" Ano ba 'yan Apol? Ang baho! Ilayo mo nga 'yan nakakasuka!" angil ko kay Apol nang ilabas nito ang baong pagkain. We decided to have our lunch here in the office's pantry. Pinagluto ito ni Anton at ipinagmamalaki pa na masarap kaya sabay ulit kaming manananghalian .ngayon. Pero pagbukas pa lang nito ng baunan ay halos masuka na ako nang humalimuyak ang amoy nito. " Ang arte mo! Kailan ka pa nabahuan sa adobong pusit? Di ba paborito mo?Maanghang-anghang at manamis-namis na nilagyan pa ng gata!" Inilapit pa nito ang hawak na pagkain sa tapat ng aking ilong. Hindi ko na napigilan ay napatakbo ako sa lababo. Doon ay nagdududuwal ako pero wala namang laman ang isinusuka. Natatarantang tinakpan muli ni Apol ang baunan at isinilid sa ecobag. Matapos ay naghilamos ako na nakatulong dahil gu

