Euan’s POV Paulit-ulit kong tinawagan si Rosaleen pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Sinubukan ko siyang puntahan sa bahay ni Mr. Lacanillao ngunit naki-usap si Lance sa akin na huwag kong guluhin ang isip ni Rosaleen. Sinabi ko na nagpunta ako roon para malinawan ito pero hindi pa rin niya ako pinapasok dahil ayaw ni Rosaleen na makipag-usap sa akin. Paano namin ito maaayos kung ayaw niya akong harapin? Itinuloy ko ang paghahanap ng trabaho, tinawagan ako ni Oswald at sinasabi niya na puwede naman akong bumalik sa opisina. Nagpasalamat na lang ako pero may isang salita ako kay Mr. Lacanillao. Nag-offer din si Oswald na mag-apply ako sa kumpanya ng mga kamag-anak niya pero sinabi ko na huwag niya akong intindihin ngayon dahil kakayanin ko naman ito. Maghapon akong palipat-lipat

