Euan’s POV Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa nangyari kanina. Sa sobrang confused ko ay sinabi ko na kay Oswald ang totoong nangyari, hindi ko rin naman kayang itago ang marka mula sa pagkakasampal sa akin ni Rose. We had an issue pero sinabi naman niya sa akin na maayos na iyon at nakapag-usap naman kami. Ipina-intindi rin naman niya sa akin na kahit gusto niya ako ay mas gugustuhin naman niya na ayusin ko kung ano ang naging problema sa pagitan namin ni Sharinna. I even asked her how did she knew what happened between us pero hindi siya sumagot. We talked and as expected from Rose, she understood our situation. Sinabi pa niya sa akin na sapat na ang ilang araw para maramdaman niya kung ano ang pakiramdam na pahalagahan ulit ng isang tao. Medyo naawa ako sa sinabi niya dahil

