A—ano raw? Don’t have any right to be mad towards him? Aba’y --- na--nakuuuuu! Umalingasaw na nga ang amoy ng ugali niya. Para akong tutang sumunod sa kaniya. Yung akala kong kapareho lang ng sasakyan ni Miss Ivy kanina ay siya palang dala niya. Pinanuod ko siyang sumakay sa driver seat habang nakatayo ako sa labas. Maya-maya pa ay nagbaba ang bintana ng passenger seat at dinungaw niya ako mula sa loob.
"Hop in," utos niya.
"May pasok pa ako."
"I know. We won't go anywhere. Faster, Mia."
Pumasok ako gaya ng utos niya. Nagsara kaagad ng bintana nang nasa loob na ako at binuhay niya ang makina. "Akala ko ba we won't go anywhere?"
"It's damn hot," aniya saka ini-on ang sa pinakamalakas na level ng aircon.
"Gusto lang palang magpa aircon," bulong ko sa aking sarili. Nahalata kong init na init siya dahil mag iilang butil ng pawis ang namumuo sa kaniyang noo.
"Are you saying something?"
Umiling ako. "Wala. wala."
"There's a small box back there, take it."
Pagkalingon ko sa backseat ay nakita ko kaagad ang maliit na kahong kulay itim na tukoy niya. Kinuha ko iyon at tiningnan. I have no idea what’s inside. The black box was properly sealed. "Ano 'to?"
"Open it."
"Regalo? Hindi ko birthday."
"Mia, just open it."
“Akin? Mabait ka pala? Hindi halata.”
“Bubuksan mo ba o…”
“Heto na…heto na, highblood yan?” pinunit ko ang manipis na transparent cover na nakabalot sa kahon at binuksan iyon. "Wow," I uttered when I saw a brandnew phone,
"Sa'kin?" tanong ko matapos ibinigay ang tingin sa kaniya.
"Moms order."
"Akala ko hindi ka nakabili?"
"You’re mad.”
"Ah, so bumili ka nalang mag-isa kanina dahil iniisip mo talagang galit ako?”
"I don't really care about how others feel."
Huminga ako ng nalalim saka siya palihim na inirapan.Pusong bato pala ‘to! "Hindi ako galit." Umayon naman ang seryoso kong boses sa pagkubli ko ng katotohan. Kumulo naman talaga ang dugo ko sa kaniya pero mas mabuting hindi siya aware tungkol doon. Afterall, He's my boss's son. "Nahihiya lang ako dahil naabutan tayo ni Vanessa ng ganun. Ano nalang ang iisipin niya diba?"
"Is that all?"
“Anong is that all? Marunong akong mahiya, no?!”
"So much for that. Open your phone."
Sabik kong kinuha ang cellphone sa kahon at pinindot kaagad ang power botton niyon. "Teka, magkano 'to?" Naitanong ko nang mapansing sobrang ganda ng cellphone.
"Fifty? Sixty? I fotgot."
Napanganga ako. "Ano?!"
"What? Why?"
"Anong why? Hindi ko kayang bayaran 'to!" Madali kong ibinalik sa kahon ang cellphone. Tinalo pa ng presyo ng cellphone ang isang sem ko sa university. "Hindi ko kayang bayaran 'yan,” pag-uulit ko saka ibinigay sa kaniya ang kahon, "Sabi ko pa naman kay Miss five gives. Wala nang matitira sa sweldo ko pag ganyan naman kamahal ang phone."
"Did you mean the price?"
"Naman!"
"Magkano ba ang phone na gusto mo?" pagsusumikap niyang magsalita.
"Yung less than Ten Thousand lang sana para magaan bayaran. Pang mayaman naman 'yang binili mo."
"What else can I do? I already bought it. If I'll buy a new one that costs Ten Thousand, you will pay seventy. Remember, this is yours."
Napakamot ako sa noo,"Teka, baka puwedi pang palitan 'to bukas."
"Mia, I paid it in cash. Do you think they will return my money if we exchange it for a cheaper one?"
I took a deep sigh. "Hmmm." I pouted my lips. Nag iisip ako ng paraan kung paano ako mapapamura sa lagay na'to. "Luma na ba yung phone mo? Palit nalang tayo. Baka gusto mong i-less sa'kin dahil nagamit mo na."
He chuckled. "Yeah, I bought it in Germany. A month older than this and cost double than this." Matapos magpaliwanag ay hinugot niya ang sariling cellphone sa bulsa at nakangiting iniabot iyon sa akin.
Hinablot ko ang kahon ng bagong cellphone sa kaniyang kamay. "Wag na..wag na.. ito nalang.Hihilingin ko nalang kay Miss na isang taon kong babayaran 'to. Twelve gives." Napangiti akong muli nang maisip kung ano ang magiging reaksiyon ni Miss kung hihilingin kong twelve gives. Itong magaling naman kasi niyang anak ang mahal ng binili! Pumantay pa ang cellphone ng alalay sa phone ng amo! "Kainis, marami-raming dilig pa ang maririg ko kay Miss dahil dito." napabulong ako habang inilalabas ang cellphone sa kahon.
"What does dilig really means? Does it have another meaning?"
Narinig ko naman ang tanong ni Sir Phin pero hindi ko iyon pinansin nang lumapat sa mga mata ko ang lock screen image ng bago kong phone.
"Why?" He cluelessly ask nang bigla akong sumimangot.
Itinapat ko sa kaniya ang cellphone at napangiti ang mokong nang mapagtanto kung bakit ko siya sinimangutan. Lock screen lang naman ng cellphone ko 'yung picture namin habang natutulog ako sa bisig niya. Ito rin 'yong lock screen niya na gusto kong e-delete niya. "How can the box be so sealed? Eh, nauna mo na palang buksan to para palitan ang lock screen image?!"
Binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti. "Magic?"
"I don't believe in magic." sabi ko saka pinindot ang phone. "Password?"
"Phineas."
"Oh, Pangalan mo?"
"Yes."
"Cellphone ko ba talaga 'to? Bakit parang ikaw ang may-ari? Ikaw pa pumili ng lock screen image." Nang magbukas ang homescreen ay natunaw ang puso ko sa sobrang cute ng bunny na nakangiti sa likod ng mga app icons. Ngumingiti itong proud na proud na ipakita ang dalawang bunny teeth niya. Hindi ko tuloy alam kung matatawa ba ako o maiinsulto, para kasing ako yung bunny.
"Papalitan ko yung lock screen." pag-iiba ko.
"Try it."
Pumunta ako sa settings para pumili ng random image na ipampapalit sa picture naming dalawa pero bigo ako nang nanghingi nanaman ng password ang phone. "Password nanaman? Pangalan mo ba ang password para dito?"
"Try it."
"Ayaw eh." Bagsak ang balikat ko nang ayaw mag unlock ng security para mapalitan ang lock screen.
"Thay only means NO."
"Eh, ano?"
"I don't know either. I closed my eyes typing a password for that." He sounds so sure.
"Are you kidding me?! Paano na ngayon 'to?"
"There's no way to change that." Ngumiti siya at may pinindot sa kaniyang sariling cellphone. Ilang sigundo pa ay tumunog ang cellphone ko.
" B Phineas Calling," basa ko sa tumatak sa aking screen.
"That's my number," sabi niya saka ipinakita sa akin ang screen ng kaniyang cellphone.
"BB Mia Connecting," basa ko sa nakatatak sa kaniyang screen. Ibinalik ko ang aking tingin sa kaniya. "Bakit may B? Oh, gets. Boss Phineas. Yung akin bakit----- bakit BB? ninubobo mo ba ako?" kununutan ko siya ng nuo.
"I guess late ka na." pag-iiba niya.
Naibaling ko ang atensiyon sa aking relo. "Oh, Shoot!" Shuta! Late na ako ng sampung minuto! Daldal lasi Mia! Mabilis kong inilagay sa loob ng aking bag ang kahon ng cellphone at binuksan ang pintuan. "Aalis na'ko. Argh! Nawala sa isip ko ang oras," sambit ko habang bumababa ng sasakyan.
"Be on time tomorrow."
"Noted." Tumalikod na ako nang bigla nanaman niya akong tawagin. "Yes?" Ilang sigundo kaming natitigan habang hinihintay ko siyang magsalita. "Sir?" pukaw ko sa kaniya nang mapansin kong bigla siyang natulala.
"Nothing." Iling niya.
"Oh. Okay. Aalis na ako.Bye." Paalam ko saka tumakbo patungo sa building.