Chapter 1
Michiko’s POV
I don’t know what to feel right now. Kanina pa malamig ang kamay ko at todo ang kabog ng dibdib ko habang naghihintay. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na magkikita kami pero kahit ilang beses kaming magkita ay kakabahan at kakabahan pa rin ako. Bakit ba ganito ako? Nasaan na ang confidence ko sa pakikipag-usap sa ibang tao? May iba pa kayang dahilan ang nararamdaman kong kaba ngayon?
Kanina ko pa nga kinukulit si Charlotte para tawagan o kausapin ako pero may trabaho siya kaya hindi niya ako magawang tawagan. Nag-message na nga lang siya sa akin na mag-relax lang daw ako.
Para libangin ang sarili sa paghihintay habang umiinom ng kape sa isang sosyal na kapihan dito sa Makati ay inilibot ko ang aking tingin sa paligid. Simula noong umalis si Celestine para libutin ang iba’t-ibang bansa ay ako na ang nag-aasikaso ng business namin na Dream Flower Shop kaya naman lahat ng itinuro niya sa akin ay pinipilit ko pa ring pag-aralan hanggang ngayon. Malaking bagay ang tulong nilang magpinsan sa akin dahil marami akong natututunan sa kanila at isa na roon ang mag-ipon nang mag-ipon! Kahit mayaman ang magpinsan na sina Charlotte at Celestine ay magagaling silang mag-ipon at mabuti na lang na itinuturo rin nila iyon sa akin! Miss ko na kaagad silang kasama sa mga ganitong lakad.
Masasabi kong independent talaga sina Charlotte at Celestine dahil kahit na mayayaman sila ay hindi sila basta umaasa sa pera ng mga magulang nila dahil may kanya-kanya silang business, trabaho at pangarap sa buhay. Simula noog nakilala ko sila ay halos wala namang nagbago aa pagiging mabait nila kaya nga nagtataka ako kung paano ko sila naging kaibigan . . . siguro ay dahil pare-parehas kaming malalakas kumain! Pagkain lang ang katapat at pagkain ang dahilan kung bakit kami napalapit sa isa’t-isa!
Napahinto ako sa pagtingin sa paligid noong nakita ko ang isang pamilyar na mukha na tumayo habang nag-aayos na ng gamit niya. Awtomatikong napangiti ang mga labi ko, tumayo nga ako para lapitan siya. Masyado akong nagalak sa muli naming pagkikita.
“Caelen?” bulong ko pa sa sarili habang palapit ako sa kanya. “Oh my gosh, Caelen!” pagtawag ko sa kanya nang makumpirma kong siya nga ang nakikita ko. Hindi niya ako narinig dahil sa earphones na nakasapak sa mga tainga niya.
Nakita niya akong nakatayo roon at bago siya sumagot ay nilingon niya ang paligid, mayamaya ay tinanggal ang earphones sa mga tainga niya. Nagtaka nga ako na parang hindi siya sigurado sa nakikita niya dahil nakakunot ang noo niya. Mas mainit pa sa kape ang bumuhos sa akin noong sumagot siya ng, “Do I know you?” Napahiya ako roon, ah! Hindi na kaagad niya ako kilala samantalang ako ay nalaman ko kaagad na siya ang nakita ko kahit nakatalikod pa siya sa akin kanina. There’s coldness on his voice which I couldn’t recognized. He’s quiet that can be misinterpreted as a cold guy but I never heard his voice with coldness like this before.
“Sorry, I must be mistaken you for someone else,” sagot ko na lang para hindi ko na ipaliwanag kung paano pa kami nagkakilala dahil baka totoong hindi na niya ako natatandaan dahil . . . sino ba naman ako?
Paalis na ako noong narinig ko ang tawa niya. “Michiko! I’m just kidding!” Hinala pa niya ako para mapalapit sa kanya at nabigla pa ako nang yakapin niya ako. Crap, he’s hugging me! Pagkatapos niya akong yakapin ay humiwalay na ako kaya ang bumungad naman sa akin ay ang mukha niya na mayroong matipid na ngiti. Right, he’s still the Caelen I knew! Akala ko ay nagbago na siya.
“Ops, sorry. What are you doing here?”
“Akala ko ay hindi mo na ako nakikilala! May appointment lang ako sa isang client namin. Kumusta ka na?” pagtatanong ko. Kanina lang ay parang nagmamadali siyang umalis pero bumalik siya sa pagkakaupo kaya umupo rin ako sa tapat niya at inilapag ang kape ko sa mesa.
