat ba akong matuwa na nag-effort ka pang mag-iwan ng letter sa akin? Thank you pala dapat ang sabihin ko sa iyo?
How could you do this to me?
Dapat lang na kalimutan na kita dahil sa pag-iwan na ginawa mo. Bakit araw-araw pa rin kitang iniisip? Bakit umaasa pa rin ako sa mga pangako mo? Bakit hindi ako naniniwala na napagod ka sa akin? Bakit ayaw kong maniwala sa lahat? Bakit pinipilit ko na nagsisinungaling ka lang? Bakit hindi kita kayang pakawalan?
Sabahin mo nga, Vonn.
Bakit mo ba ako iniwan?
Naranasan mo nang magmahal, hindi ba? Ikaw, ano ang gagawin mo kung bigla ka nalang iniwan ng mahal mo? No explanations, no reasons, no arguments, no conversations, nothing.
Nothing at all.
I felt that. I felt nothing to him.
Am I nothing to you, Vonn?
First Love
All Rights Reserved
2020 © NYLARIZZA
Read like
His Untold Secret Updated at Jan 23, 2022, 23:40
BARCELONA TRILOGY #2 - Story of Euan Marc Barcelona
Everyone said that we are perfect for each other. That’s what I thought too… but I didn’t expect that our “almost” perfect love story will be ruined.
I never thought that we will end like that. It was hard but I need to forget about her.
Siya ang naging karma ko.
Pinilit ko siyang kalimutan pati na rin ang nangyari sa relasyon namin. Malaki ang panghihinayang ko pero siya na mismo ang pumili at pipilitin kong tanggapin iyon.
Unfortunately, everything happened because of me… because of what I’ve done in the past.
Parang gumuho ang mundo ko noong nalaman ko ang katotohanan. All along, it was all my fault.
Paano kung malaman mo na ikaw naman pala ang puno’t dulo ng naging problema? Akala ko ay ligtas na ako dahil ang gago na katulad ko ay nagbago. Akala ko mabubura na ang kagaguhan na nagawa ko noon dahil nagpapakatino na ako.
Paano kung ako pala ang may kasalanan ng lahat?
Paano ko matatanggap na ako pala ang gago at sila pala ang lahat ng nasaktan ko? Paano ko matatanggap na may buhay akong sinira at pinabayaan?
These are my untold secrets. Walang sikretong hindi nabubunyag kaya kahit itinago ko ang lahat ng iyon ay unti-unting malalaman ng lahat.
I am Euan Marc Barcelona. Isa akong malaking gago pero aminado.
His Untold Secret
All Rights Reserved
DECEMBER 2020 © NYLARIZZA
Read like
Not Giving Up On Love BOOK 2 Updated at Jan 23, 2022, 23:05
Isa ka ba sa naniniwala sa mga katagang “Sa hinaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy”?
Alam naman natin na hindi lahat ng pagmamahalan ay sa simbahan talaga ang tuloy.
Paano kung ang relasyon niyo pala ay isa sa pinatatamaan ng mga katagang, “Sa hinaba-haba man ng relasyon, sa hiwalayan din ang tuloy”
Pinaglaban at sinubukan ni Ezekiel at Lauren ang pangalawang pagkakataon sa relasyon nila pero hanggang saan aabot ang relasyon na iyon? Sa simbahan ba o sa hiwalayan din?
Dapat na bang tumigil sa pagbibigay ng pagkakataon lalo na kung ang pagkakataon na iyon ay nasayang lang? Nasayang nga ba? Paano kung sadyang sinayang at binalewala ang pagkakataong iyon? Dito na ba pumapasok sa isip ang enough is enough?
Nagkatuluyan, naghiwalay, nagkabalikan, naghiwalay. Paulit-ulit nalang ang nangyayari sa relasyon ni Lauren at Ezekiel pero dapat na ba talagang sumuko o kailangan lang talagang pagdaanan ang lahat ng iyon para sa mas matibay na relasyon?
Paano mo malalaman kung kailangan na palang tumigil sa pagbibigay ng pagkakataon? Ang ibinibigay mo ba ay pagkakataon na magmahalan ulit kayo o pagkakataon na muli ka niyang saktan?
“Mahal ko ang sarili ko kaya itigil na natin ito.”
Not Giving Up on Love Book 2
All Rights Reserved
DECEMBER 2020 © NYLARIZZA
Read like
AMITY: Just An Ordinary Woman Updated at Dec 30, 2021, 01:23
Si Amity ay isang ordinaryong babae at iyong pagiging ordinaryo niya ang nagsilbing insulto sa kanya ng pamilya ng nobyo niya noon na si Kian. Maraming masakit na nangyari sa nakaraan niya at sa muling pagkikita nila ni Kian at ng pamilya nito ay handa na siyang ibalik lahat ng sakit na ipinaramdam ng mga ito sa kanya noon.
