Euan’s POV Kahit magkasama na kami kahapon ni Oswald ay inaya na naman niya ako ngayong gabi. Kung kahapon ay si Cheska ang ginabi, siya naman daw ngayon ang aalis kaya inaaya niya akong uminom. Usually ay sa bahay namin o sa bahay nila kami umiinom para iwas tukso na rin sa mga babae. Hindi ko alam kung ano ang naisip niya para mag-aya na uminom sa labas at ayaw pa niya na isang sasakyan lang ang gamit namin kaya nagdududa na ako. “Oswald, bakit kailangan pa na magkahiwalay ang sasakyan? Huwag mo sabihing mambababae ka, ah? Huwag mo akong isama sa kalokohan mo, hindi kita kakampihan.” Natawa naman siya sa akin. Ano ang nakatatawa sa tanong ko? Kapag nagloko ang isang ito, isa na naman sa kaibigan ko ang mababawas. Kaunti na nga lang sila ay mababawasan pa. “Utak mo rin ’no? Kapag magk

