LISA MAE'S POV
"And the section that will be proceeding to finals
is." sadyang binitin ng emcee ang pag-announce
dahilan para lumakas ang kabog ng dibdib ko.
Unang laban ko, panalo ako. Section D ang
nakalaban ko, hindi naman sa pagmamayabang
pero confident ako na mas lamang ako kasi paulit-
ulit lang ang punto at mga argumento nya. Pero
ngayon, Section B ang nakalaban ko at halos
dikitan ang laban namin at pagbabatuhan namin
ng mga salita kanina.
"GO, LOVVVVEEEE!!!" At ito pa nga ang isang baliw na'to.
Ako ang nahihiya sa pinaggagagawa nya.
Biruin mo, gumawa pa ng banner gamit ang
kartolina tapos may mga dala lang one point five
na boteng pampaingay! At kinunt'yaba pa ang mga
kaklase namin.
Ang gwapo-gwapo ang tanga-tanga naman!
Para namang lalaban ako nito ng interhigh! Jusko,
nakakahiya! Katabi ko ngayon sa isang mahabang
upuan ang lalaking representative ng Section B.
Nerdy sya pero magaling syang makitungo.
"SECTION E! SECTION E! SECTION E!" deputa ang
ingay ng mga 'yon, nakakahiya!
"Huy," pagtawag ko sa atensyon sa kalaban ko.
Nakangiti nya akong nilingon dahilan para lumitaw
ang braces nyang mas lalong nagpamukhang nerd
sa kanya. "Pasensya ka na sa nga yon, ah," anas ko
pa.
"Hala, wala 'yon! Nakakatuwa nga 'yang section
nyo, e. Nakakainggit tapos biruin mo, naging kwela
yang si Zack e samantalang dati ang sungit
sungit nyan," bigla akong naging interesado sa
ikunukwento nya. "Naging masungit kasi 'yan
ngayon kasi"
"The section that will be proceeding to finals is
Section... Section E!'" Hindi ko na naintindihan ang
susunod na sinabi ng katabi ko nang nabalot ng
malakas na hiyawan ng mga kaklase ko ang buong
hall.
Pansin ko sa peripheral view ko na kaagad na
tumayo ang katabi ko na agad ko namang
sinundan. Bahagya nya pa akong niyakap.
"Evan Scott," nakangiti syang naglahad ng kamay
na tinitigan ko muna bago ko tanggapin.
"LISA MAE CRUZ," nakangiti akong
nakipagkamay sa kanya. Kinonggrats pa nya ako
bago sya tuluyang umalis.
Nagulat ako nang ang mabunot kong
dedepensahan ay ang salitang "Mayaman"
obvious naman siguro na "Mahirap" ang nabunot
ng babae kong kalaban na taga-Section A.
Binalot ako ng pagtataka na may halong kaba kasi
kanina parehas tungkol sa "Wikang Filipino" ang
topic namin kasi nga Buwan ng Wika ngayon, 'di
ba? Pero ano naman kayang kinalaman ng
mayaman at mahirap na ito sa buwan ng wika?
Ano naman kaya ang tanong.
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at nagsimula
nang magsunod-sunod ang pagpatak ng pawis ko.
Section E versus Section A? Obvious naman kung
sino ang mananalo pero lalaban pa rin ako. Hindi
naman ako napunta ng Section E nang dahil sa
performance ko. Napunta lang naman ako sa
Section E kasi desisyon ko 'yon.
"GO LOOVVVEEE!!" Ayan na naman po ang ZACK 'the
gwapong tatanga-tanga' hay... pero in fairness,
medyo nawala ang kaba ko nang dahil sa baliw na
yon.. napangiti ako sa kanya na at pansin ko na
pawisan na rin pala sya.
May nagtutulak sa'kin na bumaba sa stage at
punasan ang pawis nya pero nasa gitna ako ng
programa, e. Hay! Ano ba 'tong pinag-iisip ko?
"Hello," pagtesting ng Dream sa mic. Nakangisi ang
gurang sa'kin pero bahagya ko lang inirapan pero
ang tanga mas lalo lang ngumiti! Lamasin ko 'yang
nguso mo, e. Pagka-ganitong kinakabahan na ako
dito tapos tatawanan pa nya ako. "Hello, ladie---!"
"WAAAAH!! GO, LOVVEE!! GO SECTION E!" Pag-
iingay ng Section E na pinangungunahan ng baliw.
Pinagbabanggaan pa nila ang dala nilang one
point five na bote para makalikha ng tunog.
"Easy, anak. Easy. Sa'yo lang sya," nag-init ang
mukha ko nang pagtinginan ako ng mga tao.
Deputa ka, Dream!
Malamang, pagtitinginan ka nasa stage ka, e! Ang
bobo mo talaga, self!
Ay, oo nga 'no!
"Ang tanong ay.." lintik na Dream feeling TV host
kung mambitin! Nananadya yata 'to para kabahan
ako, e. "Sino ang mas kawawa? Mayaman o
mahirap?"
Ay deputa! Malamang 'yong mahirap ang mas
kawawa! Sa parte ko kasi ang dedepensahan ko'y
mas kawawa ang mayayaman! Deputa pinapahiya
yata ako ng Dream na 'to, e! Kahit saang parte
tingnan mas kawawa ang mahirap! Deputa, e top 1
ng section A ang kalaban ko tapos medyo tagilid
pa ako! Deputa ka talaga, Dream!
Umalingawngaw ang bulungan na alam kong sa
Section E nagmumula. Deputa.
"Obvious na obvious naman na mas kawawa ang
mahihirap," hindi ko napansin na nagsimula na
pala ang isang minuto ng kalaban ko dahil sa pag-
iisip ng sasabihin. Deputa ka talaga, Dream! Wala
naman kasi "tong kinalaman sa buwan ng wika!
