Chapter 1 – Dangerous feelings
Lauren’s POV
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa pag-e-empake na ginagawa namin ni Grandpa ngayon, I should feel excited to go back to the Philippines pero sa tingin ko ay kahit na si Fernando Amorsolo ay hindi kakayaning ipinta ang mukha ko ngayon. Noong mga nakaraang araw ay excited naman ako sa pag-uwi namin ni Grandpa pero sa hindi malamang dahilan ay parang ayaw ko pang bumalik sa Pilipinas. Hapon na rito at mamayang gabi ang flight namin pabalik sa Pilipinas, siguradong gabi na rin ang dating namin doon kung walang delay na mangyayari.
Masaya naman kami rito ni Grandpa, ayaw ko lang talagang makaharap silang lahat. Parang iniisip ko pa lang ay punong-puno na ng problema ang mga naiisip ko. Alam ko naman na ampon lang ako at noong namatay si Mommy ay hindi ko na ipinabago ang apelyido ko, ginagamit ko pa rin ang apelyido na ibinigay niya sa akin kahit na gusto ni Daddy na maging pareho ang apelyido namin. Pumayag naman siya na hindi na ipabago para hindi na rin stressful sa pag-aayos ng dokumento at iyon na lang ang ala-ala namin ni Mommy na kahit hindi niya ako tunay na anak ay ipinaramdaman niya sa akin ang pagmamahal ng isang ina. Isa na siguro sa mga dahilan kung bakit hindi ako excited sa pagbalik sa Pilipinas ay dahil kailangan kong harapin ang nagpakilalang tunay kong mga magulang. Wala namang problema sa akin na nakita na nila ako, may sitwasyon lang na nagpakumplikado ng lahat. At ang sitwasiyon na iyon ay hindi ko pa kayang tanggapin hanggang ngayon.
Mahigit isang taon din akong namalagi rito sa Canada, paniguradong marami na ang nagbago at isa na ako sa mga nagbago na iyon. Sa mahigit isang taon na iyon ay ilang beses lang ako umuwi para sa mahahalagang araw para sa mahahalagang tao sa buhay ko kagaya na lang ng kasal ni Kelly. Matagal niya iyong pinangarap kaya hindi ko rin naman iyon palalampasin. Akalain mong ikinasal na ang matalik kong kaibigan! Akala ko nga ay susunod na ako, biro lang.
Kahit naman nandito ako sa Canada ay hindi naman kami nawalan ng communication, mas madalas pa nga siyang tumawag sa akin kaysa kina Daddy at Mommy Pia. Mas lalo namang mahirap kausapin sa cell phone ang baby boy namin na hindi na talaga baby na si Jace dahil busy palagi sa paglalaro at kung ano-anong pinanonood samantalang si Kuya Angelo naman ay nagiging busy na rin sa trabaho.
Yes, I called him Kuya kasi iyon ang gusto ni Daddy. Itinama na niya ang pagtawag ko kay Kuya Angelo dahil may tumatawag na raw sa akin na Ate. Ang bunsong kapatid ko naman na si Jace ay hindi na utal pero kung tawagin ako ay Ate Wenwen pa rin! Hinahayaan lang namin siya ngunit ginagawa lang niya iyon kapag naglalambing. Ayaw na ngang magpatawag ng baby boy kaya minsan na lang niya ako tawaging Ate Wenwen. He is still adorable though.
Tanging ang sermon lang ni Grandpa ang naririnig ko rito, hindi naman ako pinagsasabihan ni Daddy kapag magka-usap kami at hindi ko naman pinakikinggan si Kuya Angelo kapag pinagsasabihan ako. Nahihiya nga ako sa kanila na pagkatapos ng mga ipinaalam nila sa akin ay umalis ako ng bansa. Sa katunayan ay sumama pa ang loob ko kay Daddy dahil akala ko ay siya ang nagpahanap sa mga tunay kong magulang dahil ayaw na niya ulit ako sa buhay niya. Akala ko ay ganoon ang sitwasiyon, mabuti nalang at nakinig ako sa kanya kaya naipaliwanag niya sa akin kung ano ang nangyari. Ang tunay na magulang na hinahanap ko noon ay malapit lang pala sa akin ngayon. Sa sobrang lapit nga ay ilang beses na nila akong nasaktan.
The original plan is to stay here for a vacation but I immediately changed that plan when we landed in Canada. Honestly, I feel safer here. My heart feels safer here. My whole being feels safer here.
“Bakit naman ganiyan ang itsura mo? Excited na nga akong umuwi pagkatapos ay ganiyang ang mukha mo. Mukhang mas matanda ka na sa akin, eh!” Awtomatikong natawa ako sa sinabi ni Grandpa! Tama bang sabihin na mas mukhang matanda ang ganda kong ito? Parang kailan lang ay hindi siya makatingin sa ibang direksyon dahil gandang-ganda siya sa apo niya na bago ang hair cut and style. Hindi naman ito bago pero ngayon lang ako nagpa-ikli nang sobra. Short wavy bob cut with side bangs, I tried full bangs but it doesn’t look good. Kahit papaano ay nagmukha naman daw akong tao sabi ni Grandpa. He is still the very supportive Grandpa we knew, right?
“I don’t know, I’m not excited to go home. I mean . . . this is home, Grandpa. I want to stay here longer.”
May kinuha siya sa ilalim ng upuan na magazine at ibinigay iyon sa akin. Hindi ko naman alam kung ano ang kinalaman ng magazine na ibinigay niya sa pinag-uusapan namin ngayon.
“What is it, Grandpa?” I asked.
He turns the pages and when he stopped, I get the point of giving this magazine and showing this picture with me.
