Prologue
Prologue
HIRAYA SLOANE
NAPAATRAS ako nang malakas na ibagsak ni Helios ang hawak niyang folder sa ibabaw ng mesa. Napapitlag ako sa gulat, mahigpit na napahawak sa laylayan ng damit ko habang nakatingin sa mukha ng asawa ko. Galit na galit siya. Namumula ang kanyang mga mata sa inis, at ang bawat paghinga niya ay parang hirap na hirap siyang pigilan ang sarili.
“Hiraya, bakit ang tigas ng ulo mo?!” sigaw niya halos magputukan ang ugat niya sa leeg, dahilan para mapayuko ako habang kumakabog ang dibdib ko. “Did I ever tell you to follow me here? Bakit kailangan mo pang sumunod?!”
“Helios, gusto ko lang naman sanang—” Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang itaas niya ang kamay niya, hindi para saktan ako, kundi para pigilan akong magsalita. Napalunok ako at napaatras nang kaunti.
“Gusto mo lang ano?!” Matalim ang tingin niya sa akin, na para bang gusto akong patayin sa mga tingin niya. Ang mga kamao niya, mahigpit na nakakuyom halos mamuti ang mga knuckles niya sa matinding galit. “Bakit hindi ka na lang nanatili sa bundok ninyo? Doon ka magtanim ng mga bulaklak, magdilig ng halaman, at gawin kung ano man ang nakasanayan mo! You belong there, Hiraya. Not here!”
Parang may kung anong pumiga sa dibdib ko. Naalala ko ang maliit naming bahay sa bundok, ang mga bulaklak na araw-araw kong inaalagaan, at ang buhay na simple pero masaya bago ako napunta sa mundo niya. Hindi ko akalaing darating ang araw na gagamitin niya ang pinanggalingan ko para ipamukha sa akin na wala akong karapatang maging asawa niya.
“You ruined my life!” dugtong niya, sabay turo sa akin. “Hindi mo ba maintindihan na ayoko sa iyo? I don't want you! Hindi kita gusto, Hiraya!” he said it savagely.
Nag–init ang bawat sulok ng mga mata. Pilit kong pinipigilan ang sarili kong wag umiyak sa harap niya, pero parang wala akong magawa habang isa-isa niyang binabasag ang natitira kong lakas ng loob.
“Hindi ka maganda. Hindi ka matangkad. Look at your skin! Hindi ka man lang maputi. Wala kang magandang damit, wala kang alam sa mundo ko, at wala ka pang narating sa buhay!” Muli siyang tumawa nang mapait, saka umiling na para bang hindi siya makapaniwalang kailangan niya akong tiisin. “You're too kind, too obedient, and too simple. I hate all of that! I'm a billionaire CEO, Hiraya! I have a name to protect, a reputation to maintain, and what do I get? A nobody for a wife!”
Napahawak ako sa dibdib ko. Ang sakit ng mga sinabi niya. Hindi ko alam kung alin sa mga sinabi niya ang pinakamasakit, dahil bawat salita ay may katumbas na sugat na hindi ko kayang takpan.
“Helios...” Mahina ang pagtawag ko sa pangalan niya habang tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. “Hindi naman po ako humihingi ng mamahaling bagay sa iyo. Hindi ko rin naman ipinagpilitan ang sarili ko para maging mayaman. Gusto ko lang maging mabuting asawa mo.”
“Then stop pretending you can be one!” sigaw niya, dahilan para mapapikit akong muli sa takot. Ang tinig ni Helios halos dumadagundong na parang kulog sa buong silid. “You embarrass me every time you're beside me. Nakakahiya kang ipakilala sa mga taong nakapaligid sa akin. Damn it, Hiraya! You're nothing but bad luck in my life!” he said it like a curse.
Napahagulhol ako pero mabilis kong pinunasan ang pisngi ko. Ayokong makita niyang umiiyak ako, pero mas lalo akong nasasaktan dahil kahit anong gawin ko, parang wala akong kayang ipagmalaki sa paningin niya.