"Let me compare the two, madaling nakukuha ng
mayayaman ang gusto nila kasi mayaman nga sila
so, sa side pa lang na 'yon, mas nakakaluwag-
luwag na sila. Samantalang sa mahihirap, mas
nahihirapan sila na makuha ang gusto nila or even
what they need primarily dahil mahirap sila kaya
mas kawawa ang mahihirap. For example, sa
pagbili pa lang ng bigas may pagkakataon na
walang-wala na ang mahihirap kaya minsan wala
silang pagkain samantalang ang mayayaman isang
pitik lang kayang-kaya nila bumili ng bigas na higit
pa sa pangangailangan nila. It's already obvious
from the start na mas kawawa ang mahihirap,"
napangisi ako nang makakita ako ng ilang butas sa
mga argumento nya pwede kong palakihin upang
malusutan ang laban ko.
"Time's up, Ms. Santiago, your one minutes start now.
maganda pa do'n sobrang bagal magsalita
ng kalaban ko kaya agad syang naubusan ng oras.
"GO SECTION E! GO, LISA!"
"Mas kawawa ang mayayaman hindi lang dahil ito
ang puntong nabunot ko kundi dahil para na rin sa
personal kong pananaw. Oo mahihirap kami... oo
naghihirap kami.. PERO HINDI. KAMI. KAWAWA"
Diniinan ko ang bawat salita. Buti na lang alam ko
ang pakiramdam ng mayaman at mahirap.
Magagamit ko 'yon tsaka 'yong mga natutunan ko
sa documentary film na pinanood namin ni Tomy
no'ng nag-date kami. Pinasadahan ko ng tingin
ang madla bago nagpatuloy. "Alam mo ba kung
bakit mas kawawa ang mayayaman? Mas kawawa
sila kasi madali nilang nakukuha ang gusto nila.
Hindi sila natututong maghirap o magsikap.
Maaaring nagsisikap sila pero hindi kagaya ng
pagsisikap ng mga mahihirap. Naranasan ba nilang
mag-banat ng buto? Oo naranasan 'yon ng
mayayaman pero hindi nila naranasan ang mag-
banat ng buto ng walang laman ang tiyan. Sa
parteng'yon pwede mong sabihin na kawawa ang
mahihirap pero mas kawawa pa rin ang
mayayaman dahil hindi nila natutunan ang mga
natututunan ng mahihirap na hindi kayang ituro
ng pera o karangyaan sa kahit sino."
Nabalot ng katahimikan ang buong hall. Ilang
segundo pa itong nagtagal nang sundan ng
malakas at nakakarinding hiyawan na galing sa
mga ka-Section ko na malamang
pinangungunahan ng baliw. Hindi ko maiwasang
mapangiti sa kabaliwan nila.
"Time's up, Ms.Cruz, your turn Ms.Santiago,"
anunsyo ng emcee.
Kinakabahan ako nang mapadako ang tingin ko sa
mga judge na nakapako ang tingin sa'kin tapos
ang lintik na gurang na Dream nakangiti sa'kin na
tumatango-tango pa.
Tatango-tango ang baliw! Kasalanan mo 'to kung
bakit wala na akong maisip na sasabihin! Sana
naman may makita na ulit akong butas sa
sasabihin ng kalaban ko para hindi ako mapahiya
dito.
Pero okay lang kasi 30 seconds lang naman ang
oras namin dito kaya kelangan ko ng masasabi na
gagamitin kong gunting pampalaki ng butas sa
mga sinasabi nya.
"Maaaring sa mga argumento mo kawawa ang
mayayaman pero MAS kawawa pa rin ang
mahihirap. You wanna know why? Dahil wala
silang pera," natigilan ako sa sinabi nyang sobrang
direkta sa punto. "Sa panahon ngayon, kung wala
kang pera kawawa ka. Pera na ang tumutustos sa
tao para mabuhay, and remember that. Mas
kawawa ang mahihirap kasi sa usapang pera pa
lang, talo na sila. Ma-ya-man, Ma-hi-rap. Each of its
syllables pa lang maririnig mo na kung sino ang
wala---"
"Time's up Ms.Santiago. Ikaw naman Ms.
Cruz."
Paktay tayo d'yan.
"Oo, salat sa pera ang kagaya kong mahihirap. Oo
kailangan natin ng pera mabuhay pero tandaan
mo na hindi pera ang dahilan kung bakit tayo
humihinga," kaagad kong naalala si Dad pero
nilabanan ko ang luha ko. "Yan ang
pinakamalaking dahilan kung bakit MAS kawawa
ang mayayaman dahil puro pera ang laman ng
utak nila samantalang ang mahihirap, pang-ulam
kinabukasan at hapunan maya-maya ang laman
ng utak. Saan kaya ako makakauha ng pagkain?
Saan kaya ako makakadilehensya ng bigas? Mas
kawawa ang mayayaman kasi nilulunod nila ang
sarili nila sa pera kaya sila tinawag na mayaman.
Kaming mahihirap magaling kumontrol at
magpaikot ng pera kahit mabilis lang ang pagdaan
nito sa palad namin. Pero ang mayayaman?
Sobrang nakakaawa sila kasi pera na ang
kumokontrol at nagpapaikot sa kanila."
"Time's up, Ms. Cruz. At dito na natatapos ang
Debate."
Sinundan 'yon ng sigawan at hiyawan habang
habol ko ang hininga ko. Kaagad na dumapo ang
tingin ko kay Tomy na nagsalita ng walang tunog
pero naintindihan ko base sa buka ng bibig nya.
I am so proud of you.
-----
A vote is will always be appreciated.
Thankyou mehloves.
Continue reading next part.