Euan’s POV Naging maayos man ang pag-uusap namin ni Rosaleen pero hindi pa rin ako makatulog. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko kaya tumayo ako at sinilip sila habang mahimbing na mahimbing na natutulog. Bumaba ako at kumuha ng alak para gawing pampatulog. Ayaw ko sanang malaman ni Rosaleen ang pinagdadaanan ko sa trabaho pero hindi ko alam na nakita niya iyon. Totoo na mas pinahihirap ni Mr. Lacanillao ang trabaho ko at sunod-sunod ang pagkakaroon ng aberya kaya ako ang napag-iinitan. Isama mo pa ang mga tsismis na kumakalat sa opisina. Ako raw talaga ang nanloko kay Sharinna kaya kami nagkahiwalay at si Rosaleen ang naging babae ko na nabuntis ko rin. Wala naman akong pakialam sa iisipin nila sa akin pero ayaw kong idinadamay nila si Rosaleen. Hindi ko naman ipagtatanggol ang s