Kinuha niya ang isang dokumento mula sa mesa at inihagis iyon sa harap ko. Napatingin ako sa mga papel, at nang mabasa ko ang nakasulat sa itaas, nanghina ang mga tuhod ko.
“Sign the annulment papers. Now.” Lumapit siya sa akin, malamig ang mga matang nakatitig sa mukha ko. “I want you out of my house and out of my life. Ayoko nang makita ang mukha mo kahit saan. Is that clear?”
Nanginginig ang mga daliri kong dumampot sa papel. Gusto kong sabihin sa kanyang hindi ko kayang pumirma, na hindi ko kayang basta na lang talikuran ang taong minahal ko nang buong puso. Pero paano ko sasabihin iyon sa lalaking halos hindi na ako kayang tingnan?
“Please, Helios...” Lumapit ako sa kanya, hindi na alintana kung gaano ako kapangit sa paningin niya. “Mahal kita. Alam kong marami akong hindi alam. Alam kong hindi ako katulad ng mga babaeng nakakasalamuha mo, pero matututo ako. Mag-aaral ako ng mga bagay na gusto mo. Magpapaganda ako, bibili ako ng mas maayos na damit, at sisikapin kong maging isang babaeng hindi mo ikahihiya.”
Umiling siya na para bang wala siyang narinig na kahit isang salita mula sa akin.
“Please, bigyan mo lang ako ng chance.” Napahawak ako sa manggas ng kanyang suit habang humahagulgol. “Hindi ko naman kailangang maging mayaman. Hindi ko kailangang maging katulad nila. Gusto ko lang na balang araw, kapag tumingin ka sa akin, hindi ka na magsisi na ako ang napangasawa mo.”
“Let go of me.” Mariin niyang hinila ang braso niya palayo, at napaatras ako nang mawalan ng kapit. “I don't love you, Hiraya. Kahit anong gawin mo, hindi magbabago ang nararamdaman ko.”
Napatakip ako sa bibig ko upang pigilan ang malakas na hikbi. Gusto kong maniwalang nagagalit lang siya, na baka bukas ay magbago ang isip niya, pero ang lamig ng mga mata niya ay hindi nag-iwan ng kahit katiting na pag-asa.
“Hindi mo ba talaga ako kayang mahalin?” tanong ko, halos hindi na marinig ang sarili kong boses. Tumingala ako sa kanya, umaasang may makikita akong kahit kaunting awa, ngunit ang tanging sinalubong ko ay ang mukha ng isang lalaking gustong-gusto nang makalaya sa akin.
“Never.”
Isang salita lang iyon. Pero sapat iyon para durugin ang puso ko.
Napahawak ako sa mga papel, pilit na humihinga kahit parang may nakadagan sa dibdib ko. Mahal na mahal ko ang asawa ko. Handa akong matuto, magbago, at harapin ang mundong hindi ko nakasanayan para lang maging karapat-dapat sa kanya.
Pero bakit parang kasalanan kong ipinanganak akong ganito?
“Helios, please...” halos pabulong kong sabi habang tuloy-tuloy ang pagpatak ng luha ko. “Huwag mo naman akong itulak palayo. Wala akong ibang hinihiling kundi ang makasama ka. I can do better. I promise.”
Tumingin siya sa akin nang walang anumang emosyon. “I'm done with you, Hiraya. Sign the papers.” He said it with such finality, na para bang tapos na ang lahat at wala na akong karapatang tumutol. Saka siya tumalikod.
Naiwan akong nakatayo sa gitna ng silid, hawak ang dokumentong gusto niyang pirmahan ko. Nang marinig ko ang pagsara ng pinto, tuluyan nang bumigay ang mga tuhod ko at napaluhod ako sa sahig.
Yumakap ako sa sarili ko habang umiiyak, pilit na hinahanap sa isip ko kung saan ako nagkulang, kung ano ang kailangan kong baguhin para hindi na niya ako kamuhian.
Dahil kahit sinabi na niyang ayaw niya sa akin, kahit paulit-ulit niya akong itinulak palayo, may isang bagay na hindi ko kayang gawin.
Ang tumigil sa pagmamahal sa kanya.
To be continued....
Future Scene po ito...😍