Chapter 1
Michiko's POV
I wish I can smile like an idiot again while reading my first love’s long and sweet messages just like what he did on our past anniversary celebrations. He’s the sweetest especially when it’s our anniversary. Ini-imagine ko palang ang pagiging sweet niya ay napapa-ngiti na kaagad niya ako. Alam naman niya na madali lang akong mapangiti kaya kahit sa simpleng bagay ay napapasaya niya ako.
He is my first love and I will never regret loving him. No matter what happened between the two of us, he’s still my first love.
Iniisip ko pa nga lang na siya na ang lalaking pakakasalan at makakasama habambuhay ay masayang-masaya na ako. Sana… sana kami na para sa isa’t-isa. Ang sarap sa pakiramdam na may taong gusto kang makasama habambuhay. Salamat na ipinaramdam iyon sa akin ni Vonn.
Nakakakilig talaga kapag nag-uumpisa ang lovelife ‘no? Marinig mo lang ang ringtone mo ay kikiligin ka na dahil alam mo kung kanino galing iyon. Tipong hindi mo na mabitiwan ang cell phone mo dahil sa haba ng usapan na kahit paulit-ulit ay hindi nakakasawa.
Ganiyan din naman kami noon. I didn’t know why he changed a lot. Lately, napapansin ko ang pagbabago sa pakikitungo niya sa akin pero umaasa ako na problema lang iyon sa trabaho kagaya ng binanggit niyang dahilan. Hindi naman kami nagtatago sa isa’t-isa dahil alam namin na nagtagal kaming dalawa dahil honest kami at nagtitiwala.
Until now, I am waiting for his message. I don’t need his whole day to make me feel special. I just want him to treat me right.
Bakit noong nililigawan pa lang niya ako, napakakulit niya? Kahit ilang beses kong sinabi sa kanya na hindi ko siya gusto ay gumawa siya ng paraan para magkalapit at makilala ko siya nang lubusan. Wala ring pinipiling oras ang pag-kumusta niya sa text at tawag. Lahat ng klase ng pagpapansin niya ay nagawa niya sa akin noon at iyon ang naging dahilan kung bakit ko siya binigyan ng pagkakataon, wala namang mawawala sa aming dalawa at sinabi ko naman sa kanya na hindi ko siya gusto pero binigyan ko siya ng pagkakataon dahil gusto ko rin naman siyang mas makilala pa. Hindi ko pagsisisihan ang desisyon na iyon.
Bakit kahit isang message ay wala manlang ngayon? Akala ko ay importante sa aming dalawa ang araw na ito pero mukha sa akin lang pala importante.
It’s our f*****g anniversary! I was stood up by my boyfriend for six years on our seventh anniversary celebration! It was supposed to be our seventh anniversary pero hindi niya manlang ako hinarap ngayon! Bakit sa lahat ng araw ay ngayon pa niya naisip na makipaghiwalay?
Six years! Tinapos niya ang anim na taon namin sa pamamagitan ng isang sulat!
Kinuha ko ulit ang maliit na sobre at binasa ang nakasulat doon.
“Ayoko na, Michiko. Pagod na akong intindihin ka palagi. Napagod na ako sa iyo. I’m sorry.”
Ang masaklap pa roon ay hinintay pa niya akong pumunta sa napili naming lugar kung saan i-se-celebrate dapat ang anniversary namin at nakangiti pang ibinigay ng waiter ang sobre na ito. What a great reality! Talong-talo ang expectation ko!
Few weeks ago ay pinag-uusapan pa namin ang tungkol sa kasal! Tinanong pa nga niya ako kung papayag na ba akong magpakasal sa kanya, sinagot ko naman kaagad siya ng “oo”. I was shocked when I read the letter… every word on that letter is like a dart and my heart became a dart board. Bull’s-eye lahat ng salita na isinulat niya roon… sakto sa puso ko kaya ramdam na ramdam ko ang sakit at kirot dahil sa talim ng salita niya.
Para akong tanga na naghihintay sa ka-date na hindi naman pala pupunta. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na maiyak habang palabas sa restaurant na ni-reserve pa naming dalawa. We both planned for this day and I can’t believe what just happened, he f*****g stood me up! No message, no call, no explanation – just a f*****g letter with sixteen f*****g words to end our f*****g relationship!
Paglabas ko sa restaurant ay naramdaman kong tumaas ang mga balahibo ko dahil sobrang lamig na ng simoy ng hangin ngayon. We planned to start the BER-month with full of happy memories. Bakit ngayon pa niya napiling makipaghiwalay sa akin? Alam niya kung gaano kahalaga ang araw na ito para sa akin. Sobrang sakit, eh. I didn’t expect this to happen. Marami pa naman sana akong sasabihin sa kanya. Sana nagtiis nalang siya sa akin kahit kaunting buwan pa dahil sobrang daming nangyaring masakit sa pamilya namin, sasabog na ang puso ko sa sobrang sakit.