“Ngayon mo sabihin sa akin na hindi ka pa rin excited umuwi. Magkikita na kayo ni Kiel!” Hindi pa siya nakuntento sa pagpapakita ng lawaran ni Ezekiel sa akin, binanggit pa niya ang pangalan ng isang iyon. Well, I’m still calling him Ezekiel like I used to.
Kung noon ay sikat na siya sa Pilipinas, hindi maikakaila na mas sumikat siya ngayon dahil kahit sa ibang bansa ay umaabot na ang magazine na kasama siya. At least, worth it ang lahat ng nangyari.
“Move on na, Grandpa. Matagal na kaming hiwalay kaya huwag mo na akong binibiro sa kanya.”
Tumawa naman siya. Nagulat nga ako sa biglaang pagbanggit niya kay Ezekiel samantalang noon ay maingat na maingat siya sa hindi pagbanggit sa pangalan nito. Busy naman siya ngayon kaya posible naman na hindi kami magkita, hindi ba? Ayaw ko lang ulit siyang makita, wala na rin naman dahilan para magkita pa kami. I sounded bitter but it’s true.
“Masama pa rin ba ang loob mo sa kanya?” he asked. Ayaw ko naman na ma-stress siya dahil sa akin, bakit ba hindi ko maitago ang pagkalungkot sa mukha ko? Ayaw ko pa talagang bumalik sa Pilipinas!
“Grandpa naman, sinabi ko naman po sa inyo na wala naman akong sama ng loob sa kanya.” Tiningnan niya ako na halatang hindi naniniwala sa sinasabi ko kaya awtomatikong nagbigay na naman ako ng defensive na dahilan sa kanya. “Grandpa, alam ko naman po na botong-boto ka at ang buong pamilya natin kay Ezekiel pero ano naman po ang magagawa ko kung hindi na siya gumagawa ng effort para sa akin? Ano po ang magagawa ko kung ako ang gagawa ng effort para sa kanya na minsan ko lang naman ginawa ay mamasamain pa niya? Napanood mo naman po ang interview niya noon, hindi ba? Kilig na kilig pa nga ako roon dahil sinabi niya na hindi niya ako ipagpapalit sa career niya. Naku, career, huh? Kalokohan!” Minsan ay nahuhuli rin ako sa sarili kong bibig. I really sounded bitter because I am!
Hindi nga ako nagkakamali na makaririnig na naman ako ng pang-aasar ni Grandpa dahil narinig ko ang tawa niya. “Oo nga. Ramdam na ramdam ko na wala kang sama ng loob sa kanya. Kahit sino naman ang makarinig sa iyo ay mararamdaman din na walang kahit anong sama ang loob sa taong pinag-uusapan natin.” Napaka-sarcastic ng pagkakasabi ni Grandpa.
Mas lalo lang sumimangot ang mukha ko. Mas lalo lang mahihirapang i-pinta ang mukha ko.
Okay, aamin na nga tutal ay wala naman akong naitatago kay Grandpa.
Totoong wala na kami ni Ezekiel at totoong masamang-masama ang loob ko sa kanya. Alam ko na kung paano ko mahalin ang sarili ko pero sumobra naman yata ang pagmamahal ko kaya nagkaganito ako. Maayos na sana ang lahat pero ako na mismo ang gumulo nito. Ako na naging demanding sa oras niya pagkatapos ay may sumingit pang impakta na mas pinili ng impakto kong ex-boyfriend na sinabayan pa ng career niya na sa tingin ko naman ay hindi niya pinagsisihan dahil mas sumikat pa siya ngayon kagaya ng gusto niyang mangyari.
I exhaled. “Bakit po kailangan mong banggitin si Ezekiel, Grandpa? Matagal ko na nga siyang hindi iniisip, hindi ko nga siya iniisip ngayon pero binanggit mo pa. Kung puwede lang akong magpa-iwan dito sa Canada ay magpapa-iwan po talaga ako. Magkakaroon na naman sila ng pagkakataon na saktan ako kapag nakita nila ako. Alam mo rin naman po na hindi sila nagsasayang ng oras dahil kapag nakakita sila ng tiyempo ay sinasaktan nila ako. Grandpa naman! Ayaw ko na nga po silang isipin pa! Heto na naman tayo, Grandpa.”
“Matagal mong hindi iniisip? Totoo ba iyan?” pagtatanong pa niya na halatang nang-aasar na. “Okay, tatahimik na ang Grandpa.”
“Tama na po, Grandpa. Huwag na natin ipilit ang hindi na puwede,” paki-usap ko pa sa kanya. Tutal ay masaya naman kaming dalawa sa mga napili naming career. Oras na rin siguro para matutong huminto kung kinakailangan, hindi ba?
“Paano mo ba nasabi na hindi na puwede? Palibhasa ay hindi mo alam ang love story namin ng Grandma mo kaya hindi mo pa naririnig ang best love story of all time.” Hindi ko alam kung nagbibiro siya sa sinabi niya pero nakuha niya ang atensyon ko sa tanong niya.
Paano nga ba masasabi na hindi na puwede?
Hindi na ako sumagot dahil hindi ko rin naman alam ang isasagot ko. Ang alam ko lang ay hindi naman ibig sabihin na natapos na ang relasyon namin ay titigil na kami sa pagpapahalaga sa isa’t-isa at hindi rin naman ibig sabihin noon ay sumuko na kami.
There is no such thing as give up for Ezekiel and I, we just learned how to stop hurting each other . . . again.
But I’m not sure if being away from him makes the pain and love go away. It’s quite dangerous to think that our distance is just a mere distance but our hearts still collide and the connection never fades.
What I’m thinking right now is dangerous for my feelings.