Magtatagumpay kaya siya sa paghihiganti na binabalak o susuko siya at magmamakaawa sa kanila kagaya ng dati?
May magandang maidudulot ba sa buhay niya ang paghihinganti na gagawin niya?
Paano kung sa muling pagkikita na iyon ay makaramdam pa rin siya ng pagmamahal kay Kian? Iyon ba ay gagamitin niyang lakas sa paghihiganti o iyon ang magiging kahinaan niya na siyang dahilan para masaktan siyang muli?
AMITY: Just An Ordinary Woman
Entry on Yugto Writing Contest - Girl Power
All Rights Reserved
December 20, 2021 © NYLARIZZA
Read like
(FREE) Frienemy Updated at Aug 23, 2021, 20:52
(An Epistolary Novel)
It started with a bet. The bet ended.
Will their story end too?
Istorya ng babaeng kinausap, niligawan... at pinaasa?
Hanggang pustahan na lang ba talaga?
Book cover: @YourMyLithiumIron
AUGUST 9, 2020 © NYLARIZZA
(Published on Dreame - 8/23/21)
Read like
Not Giving Up On Love BOOK 1 (Completed - Filipino) Updated at Jun 2, 2021, 04:53
Paano mo malalaman na dapat nang sumuko at bitiwan ang pagmamahal mo sa isang tao?
Sino ang susuko sa pag-ibig?
Ikaw ba o siya?
Si Ezekiel ay isang lalaki na sobrang mahilig sa babae at bar. Nagbago siya noong nakilala niya si Lauren. Kiel and Renren called each other on their real first name which is Ezekiel and Lauren that makes their bond more special.
Pero… ang pagbabagong iyon ay panandalian lang pala. Bumalik siya sa dati noong bumalik ang una niyang minahal, si Ivy.
Nagawa niyang lokohin si Lauren para kay Ivy.
She gave him a chance.
But, she was hurt by Ezekiel for so many times and different situations.
Will she able to give him a countless chances? Or, will she choose to give-up on him in order to protect herself from another pain?
From pain, caused by Ezekiel.
Not Giving Up on Love Book 1
All Rights Reserved
MARCH 10, 2019 © NYLARIZZA
Read like
(FREE) Certified Fangirl Updated at Feb 19, 2021, 04:19
FREE. COMPLETED.
This is a story about a fangirl.
Not just a fangirl. But, a certified fangirl!
Ano nga ba ang napapala ng isang babae na sumusunod at nakikipagsisikan para lamang makita ang kanilang idol?
Nagtitiis sa init. Pumipila ng matagal. Nagtitiis sa sikat ng araw. Nagugutom. Nalilipasan ng gutom. Nakikipagsiksikan.
Ilan lamang iyan sa mga nararanasan ng isang fangirl.
In short, nahihirapan din sila. Hindi madali maging fangirl.
Pero . . . bakit hindi sila humihinto sa pagiging fangirl?
Oras na para maintindihan mo ang kagaya ko.
Ang mga fangirl.
Kaya mo ba kaming intindihin? O kagaya ka ng iba na basta nalang nang-huhusga?
Certified Fangirl
All Rights Reserved
JUNE 20, 2019 © NYLARIZZA
Read like
Always, All Ways (Completed - Filipino) Updated at Jan 25, 2021, 18:44
"Yes, cheating is a choice and he chose to do that but asking for a second chance is also a choice, right? He made that choice and I willingly accepted him."
- Kelly Angela Madrigal
Kelly loves going to the bar when she was in college and she met Dan. They became a couple.
As time goes by, naging seryoso na ang relasyon nila ni Dan na noong una ay laro-laro lang. Pero paano kung ang pagseseryosong ito ay mababalewala dahil sa isang pangyayari? Also, because of Kelly's dark past.
Sinubukang isalba pero wala na ba talaga?
Then, there's Marco. Kelly's suitor na nagpaalala kay Dan na may lalaki pang mas kayang mahalin at pasayahin si Kelly.
But the problem is Kelly's feeling between the two guys. Sino ang pipiliin niyang mahalin?
Si Dan na minahal niya nang sobra pero nagawa rin siyang saktan nang sobra? O si Marco na kayang tanggapin ang lahat-lahat sa kanya?
Always, All Ways
All Rights Reserved
MARCH 27, 2020 © NYLARIZZA
Read like