Chapter 2

1819 Words
Michiko's POV It’s been a week since Vonn broke up with me. Wala akong pinag-sinabihang iba bukod kay Kuya Euan at sa best friend kong si Charlotte. Nahirapan pa akong mag-explain sa kanya dahil hindi ko naman talaga alam kung ano ang naging problema namin. He’s cold before our anniversary but he should talk to me if there’s a problem between us. Hindi naman ako mahirap kausap sa mga ganoon at alam niyang open kami sa isa’t-isa, kahit sumama ang loob ng isa sa amin ay kailangan pa rin namin sabihin ang dapat sabihin. That’s how our relationship works for six years. Bakit nagbago siya ngayon? Hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako na may problema lang siya at kakausapin din niya ako kapag gusto na niya. Hinahayaan at kayak o naman siyang bigyan ng oras, hindi pa rin niya sinasagot ang mga tawag ko simula kahapon. Hindi niya gawain ang ganito. He didn’t like writing but he loves talking… a lot kaya umaasa pa rin ako. Pwede ko naman siyang tulungan o bigyan ng suporta kung may problema siya, hindi naman niya ako kailangang iwanan nang biglaan. Ayaw nga niyang nagsusulat pero ganoon pa ang paraan na ginawa niya para hiwalayan ako. Does it mean that he also hates me? Why? I want to know the truth! I can wait. Sadyang mas lalo lang sumasakit habang tumatagal ang paghihintay dahil posibleng hindi na talaga niya ako kausapin. It’s just really hard to understand when someone left you and no one is there for you to answer every question that’s running on your mind. Pabagsak kong inihiga ang katawan ko sa kama noong nakapasok ako sa kwarto ko. Hindi naman ako pagod sa trabaho bilang florist dahil hindi naman ganoon karami ang flower arrangement na request ng client ngayon kaya nakapag-pahinga ako nang maayos. In fact, mas pagod pa ang utak ko sa pag-iisip sa biglaang pag-iwan ni Vonn sa akin. I check my social media accounts, nakita kong online siya pero hindi ko siya kakausapin kung hindi niya ako kakausapin. Sinubukan ko naman pero hindi niya ako pinapansin. Hindi rin ako nag-po-post ng kahit ano na may kinalaman sa aming dalawa dahil ayaw kong magpaliwanag sa ibang tao dahil hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko. Alam din ni Vonn na mahilig akong magparinig through shared posts about my feelings kaya hindi ko ipapaalam sa kanya ang nararamdaman ko ngayon. Hindi na ako nag-scroll sa internet dahil iniisip ko lang na mag-cha-chat siya sa akin. Ayaw kong paasahin ang sarili ko ngayon. Pagbalik ko naman sa home screen, nakita ko ang picture naming dalawa at kaagad naman akong nagpunta sa gallery ng cell phone ko. Hindi ko mapagilan na pagmasdan kung gaano kami kasaya sa pictures at videos naming dalawa. Wala naman sa kahit anong larawan na iyon na iiwanan niya ako nang biglaan. Palagi siyang nakangiti kaya hindi mo talaga malalaman kung ano ang totoong nararamdaman niya. His smile is beautiful but sometimes it’s quite confusing. Maybe, it’s his armor para hindi makita ng iba ang totoo niyang nararamdaman. Palagi rin siyang nakangiti sa akin noong nawala ang mga magulang ko dahil gusto niya na mahawa ako sa magandang ngiti niya. “I wish I can still see your smile, hawahan mo naman ako ng mga ngiti mo, Vonn.” Nagawa ko pang kausapin ang litrato ni Vonn. “Kailangan kong maintindihan kung bakit mo ako iniwan. Dapat mong ipa-intindi sa akin kung ano ang dahilan mo. Sobrang unfair mo, alam mo ba iyon?” sabi ko pa sa kanya na may halong paninisi