CHAPTER TWO

1782 Words
IVANA'S POV A week has passed... Maayos naman ang naging set up naming tatlo rito sa bahay ko, maayos pero hindi okay. Because I don't want the feeling na mas maraming oras ang ginugugol ni Beatriz sa kaniyang boyfriend kaysa sa akin na ate niya na ilang taong nawalay sa kaniya. Papasok ako sa Hospital ng alas sais ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon, habang ganoon din si Beatriz sa University, ngunit maaga nga lang ang kaniyang uwi kaysa sa akin. Kaya maaabutan ko na lang ang bahay na walang tao , dahil nasa kung saang galaan sila ni Ignacio. Pero iniintindi ko na lamang dahil hanggang anim na buwan lang namang mananatili rito ang lalaki. Naiinis ako ngunit wala akong magawa o hindi ako makatutol dahil nakikita ko ang saya sa mukha ng aking kapatid sa tuwing uuwi sila. MAG-AALAS DYES NA NG GABI... Ngunit wala pa rin sina Beatriz at Ignacho.. "Nasaan na kaya ang dalawang iyon?" Kanina ko pa tinatawagan ang kapatid ko ngunit hindi niya ito sinasagot. And I am atarting to worry already. Gusto ko man sanang kontakin ang kanyang boyfriend ngunit wala akong numero nito... kaya minabuti ko na lamang magpuyat at hintayin sila. ********* Naalimpungatan ako sa tapik ng isang palad sa aking mukha. Pagkamulat ko ay napakalapit na mukha ng isang gwapong mestizo ang nasa aking harapan. Nananaginip ba ako? Hinawakan ko ang mukha nito at pinadaanan ng aking hintuturo ang kaniyang matangos na ilong, makapal na kilay, makapal pero mapupulang labi, ang kaniyang jaw line... Bakit parang totoo? At ang lambot ng balat nito na kay sarap haplusin. Napadako naman ang aking mga mata sa kaniyang nga mata, it's dark brown. Ang ganda para itong crystal na kapag natatamaan ng mumunting liwanag ay nagiging kulay ginto. Pero ganoon na lamang ang aking paglayo nang bigla itong ngumiti at naging visible ang kaniyang dimple. s**t! Napaupo ako ng wala sa oras. "I-ignacio! Ikaw pala iyan..." tanging naibulalas ko habang nahihiyang inaayos ang aking sarili dahil sa pagkapahiya ko. Ang gaga ko! Bakit hindi ko kaaagad naisip na si Ignacio, na boyfriend ng kapatid ko pala ang nasa aking harapan. "Yeah? Bakit sino ba ako sa akala mo?" casual na pagkakasagot lang nito sa akin na tila walang nangyaring kung anong kagagahan ko kanina... I even fantasizing him as a hot damn gorgeous man that I wanted to f**k a while ago, kung hindi lang ito ngumiti at napagtantong boyfriend pala ito ng kapatid ko ay paniguradong kung saan-saan na ako nadala ng imahinasyon ko. "A-ah wala... Bakit pala ngayon lang kayo?" tanong kong muli at napatingin sa wall clock, magmamadaling araw na. "Nasaan si Beatriz?" dugtong ko pa. "Andoon na siya sa kaniyang kwarto, at mahimbing na natutulog." "Hindi mo pa nasasagot ang tanong ko, bakit ngayon lang kayo nakauwi?" Napakamot naman ito sa kaniyang batok that I find it sexy. Damn! Bakit tila nag-iba na ang aking perception kay Ignacio? Nako Ivy, umayos ka! "Ah birthday kasi ng kaklase ni Beatriz at naimbitahan siya kaya isinama niya ako. Ayon napasarap sa kasiyahan kaya't ngayon lang kami nakauwi. Lasing na lasing nga si Beatriz eh. Kung hindi pa siya magkadulas-dulas sa sobrang kalasingan ay hindi pa kami makakauwi." "Ano?!" naibulalas ko lang at kaagad namang napapanhik sa kwarto ng aking kapatid. Naramdaman ko naman ang pagsunod ni Ignacio sa aking likuran. Pagkabukas ko ng pintuan ng kwarto ni Beatriz ay ang mahimbing na natutulog na mukha na nito ang aking unang nakita. Lumapit ako at umupo sa kaniyang tabi. Hinaplos ko ang pisngi nito at inayos ang hibla ng kaniyang buhok na tumatabing sa kaniyang napakagandang mukha. "Mahal na mahal mo talaga siya ano?" Narinig ko namang tanong ni Ignacio na tinanguan ko lang din bilang pagsang-ayon. "Yes, Beatriz is my strength and my weakness. Siya na lang ang meron ako. At lahat ng ginagawa kong pagsasakripisyo ay para sa ikakaganda ng kinabukasan niya." "Beatriz is so lucky to have you as her sister." Napangiti ako sa tinuran ni Ignacio at napalingon ako sa kaniya... "Kayo? Gaano na kayo katagal ng kapatid ko?" Hindi ko alam kung bakit ko iyon biglang naitanong dahil sa totoo lang sa maaari ay ayaw kong pakialaman ang lovelife ni Beatriz dahil baka maging sanhi lang ito ng aming hindi pagkakaunawan balang araw. Ngunit ewan ko ba at bigla na lang akong na-curious. "We met in a party sa bar ng kaibigan ko last year... I am very fascinated with her beauty, we dated for almost half a year bago niya ako sinagot. So we are 6 months in a relationship, now." "Ow..." tanging naging tugon ko. "Iyan lang ang masasabi mo?" sambit nito at napatingin ng mataimtim sa akin. Para niyang sinisisid ang kaibuturan ng aking damdamin. "Bakit? Ano pa ba ang dapat kong sabihin at i-react?" sambit ko na pilit pinapanatili ang striktang imahe ng isang nakakatandang kapatid sa nobyo ng kaniyang pinakamamahal na bunsong kapatid. Dahil ayaw kong isang araw maggising na lang ako na kontrolado na ni Ignacio ang buong sistema ko. And of course I won't let that to happen. "Hindi mo man lang tatanungin kong mahal ko ba ang kapatid mo, something like that..." Napakunot ako ng noo... "Mahal mo ba si Beatriz?" tanong ko naman ayon sa gusto niyang tanungin ko sa kaniya. Kasi kahit di ko naman tanungin, nakikita ko at nararamdaman sa mga kilos at salita niya kung gaano niya kamahal ang kapatid ko. "Yes, sobra. I even asked her hand for marriage last month. But then, she refused..." Nagulat ako sa isinambit nito. Bakit hindi man lang ito naikwento ni Beatriz sa akin? Feeling ko tuloy andami pang sinesekreto si Beatriz sa akin na hindi niya sinasabi dahil baka tututulan ko lang ito. "W-why?" "Because she really wants to be with you... And our marriage will be a hindrance for that dream of hers kung pumayag siya that time." "Ow... kaya ba sumama ka rito?" "Yeah... I really love her, Ivy. She gave meaning to my useless life when my mother died last year. Siya ang naging lakas ko nung mga panahong akala ko iniwan na ako ng lahat. That's why I wont let her go, no matter what." "Now I get it... Kung bakit mahal na mahal ka rin ni Beatriz. Just take good care of her... huwag mo siyang sasaktan." "Makakaasa ka, Ivy." After that talked... Napaisip ako, sana balang araw makakilala rin ako ng lalaking katulad ni Ignacio. Willing to do everything for the one he loves. ********* "Oh..." Napatingin naman si Beatriz sa akin na nakakunot-noo. "Ano yan ate?" inabutan ko kasi siya ng isang medicine for hang-over. "I know na hang-over ka pa, Beatriz... Take that and it will lessen your headache." Ngumiti naman ito at niyakap ako ng kay higpit. "I love you, ate. Thanks for everything." Niyakap ko rin ito pabalik... "Basta, next time... Huwag ka namang magpakawalwal, at nakakahiya kay Ignacio..." Napatingin naman si Beatriz sa kaniyang boyfriend na busy sa kaluluto ng agahan namin. Nagpresinta kasi itong siya ang maghanda ng pagkain namin ngayon. And wala akong masabi, he's perfect. Gwapo, makisig, propesyunal, at magaling magluto... a man that every woman desired. "Sus, si babe pa ba... Light and dark side of life, ate, i trust him to be always there for me. I love you, babe," sambit naman nito. At lumapit sa kaniyang boyfriend and they kissed in front of me. Torrid... hindi pa sana mapuputol ang mapusok na paghahalikan nila kung hindi ito pinutol ni Ignacio, na nakangiting nakatingin na sa akin habang nakayakap sa kaniyang leeg ang mga braso ni Beatriz. "Babe, nakakahiya na sa ate mo..." mahinang sambit nito kaya napatingin na rin muli sa gawi ko si Beatriz at ngumiti. "Ate won't mind. Alam ko namang marami na ring naging experience iyang si ate eh... Right ate?" Huh? Bigla ko namang naramdaman ang pang-iinit ng pisngi ko. At umiling na ikinalapit ni Beatriz sa akin. Hinawakan niya ako sa balikat at pinaharap sa kaniya. Nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin sa akin. "Don't tell me... Are you still a virgin, ate?" gulat na tanong nito na ikinakunot-noo ko. "B-bakit? Don't tell me, you already done that thing, Beatriz?" Siya naman ang biglang namula ang mga pisngi dahil sa itinanong ko. OMG! Is she serious? "O-of course ate! 22 na ako and life is too short... to be innocent in this stage of life." Goodness! Hindi ko alam pero napatingin na lang ako sa gawi ni Ignacio na nakatingin na rin pala sa gawi ko, kaya mabilis akong napa-iwas ng tingin. "With Ignacio?" Ewan ko at bakit sa lahat ng pwedeng lumabas sa bibig ko ay ang dalawang salita pa na iyan. "We already done it, multiple times, in every positions we both know. But he was not my first..." sagot nito na parang iyon na ang pinakamadaling bagay na pag-usapan. But not for me, of course. Pero may magagawa pa ba ako? Nangyari na, nagawa niya na... hindi naman na maibabalik ang pagkawarak ng hymen ni Beatriz kapag nagtatalak pa ako rito. Nakita ko ang pagsulyap ni Ignacio sa akin at napangisi ito... na medyo ikina-offend ko. "Are you laughing at me, Ignacio?" hindi ko napigilang tanungin kaya masama rin siyang tinitigan ni Beatriz. "No! Why should I?" "You should be dahil isa akong 26 years old na hindi man lang nakasubok makipagtalik," inis kong bulalas. "Easy, ate... nagulat lang kami kasi 'di ba? 6 years ka ng isang US citizen, and still a virgin? Thinking na andito ka sa bansang halos lahat ng tao ay open-minded at liberated. So why, ate?" Napakunot-noo akong napatitig kay Beatriz. "Anong why? Bakit hindi ba pwedeng maging-conservative, Beatriz? Hindi ba pwedeng ilaan ko ang bagay na iyon para sa taong mamahalin ko habang buhay?" I saw amazement sa reaksyon ni Ignacio, ewan ko ba at sulyap ako nang sulyap sa gawi niya. Gusto ko kasing makita ang reaksyon niya about me being a virgin in this stage of my life. "Never ka bang nagka-boyfriend?" tanong muli ni Beatriz. "Maraming nanligaw, halos lahat may sinabi sa buhay at halos ibigay na rin ang lahat ng magagarang bagay sa akin ngunit wala... walang feels. Gwapo at mga amerikano, pero wala talaga." "Oh my gosh ate! Ano ba ang hanap mo sa isang lalaki? At baka may maireto ako sa iyo o di kaya ay may maipakilala si Ignacho na isa sa mga single niyang kaibigan." Napaisip ako sa tanong ni Beatriz. Ano nga ba ang hanap ko sa isang lalaki? Hindi ko mawari kung bakit na lang ako napatingin sa gawi ng boyfriend ng kapatid ko. At may mumunting boses na bumulong sa aking isipan. "Iyong katulad ni Ignacio..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD