6.1 BBB?

1185 Words
MIA THYREES Kinagabihan ay pumasok ako sa university ng wala sa mood. Gabi na pero hindi ko pa na re-reschedule ang mga appointment ni miss. Sabi niya ibibilin niya kay sir Phin na ibili ako ng new phone, pero dahil kumulo ang dugo ko sa kaniya kanina ay umalis ako ng maaga sa mansiyon. Alam kong hindi dapat dahil may trabaho ako doon, pero mas hindi naman dapat iyong ginawa niya sa akin no? Bahala siya sa buhay niya, di bali ng magsumbong pa siya kay Miss! Mabilis na napalitan ng saya ang mood ko dahil nakita ko si Kendra, isa sa mga close friends ko noong high school magpahanggang ngayon. Kahit nasa nursing siya at ako ay nasa tourism ay walang nagbago sa pagkakaibigan namin. "Ken!" Napalingon siya nang tawagin ko ang kanyang pangalan. "Mia!" ngiti niyang sukli. Lumapit ako sa kaniya. "Saan ka pupunta?" "Sa cafeteria, ikaw?" "Samahan kita, naghihintay pa naman ako ng oras." Lumiwanag ang kaniyang mukha sa sinabi ko. "Sige ba." Inanyayahan ako ni Kendra na um-order ng pagkain pero tumanggi ako, wala ako sa mood kumain dahil sa problema ko. "Ken, puwedi ko ba hiramin ang phone mo? Makiki insert sana ako ng sim," nahihiya kong pakiusap. Nakaupo na kaming dalawa sa lamesang may apat na upuan. Binuksan niya ang kaniyang bag at hinugot mula doon ang kaniyang phone. "Oo, sure," sagot niya sabay abot ng cellphone. I am totally engrossed on the phone. Nagmamadali kasi akong e-reschedule ang mga appointment ni Miss. "Ay, apir. Same tayo, need to din ng datong ngayon," sagot niya nang sabihin ko sa kaniya ang rason kung bakit hindi ko agad napalitan ang phone kong nasira. "Ay, bago ko pa makalimutan may pasabog news ako sa'yo! Hmm, ano ang gusto mong unahin ko? Yung ikakagulat mo? O ikakakilig mo?" Nahinto ako sa pagpindot dahil sa sinabi niya. "Huh? Bakit ako kikiligin sa pasabog news mo?" tanong ko saka ipinagpatuloy ang ginagawa. "Sige, sige, uunahin ko na yung ikakakilig mo. Don't you know na bumalik na si Onyx dito sa San Martin, yung crush na crush mo noong nasa grade seven palang tayo." Medyo nabigla naman ako sa balita ni Kendra, pero yung kilig na sinasabi niya kanina ay hindi ko naman naramdaman. "Talaga? Paano mo nalaman?" "Nandidito siya sa university, magkaklasi kami sa isang subject. Nursing din siya pero irregular siya sa ngayon." "Ah. How about yung balitang ikakagulat ko?" sumulyap ako ng tingin kay Ken habang nagtatanong pero itinuon ko din agad ang aking atensiyon sa phone. "Wala ka bang nasagap na tsismis tungkol kay Ash? Diba frenny 'yun ng ate mo?" pabulong niyang tanong. Dahil sa narinig ko ang pangalan ng isa sa mga closefriends ni ate ay nahinto ako sa aking ginagawa at tuluyan pang nailapag ang phone sa lamesa. Hanep din ang marites language nitong kaibigan ko, nasagap talaga. "Ash?" "Check," tango ni Kendra bago sumubo ng fries. "Wala. Bakit? Ano ang tsismis tungkol sa kaniya?" bulong ko. "Sabagay ang layo nyo sa Engineering Department. Nasagkot lang naman siya sa isang illegal drug trade." Halos hindi ko na marinig ang sinabi niya sa hina ng kaniyang boses. I am completely shaken up when Kendra dropped the bombshell "Totoo?" "Legit na legit." Nagtaas-baba pa ng kilay si Ken. Dahil sa kaniyang kumpermasyon ay naalala ko ang huling pag-uusap namin ni ate tungkol kay Ash. "Mia, bilang ate mo papayuhan kitang huwag na huwag ka na lumapit kay Ash. Yung alok niyang phone, mabuti at hindi mo tinanggap. Yung sabi niyang bilhin mo, please, kalimutan mo na'yon." "Bakit? Wala