"Sir, half day po ako today," paalam ko kay Sir Noel. Katatapos lang nang monthly meeting. Gusto sana nitong mag-overtime ako para sa monthly inventory pero tumanggi ako. "Okay. But please pakisabi kay Apol na siya na lang magpatuloy ng inventory tonight," dagdag bilin nito. I smiled and nodded," noted sir," I answered before I stepped out of his office. Napangiti ako nang makita ang nakabusangot na mukha ni Apol pagbalik ko sa table ko. " Ikaw muna mag-inventory ngayon sabi ni Boss." Mas lalong humaba ang nguso nito. " Para namang pwede akong tumanggi. Kung hindi lang ngayon ang araw ng check up mo hindi ako papayag na mag-imbentaryo mag-isa." Ngayon ang scheduled check up ko. Ngayong araw din ako sasailalim sa transvaginal ultrasound. Kinakabahan ako pero na-eexcite na din. "Ba

