" Tay, bakit gising pa po kayo?"pagbukas ko ng pinto ay nakita ko itong nakaupo sa sofa at mag-isang nanonood nang t.v. Nilapitan ko ito at agad na nagmano. " Hinihintay talaga kita, anak. Sabi mo magkakape tayo at ikaw mismo ang magtitimpla," may himig paglalambing ang tinig ni Tatay. Napangiti ako. Simula't sapul ay ganito maglambing si Tatay. Dali-dali akong nagtungo sa kusina. Pagbalik ay may dala na akong dalawang tasa na may umuusok na kape. Inilapag ko ang isa sa harap ni Tatay bago naupo sa kaharap na upuan. "Hindi ka ba hinatid ni Ian?" Nasamid ako habang humihigop ng kape sa biglaang tanong nito. Bahagya pa akong napaso kaya ibinaba ko muna ang tasang hawak. "Hindi na po ako nagpahatid," sagot ko habang hinahaplos ang napasong parte ng labi. Katahimikan. "Anak, may