Hinayaan ko na siyang hindi namin ituloy na simula umaga ay magkasama kaming mag-se-celebrate ng anniversary kaya pumayag ako na hapon na lang. The original plan was we will be together whole day, something came up so we decided na dinner nalang magkita. May chance siyang sabihin sa akin kanina kung ayaw na niya pero nakuha pa niyang sabihin na may kailangan siyang asikasuhin kahit ang totoo ay iba naman pala talaga ang plano niya para sa araw na ito. Bakit ganito ang surprise mo ngayon, Vonn?
I can feel the cold weather of Baguio City. I feel the coldness of my heart too.
I have no clue why he did this to me. Wala lang ba sa kanya ang anim na taon namin kaya hindi manlang niya ako kayang harapin para sabihin sa akin na gusto na niyang makipaghiwalay? Hindi ba niya kayang magpakalalaki ngayon?
PAGKATAPOS KONG PAKALMAHIN ANG sarili ko ay umuwi na ako sa bahay. Dahan-dahan ko pang binuksan ang pinto, hindi ako pwedeng makita ni Kuya Euan o ni Jiro dahil inaasahan nila na marami kaming pupuntahan ni Vonn para i-celebrate ang anniversary namin.
I’ve been pestering my brothers if my outfit for tonight is okay. Naiinis sila sa akin dahil sobrang excited ko samantalang hindi naman ito ang unang pagkakataon na lalabas kami ni Vonn. I even told them that nothing can change my mood!
Hindi pa man ako nakakapasok ay may nagsalita na.
“We can see you, Michiko,” Kuya Euan said to greet me.
“What happened to you? Pinauwi ka ba ni Kuya Vonn dahil ganiyan ang itsura mo, Ate Mich?” ani Jiro sabay tawa pa nang malakas.
Walang dahilan para hindi pa ako mag-ingay kaya binuksan ko nang padabog ang pinto namin at sumalampak sa upuan na kaharap nilang dalawa, iyong mahahalata nila na pagod ako at hindi sila pwedeng magtanong.
“What happened?” Kuya Euan asked with his intimidating tone. Umayos kaagad ako ng pagkaka-upo dahil alam kong seryoso na siya sa pagtatanong sa akin. “Jiro, go to your room. Maaga pa ang pasok mo kaya matulog ka na,” he added and gave Jiro a death stare. Alam naman naming dalawa kung kailan nagiging seryoso si Kuya Euan kaya hindi pa man tapos sa pagsasalita si Kuya Euan ay tumayo na si Jiro at nagpaalam sa amin na matutulog na.
Itinaas ni Kuya Euan ang dalawa niyang kilay at nilakihan ako ng mata para sagutin ko ang tanong niya kanina.
“He’s quite busy, Kuya. Something came up kaya kailangan naming maghiwalay agad,” I answered. I wish I didn’t use the word maghiwalay because I felt the heaviness in my chest. Siguradong mahahalata iyon ni Kuya Euan kung hindi ako mag-iingat. “Alam mo naman na pagod din ako sa work ngayon kaya pumayag ako na maaga kaming umuwi. Besides, magkikita naman kami sa ibang araw. Every day is our special day, there’s no difference.” Marami pa sana akong sasabihin pero nagmumukha na akong nag-e-explain kaya tumahimik na ako.
“You sure about that?” he asked.
“Yes po,” I answered. “You don’t have to worry about me. Mas lalo kang magmumukhang matanda na kung palagi kang nakasimangot, Kuya. Let’s don’t forget to smile, okay?” Sinusubukan kong magpatawa para hindi mabigat ang pag-uusap namin ngayon.
Tumango siya sa akin pero napansin ko na nakatitig pa rin siya sa akin.
I tried not to cry. Sinubukan ko pero hindi kinaya ng mga luha ko. Hindi pa nila pina-abot sa kwarto ang pag-iyak ko. Nakita ko sa mga tingin ni Kuya Euan na hindi siya naniniwala sa akin at parang naghihintay pa siya ang sasabihin ko pero pag-iyak ko na ang kasunod na narinig niya.
“Hey, what happened? Bakit ka umiiyak?”
Kaagad akong napahawak sa mukha ko dahil sa mga impaktong luha na nagpakita kay Kuya Euan. Lumapit siya at kaagad naman akong niyakap.
“I just… I just miss… them.” Hindi ko na pinigilan ang luha ko dahil bawat haplos ni Kuya Euan sa likod ko ay parang haplos na nagsasabi sa akin na hindi masamang umiiyak kapag nasasaktan. Iyakin pa naman ako at kapag nasimulan na ay nahihirapan na akong ma-kontrol.
“I missed them too,” he blurted out. It must be true since he said it out loud. Totoo rin naman na miss na miss ko na ang mga magulang namin. We’ve been through a lot for the past four months, hindi ko na gugustuhin na idagdag pa ang heartache na ito kay Kuya Euan dahil parehas na kami ng nararamdaman ngayon. It must be really hard for him to take good care of us simula noong namatay si Nanay at Tatay. Napasa sa kanya ang isang malaking resposibilidad kaya hindi ko sana ipapakita sa kanya ang pagiging mahina ko pero… I need my brother to make me understand the situation.
“Did Vonn breakup with you?” he whispered. Napalayo ako mula sa pagkakayakap niya para tanungin kung paano niya nalaman. “Kapatid kita, alam ko kung kailan ka nagsisinungaling. You avoided eye contact a while ago, Michiko. Halata rin sa mga mata ko na umiyak ka kanina. Lastly, napagdaanan ko na ang ganiyang sitwasyon kaya alam ko ang mga palusot mo.” May lungkot sa mga mata niya noong sinabi niya iyon. “Hindi ko alam kung ano ang dahilan sa paghihiwalay niyong dalawa but we’re family. Let’s not keep a secret from each other. Kausapin mo lang ako kung ano ang gusto mong sabihin.” I nodded. Alam ko naman na concern siya sa amin ni Jiro pero siya itong magaling magtago sa nararamdaman dahil hindi niya ipinapakita sa aming dalawa na nasasaktan na siya dahil alam niyang sa kanya lang kami sumasandal ngayon.
“I’ll be okay, Kuya.”
Hinayaan lang niya akong umiyak kagaya ng ginawa niya noong nawala si Nanay at Tatay.
I was hurt. I didn’t know if I can still hold up from this pain. Four months ago, nawala ang parents namin. Gabi-gabi ko silang naaalala at gabi-gabi rin akong umiiyak sa tuwing naiisip ang mga panahon na masaya at kumpletong kaming magkakasama. I can admit that I’m the weakest and emotional but I’m also happy that they are my brothers, hindi nila ako pinababayaan.
Vonn was always there to comfort me. He was always there for me. Bakit kailangan niya akong iwanan sa ganitong paraan? He should have talk to me and explain everything.
Bakit ayaw na niya sa akin? Bakit ayaw na niyang ituloy ang relasyon namin? Karapatan kong malaman ang sagot sa mga tanong ko dahil kami ang bumuo at nagpatatag sa relasyon namin… kung pagod na siya, pwedeng ako naman ang lumaban para sa amin. Handa akong lumabang mag-isa kung pagod na siya. Hindi ba mahalaga ang opinyon ko? Hindi na ba ako mahalaga sa kanya?
I tried to call him but it’s no use, he’s obviously ignoring me.
I felt nothing to him. Ito na ang isa sa pinakamasakit na naramdaman ko, ang pakiramdam na ang taong importante sa iyo ay ipinaramdam na kaya niyang burahin lahat ng pagpapahalaga, pinagsamahan at ituring kang wala lang sa kanya.
He wouldn’t end our relationship like this if he respects me as a woman.
I hope… I hope… he has reasons for this. I can still accept him if he explains it to me.
He is my first love and I will never regret loving him. No matter what happened between the two of us, he’s still my first love.
I was thinking about those a while ago. But now, I’m thinking what I have done wrong for him to leave me like this.
I sat on the floor of my room and read it again.
“Ayoko na, Michiko. Pagod na akong intindihin ka palagi. Napagod na ako sa iyo. I’m sorry.”
Baka nagkakamali lang sila? Baka kapangalan ko lang? Baka hindi ito para sa akin?
I can’t even accept that this night actually happened.
I really want to talk to him pero hindi niya sinasagot ang tawag ko kaya nag-voice message ako sa kanya. Nagbabakasakali na pakikinggan manlang niya iyon.
“Vonn… let’s talk. Are you okay? Kasi kung hindi, nandito naman ako para sa iyo. Alam mo naman iyon, hindi ba? Bakit… bakit ka nakipaghiwalay sa akin? Sabihin mo naman sa akin, please? I need to know your reason. Kung ayaw mo na talaga sa akin, kaya ko namang intindihin… basta sabihin mo lang ang dahilan mo. Makikinig naman ako sa iyo.”
Nakita ko kaagad na na-seen niya kaya sana pinakinggan talaga niya. Nabuhayan ako noong nakita kong nag-ta-type siya ng reply sa akin… pero mas lalo lang akong naguluhan sa nabasa ko.
“I love you. Take a rest, Michiko.”
How confusing is that? Sa totoo lang, nakaka-tanga ang sinabi niya. Paano ko maiintindihan ang nangyayari kung mas lalo niyang ginugulo? Pakiramdam ko tuloy ay pinaglalaruan niya ako ngayon. Ang sakit na… nakakagago ang nararamdaman ko ngayon.