“I’m okay,” sagot niya habang busy pa rin sa pag-aayos ng gamit niya. Siguro ay nagta-trabaho siya, kahit saang lugar talaga ay komportable siyang magtrabaho. Hindi manlang nakuhang tumingin sa akin nang sagutin ang tanong ko dahil sa pagiging abala sa mga gamit nito. “Kailan ang balik mo sa Baguio?” tanong niya na para pinalalayas na kaagad ako.
“May tatlong araw pa ako rito sa Makati. Namiss kita, ah!” Mali yata na sinabi ko iyon dahil nakita ko ang pagbabago ng ekspresiyon sa mukha niya. Feeling close na ba akong masyado?
Sabi nila, kapag hindi ibinalik ng isang tao ang tanong sa iyo ay sadyang hindi ito interesado na kausapin ang taong iyon. Ang ibig sabihin ay ayaw niya akong kausapin. Naintindihan ko naman ang gusto niyang iparating. Sinubukan ko pang magkaroon ng pag-uusapan na iba pero as usual, one-liner ang sagot niya at hindi pa ibinabalik ang tanong sa akin. Ni hindi nga niya ako nakuhang kumustahin kaya hudyat na iyon para umalis na ako sa harapan niya. Sinubukan ko talagang pahabain ang usapan namin pero . . . hindi talaga siya interesado. Ganoon naman talaga, hindi ba? Kapag gusto mo ang taong kausap mo ay gagawa ka ng paraan para humaba ang usapan.
“Sige, nice meeting you again, Caelen. Baka dumating na ang hinihintay ko, eh,”sabi ko na lang para hindi na ako muling mapahiya. Akala ko pa naman ay namiss niya ako dahil iyon ang naramdaman ko sa pag-yakap niya sa akin.
Tatayo na sana ako pero hindi ko napansin ang kape ko kanina kaya natapon iyon sa table dahilan para muling tingnan ako ni Caelen . . . pero hindi para magpaalam kung hindi . . . para sigawan.
“What have you done?!” Nagulat ako sa pagsigaw na iyon. Kung ano ang hina ng boses niya sa pagkausap sa akin ay siyang lakas ng boses niya sa pagsigaw na iyon. Sabagay, walang namang sigaw na pabulong ’no?
“Hala! Sorry! Hindi ko sinasadya!” Nataranta na rin ako kaya kaagad akong ipinunas ang tissue na hawak ko sa papel na nabasa dahil sa natapon na kape pero mas nagalit siya sa akin dahil napunit ko iyon! Iyon ang kanina pa niyang inililigpit, saglit lang niya iyong ibinaba sa mesa pero nasira ko pa! Ang bilis ng mga pangyayari! Omg! Blueprint pa yata ang napunit ko! Ang tanga-tanga ko!
Nang marinig niya ang boses ko at ang paghingi ng tawad ay kaagad niyang kinuha ang hawak kong blueprint pagkatapos ay siya naman ang humingi ng tawad dahil sa pagsigaw niya sa akin. “Nabigla lang ako nang mapunit mo ito. Mahalaga ito sa akin dahil ilang araw ko rin itong pinagpuyatan. Sorry sa pagsigaw ko sa iyo, hindi ko sinasadya. I was just wondering why did you even approach me?” Bakit parang nakaparami naman niyang ipinakitang mood sa akin ngayon? Parang kanina lang ay may pagyakap pa siyang nalalaman pagkatapos ay tatanungin niya ako ngayon na para bang bawal akong lumapit sa kanya. Itinataboy ba niya ako?
Nagulat na nga ako sa pagsigaw na ginawa niya dahil halos hindi nga nagsasalita ang Caelen na nakilala ko kapag hindi kinakausap. Tahimik lang siya at hindi pala-ngiti kaya may pagka-suplado rin ang dating niya.
Siya nga itong bigla nalang nawala. Dapat nga ay ako pa ang hindi maganda ang pakikitungo sa kanya.
“Caelen, I’m sorry.” Wala naman akong magagawa kung hindi ang humingi ng tawad sa kanya.
“Okay, I . . . I have to go.” Hindi siya nakatingin sa akin at nagmamadaling umalis na para bang may nakahahawa akong sakit.
Dahil likas sa akin ang pagiging makulit ay sinundan ko siya. Gusto ko lang naman na magkaroon kami ng maayos na pag-uusap lalo na at ngayon lang kami nagkita ulit. Naiintindihan ko ang galit niya ngayon dahil pinaghirapan niya ang nasira ko.
“Uy, Caelen, huwag ka naman magalit sa akin. Alam ko naman na mahalaga iyan sa iyo kaya sorry. Ang dahilan lang ba talaga ng pagka-inis mo ngayon ay dahil nasira ko ang ginawa mo dahil pakiramdam ko ay may iba ka pang dahilan.” Ang bilis naman maglakad ng lalaking ito! Ang haba ng sinabi ko pagkatapos ay hinahabol ko pa siya kaya hingal na hingal na kaagad ako.
Huminto siya kaya huminto rin ako. Tumingin siya sa akin at lumapit.
“Okay lang, Michiko. Huwag . . . huwag mo na lang akong sundan ngayon dahil baka may masabi pa ako. Hindi naging maganda ang simula ng umaga ko pagkatapos ay napunit mo ang pinaghirapan ko. Naiintindihan mo naman siguro ako, hindi ba? Aalis na ako at huwag mo na akong sundan.”
“Sige, sorry ulit. Mukhang ako lang naman ang naging masaya sa muli nating pagkikita. Diyan ka naman magaling, aalis ka na lang basta kung kailan mo gusto. Hindi na kita susundan dahil baka may masabi lang din ako na gustong-gusto mong iwasan.” Para kaming mag-boyfriend at mag-girlfriend na may tampuhan. Baka kung ano pa talaga ang maisumbat ko sa kanya kaya mas mabuting bumalik na lang ako sa loob. Bakit naman kasi masyado akong natuwa nang muli siyang makita?
Tumalikod na ako at nagsimulang lumakad pabalik. Nawala nga ang kaba ko pero napalitan naman ng lungkot. Tatlong buwan lang kami nawalan ng komunikasyon ay lubusan na siyang nagbago. Ramdam na ramdam ko ang kagustuhan niyang makaiwas sa akin na para bang ipinauunawa niya ngayon kung bakit bigla na lang siyang nawala. Simple lang, ayaw na niya sa akin kaya siya na ang umiwas.
Ano ba ang pumasok sa isip ko para lapitan kaagad siya? Ngayon lang ulit ako nakapunta sa Makati at unang beses ito na ako lang mag-isa kaya masaya ako na sa pag-iisa ko na iyon ay si Caelen pa ang nakita ko habang naghihintay ng ka-meeting. Si Caelen lang ang kilala ko rito at nagkataon pa na nakita ko siya kaya naging masaya ako pero ako lang ang naging masaya sa pagkikita namin na ito. Masama bang magulat na nakita ko siya? Masama bang matuwa sa muling pagkikita namin?
Napahawak ako sa dibdib ko para kumalma at maghanda sa meeting. Relax lang dapat. Hindi ko inaasahan ang muling pagkikita namin ni Caelen pero aminado ako na bumilis ang t***k ng puso ko noong nakita ko siya. Bakit ganoon?
Vonn, can you help me to figure it out? Hindi ba’t ganito ang pagtibok ng puso ko noong nakikita pa kita? Bakit pakiramdam ko ay ganoon din ang klase ng pagtibok ng puso ko noong nakita ko ulit si Caelen?
Pinapayagan mo naman ako na magmahal ulit, hindi ba? Tulungan mo naman akong malaman kung sino ang tamang tao para sa akin. Baka puso ko naman ang sumuko kapag nasaktan na naman nang todo. Tama na siguro ang sakit na naramdaman ng puso ko sa pagkawala mo ’no?
Parang baliw na naman ako na kinakausap ang yumaong nobyo kapag hindi naiintindihan ang mga nararamdaman ko. Hahawakan ko lang ang dibdib ko kung nasaan ang puso na para bang kinakatok si Vonn bago kausapin.
Nandito lang naman si Vonn, hindi naman siya umalis sa puso ko. Sa tuwing nakikita ko talaga si Caelen ay kailangan kong kausapin si Vonn.
Bakit nasaktan ako nang maramdaman kong iniwasan ako ni Caelen kanina? Normal ba na maramdaman iyon o nagiging sensitive ako pagdating sa kanya?
Pero aaminin ko na . . . totoong namiss ko siya. Sayang lang dahil mukhang hindi na ulit kami magkikita dahil halata naman na ayaw na niya akong makita ulit.