naman akong nakikitang---" "Basta. Mia, ito na ang huling beses na pag-uusapan natin si Ash o kung sino pang mga kaibigan ko. Kapag nakita mo sila, huwag kang lumapit. Ignore them. Maliwanag?" Kaya ba gano'n si ate ay dahil alam niya ang ginagawa ni Ash? Kaya pala ganoon ka galante kung mamigay ng cellphone si Ash, ibang klase pala siya. "Huy, Mia." Nagising ako sa pagkakatulala. "Ah.., bakit?" "Bakit ka natulala?" "Nagulat ko lang ang tungkol kay Ash. Nasaan na kaya sya ngayon?" Nagkibit balikat si Kendra. "Hindi ko alam, baka nasa kulungan na." Matapos kong gamitin ang phone ni Ken ay lumabas na kami ng cafeteria. "Susunduin ako ni DJ sa parking space malapit sa Tourism Building, sabay nalang tayo." Tuloy niya ang kaniyang nobyo. Di na kalayuan sa building ang parking space kaya hinatid ko na siya. "Ken, salamat ha." "Ano ka ba wala 'yun. Sige andiyan na si DJ, bye!" Mabilis na naglakad si Kendra patungo sa nobyo niyang naka motor. Nakita ko pa kung gaano sila ka sweet. Sinabulong lang naman siya ng halik sa labi ni DJ saka sinuotan ng helmet. Nagkawayan nalang kami ni Kendra mula sa malayo nang tuluyan na silang umalis. Tatalikod na sana ako nang mahagip ng aking mata ang isang pamilyar na sasakyan. Itim na Chevy, kaparehong kapareho sa minamaneho kong sasakyan ni Miss. Ngayon ko lang napansin ang sasakyang iyon dito. Hindi ko naman makita ng maayos ang plate number dahil sa mga ornamental na bulaklak. Hindi ko na pinaglaanan pa ilang minuto ang sasakyang iyon, baka pagmamay-ari lang 'yon ng isa sa mga professors. Pagkaharap ko sa direksiyon ng Tourism Building ay nakatayo mula sa di kalayuan ang lalaking nagpakulo ng dugo ko kanina. Dahil nabigla ako sa existence niya ay natulos ako habang nakikipagtitigan sa kaniya. Mula sa aking kinatatayuan ay tanaw ko ang bahid ng lungkot sa kaniyang mga mata. Lungkot nga ba 'yon? Hindi, baka imahinasyon ko lang. "Good evening sir Phin," bati ko nang nasa harapan ko na siya. Ang bilis, inilang hakbang lang ba niya ang pagitan namin? "Bakit po kayo nandito?" Syempre amo ko siya kaya ang bait ng tono ko kahit kumukulo dugo ko sa kaniya. "Ah, tumawag si Miss? Tinanong ba niya kung nai-reseschedule ko naba ang mga appointment nya? Paki sabi tapos na. She can enjoy her vacation with no worries." "She didn't asked about it." My lips parted a little. "Oh." "Are you going home?" Dahan dahan akong nagpa iling-iling. Pinigilan ko ang pagkunot ng aking noo sa kaniyang tanong. "N--no, papasok pa lang ako. Ah need mo ng alalay? May lakad ka? Naku sir, tuwing MWF hanggang alas-singko lang ako sa mansiyon. Tuwing TTh naman ay alas-syete." Pagpapaliwanag ko sa aking time schedule. "I thought you arrived early today since you left home early this morning. Is that how you work? Suddenly disappearing like that?" Iniwas ko ang aking tingin sa kaniya at hindi nagsalita. Langit! Ano ba ang kasalanan ko at nararamdaman kong ang pangit ng ugali ng anak ng amo ko? Shoot! Ang sarap ibalik sa sinapupunan ng ina nya! "If only you hadn't left early this morning, we would have bought a new phone. You know that's Mom's order, don't you? One more thing, are you mad? Inibinaling ko ang aking tingin sa kaniya na may kunot sa noo. "Galit? Hindi ah!” kainis, sarap saguting oo! Nakapamulsa niya akong tinalikuran at nag-umpisa siyang maglakad patungo sa parking area. "Good, because you don’t have any right to be mad towards me. Now move and follow.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD