Euan’s POV Ang sabi ng ibang tao noon, perpekto na raw ang pagmamahalan namin ni Sharinna. Naniwala ako sa kanila dahil ganoon din ang naramdaman ko pero sadyang walang perpektong kuwento ang bawat pagmamahalan dahil dumadaan ito sa mga pagsubok at nagkataon lang na hindi namin kinayang harapan nang magkasama ang pagsubok na iyon kaya ang aming almost perfect love story ay nasira at natapos. Marami akong pinagdaanan sa buhay at sa lahat ng pinagdaanan na iyon ay punong-puno rin naman ng aral. Pagkatapos namin sabihin sa pamilya namin na engaged na kami ni Rosaleen ay naging masaya ang mga kapatid ko sa akin. Naaalala ko pa nga ang tanong sa akin ni Michiko. “Kuya Euan, paano mo po nalaman na si Ate Rosaleen na ang dapat mong pakasalan? Ano po ang ginawa mo para malaman mo na siya na?”