na. “Hirap na hirap kaming bumangong magkakapatid sa pagkawala ni Nanay at Tatay pero pinilit namin at tinulungan mo rin ako na unti-unting mabuhay, hindi ba? Napagod ka ba sa pagpapaalala sa akin na kailangan ko na ulit mabuhay nang normal? Napagod ka ba sa pagpapatahan sa akin? Saan ka ba napagod? Hindi ko maintindihan, tulungan mo ako… tulungan mo akong maintindihan ka, Vonn,” dagdag ko pa, unti-unti na naman tumulo ang mga luha ko. I was about to delete all of our pictures but I can’t. I can’t delete him on my memory. I don’t want to delete him. NAGISING AKO NOONG NARINIG kong may tumatawag sa cell phone ko. It was from unregistered number pero sinagot ko pa rin, baka importante. Sayang, nabitin lang ako sa panaginip ko dahil kasama ko si Vonn at masaya kaming dalawa sa panaginip. Hanggang panaginip na lang ba talaga iyon? “Hello?” I said as I answered the call. Bumangon pa ako at nag-ayos ng kama dahil maya maya ay uuwi na rin si Kuya Euan at baka nandito na sa bahay si Jiro. Kawawa naman ang bunso namin kung gugutumin ko. “Michiko.” It was a guy. Pabulong ang pagtawag niya sa pangalan ko kaya halos hindi ko na iyon naintindihan. “Kumusta ka?” he asked, still whispering. “Who’s this?” I politely asked. Kinukumusta niya ako kaya gusto kong malaman kung sino siya para maumpisahan naman ang pag-uusap nang maayos. Hindi naman ganoon karami ang kaibigan ko kaya natutuwa ako kapag may nakaka-alala sa akin. He laughed weakly or maybe his mouth is too far from his phone. “It’s Vonn,” he said, not whispering anymore so I clearly recognized his voice. My heart recognized his voice. Umaasa ako na kakausapin niya ako tungkol sa nangyari pero bakit iba ang pakiramdam ko sa pagtawag niya? Hindi ako nagsalita, nakatahimik lang ako dahil iniisip kong tumawag siya para magpaliwanag. Umaasa pa rin ako. Aasa pa rin ako, Vonn. “Kumusta ka?” he asked again. Seryoso ang pagkakatanong niya pero napangiti ako nang pilit na pilit. Tama ba ang pagkakarinig ko sa tanong niya? Hindi ko maipaliwanag kung ano ang naramdaman ko noong narinig ang tanong na iyon. Nakakatanga lang ulit. I exhaled. “Dapat alam mo kung ano ang nararamdaman ko. Ano ba ang inaasahan mong isagot ko sa iyo? I’m happy and okay since finally, I experienced to feel stupid while waiting for someone who wouldn’t come to celebrate our anniversary. Ganiyan ba dapat ang isagot ko sa iyo? Don’t be stupid, Vonn. Why would you ask? I am not okay for the past few months and thank you for adding more pain!” Simula noong narinig ko nang maayos ang boses niya at na-kumpirma ko na siya ang kausap ko, hindi na tumigil ang pagtulo ng mga luha ko. Hindi ko lang hinahayaan na marinig niya ang paghikbi ko. Pagkatapos niya akong hiwalayan ay tatanungin niya kung kumusta na ako? Siya kaya ang tanungin ko kung okay lang siya? “Michiko, tumawag ako para ipaalala sa iyo na huwag mong pababayaan ang sarili mo. Don’t scold Jiro too much, mahal ka naman ng pasaway na iyon. Huwag mo na rin pasakitin ang ulo ng Kuya mo para hindi kayo nag-aaway, okay?” I can’t believe he’s reminding me of these things! He should be explaining! Mas lalo lang sumasakit ang nararamdaman ko dahil sa mga ganito niya. Ibig sabihin ay okay kami? Wala kaming problema, hindi ba? Bakit hiniwalayan niya ako? Hindi ba niya iyon pwedeng sabihin sa akin? Kung kausapin niya ako ngayon, parang wala kaming dapat pag-usapan na mas mahalaga sa pangungumusta niya. “Mamamatay ka na ba?” I asked making sure he can hear how irritate I am. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa. May gana ka pang tumawa ngayon? Ngayon pa talaga, Vonn? “What is going on? Ano ba ang gusto mong sabihin o mangyari? You broke up with me but you are still acting like you care—” Hindi niya pinatapos ang sinasabi ko dahil nagsalita siya at sinabing, “Of course, I care for you.” Naririnig ba niya ang sarili niya ngayon? Naaalala ba niyang hiniwalayan niya ako at iniwan? Nagpapatawa ba siya ngayon? I’m definitely confused right now. “Nakipagbreak ka ba talaga? Parang wala lang sa iyo ang nangyaring hiwalayan sa ating dalawa, ah? What’s wrong with you? Tell me it’s a joke and I will laugh with you.” Sinadya ko talaga na ganiyan ang sabihin sa kanya dahil kaya ko naman kaagad burahin ang nangyaring ganito kung sasabihin niya sa akin na nagbibiro lang siya. “Nagbibiro ka lang naman, hindi ba? Sabihin mo lang sa akin na nagbibiro ka, hindi ako magagalit sa iyo. Hindi kita aawayin. Hindi mo naman ako iiwanan, hindi ba? Vonn, huwag mo akong iwanan.” Am I begging for him to stay? Mali ba ito? Kahit na sinabi ko iyon sa kanya, hindi ako nakakaramdam ng pagsisisi na sinabi ko iyon sa kanya dahil iyon ang nararamdaman ko ngayon at iyon ang gusto kong sabihin sa kanya. Hindi siya nagsasalita. Tahimik lang siya kaya hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya. “Vonn, please. Let’s talk about it. Ano ba ang naging problema mo sa akin? Hindi mo ba nagustuhan ang pangungulit ko sa iyo kapag nasa trabaho ka? Nahirapan ka na bang patahanin ako? Ayaw mo na ba sa akin? Bakit? Bakit mo ito ginagawa sa akin?” Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hindi ko naman alam kung kailan ulit kami mag-uusap kaya mas mabuti pang malaman niya kung gaano ko siya kamahal kaysa pagsisihan ko pa na hindi ko nasabi sa kanya lahat. Hinayaan ko na rin na marinig niya ang paghikbi ko. Hindi ko na siya naiintindihan kaya diniretso ko na ang pagtatanong sa kanya. “Vonn, tell me it’s a joke and I will laugh with you,” pag-ulit ko pa. “Sige na, please? Sabihin mo sa akin na nagbibiro ka lang dahil may surprise ka pa. We’re talking about marriage, right? We’re planning for our future. Tell me if this is a joke, I won’t get mad.” Yup, I’m begging. “I’m sorry,” he said. I hope he is sorry for having a joke like that, not sorry for leaving me. “Just take care of yourself. I love you.” He ended the call with those words. Hindi manlang niya ako hinayaan na sumagot… o sadyang ayaw niyang marinig ang sagot ko? “I love you? That’s bullshit, Vonn!” I shouted out of frustration. I guess, he said sorry for leaving me. Hearing him saying sorry is useless because he left and I can’t even do anything about it. But hearing him saying that he loves me will not erase the fact that he left without even sharing his reason with me. From my parents’ death and from this break-up, I can’t even think how I should live my life anymore. Ang hirap naman na ganito kami naghiwalay ni Vonn. Wala akong ideya sa naging problema namin. Sabi nila, sumabay sa agos ng buhay at matutong lumangoy pero paano ako matututo kung ang kaisa-isang tao na nagtuturo sa aking lumangoy ay bigla akong binitiwan? Paano ako matututo kung natatakot ako? Paano ako matututo kung wala akong ibang nararamdaman kung hindi panic? Paano ako magiging kalmado kung nakikita kong palubog na ako at patuloy na lumalayo sa kanya? How can I survive?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD