Napatayo ako sa kinauupuang bench ng makita ang pagparada ng sasakyan ni Ian. Hindi ko na ito hinintay na bumaba. Agad akong lumapit at sumakay. Sinalubong ko nang halik si Ian na halatang nagulat dahil bahagya itong nanigas sa pagkakaupo. But I couldn't care less. All I want is to release all my tensions and feel the warmth of his lips on mine. Hinalikan ko siya hanggang sa maramdaman ko ang pagkalma. "Ganoon mo din ba ako kamiss?" hinihingal na anas niya matapos ang halik. " Bakit ka andito sa ospital? May sakit ka ba?" Ang aming mga noo ay magkadikit. Ang mainit na buga ng kanyang hininga ay nakatapat sa aking bibig dahilan upang malanghap ko ito. Kinabahan ako sa tanong niya. Umiling ako. " Date tayo," imbes na sagot ay siyang naging tugon ko. He smiled before he kissed the ti

