THIRD PERSON'S POV
Mahigpit na yakap ang isinalubong ni Ivana sa kaniyang nakababatang kapatid na si Beatriz. Dumating na kasi ito sa Amerika kaya sinundo siya ng kaniyang ate sa paliparan.
"Ate! I missed you. Finally, sa mahabang panahong pagkakawalay ko sa'yo ay makakasama na rin kita rito sa bansang naging tahanan mo ng halos anim na taon." Yakap muli ni Beatriz sa kaniyang nakatatandang kapatid dahil sa sobrang saya nito na muling makita at mahagkan ang nawalay na ate niya sa kaniya.
Sila nalamang kasi ang magkasama sa mundong ito, dahil bata palang ay nawalay na sila sa kanilang mga magulang nang maaksidente ang mga ito at magresulta sa kanilang pagkaulila. Nanirahan sila sa kanilang laon na tiyahin na naging mabait din talaga sa kanila kaya pinag-aral silang dalawa hanggang makapagtapos ng 4-years course si Ivana sa larangan ng medisina. Kumuha ito kaagad ng board exam sa nursing na ikinapasa naman niya kaagad kaya naging daan ito para makapunta siya sa ibang bansa upang magtrabaho. Makabawi man lang at makatulong sa kaniyang mabait na tiyahin, habang nanatili naman ang nakababatang kapatid nito roon dahil nag-aaral palang ito sa unang baiting sa kolehiyo, oo apat na taon ang agwat ng kanilang edad kaya nagsusumikap din talaga si Ivana sa buhay upang matustusan ang mga pangangailangan ng kaniyang kapatid na naiwan sa Pilipinas.
Ilang taong nangulila at tiniis ni Ivana ang malayo sa kaniyang pamilya, sa kaniyang tiyahin at nakababatang kapatid na si Beatriz, upang matupad ang kanilang mga pangarap. Naging maganda naman ang takbo ng buhay ni Ivana sa Amerika, hangga't nakakuha ito ng pwesto sa isang pampublikong ospital roon, naging head nurse ito at hindi nagtagal ay naging US citizen na rin siya dahil sa pamamalagi ng matagal na panahon sa Amerika. Nakapagpatayo na siya ng kaniyang bahay sa sariling lupang kaniyang nabili, maliit lamang ito pero sapat na para sa kaniya at sa kaniyang kapatid na plano niyang i-petition o kuhanan ng student visa dahil sa plano nitong mag-masteral sa Amerika. At ngayon na nga ang araw na pinakahihintay na iyon ni Ivana para sa katuparan ng kanilang mga pangarap, simpleng mga pangarap kasama ang kaniyang kapatid.
"Masaya ako at dumating na rin ang araw na ito, Beatriz. Kay tagal kong hinintay na mangyari ang araw na susunduin kita rito sa airport at mayakap ng mahigpit. Na-miss kita sobra!" sambit naman ni Ivana na ikinangiti lamang ni Beatriz at nagpaalam naman sandali na magbabanyo lang ito, kaya inayos na lamang ni Ivana ang mga maleta at gamit nito para mabilis na lamang ang pagtutulak palabas ng airport dahil paniguradong pagod na ang kaniyang kapatid sa tagal ng naging byahe. At syempre excited na talagang makauwi sila upang maipakita na rin ni Ivana sa kaniyang kapatid ang bahay at lupa na kaniyang naipundar sa Amerika.
Ngunit bago pa man siya makaalis sa kaniyang pwesto ay may isang taong biglang yumakap na sa kaniya, na kaniyang ikinabigla. Hindi niya ito matanaw dahil sa nakatalikod siyang naka-posisyon sa kaniya. Sobrang higpit nang pagkakayakap nito na halos maramdaman niya na ang paghaplos ng mainit na balat nito sa kaniyang balat.
"I miss you, babe. I am sorry, ang tagal ko sa immigration." Huh? Lilingon na sana si Ivana upang makita ang taong biglang yumakap sa kaniya nang dumating si Beatriz mula sa comfort room.
"Nacho?" sambit nito na nagpakuha ng atensyon ng kaniyang ate at ng lalaking nakayakap dito. Naramdaman naman ni Ivana ang pagkaluwag ng kaniyang pakiramdam dahil sa pagkaalis nang pagkakayakap ng kung sino sa kaniyang katawan.
"Oh, babe! I am sorry. Akala ko, ikaw –siya." At doon lang siya napalingon sa lalaking yumakap na lamang sa kaniya bigla kanina.
At isang napakagwapong nilalang ang bumungad sa kaniyang paningin. Matangkad, matipuno, gwapo, para siyang si Ian Veneracion. Bigla namang lumapit ang kapatid niya sa lalaki at niyakap at hinagkan ito na kaniyang ikinabigla.
"Who is he, Beatriz?" biglang bulalas na lamang ni Ivana sa kapatid na ngayon ay nakangiting nakayakap sa lalaking nakatingin na rin pala sa kaniya.
"Ate, meet Ignacio Benidez, my boyfriend," sambit na pakilala nito sa kaniyang nakatatandang kapatid. Na ikinakunot-noo pa lalo ni Ivana, dahil wala siyang naalalang may ipinakilala sa kaniyang nobyo si Beatriz noon, at mas lalong hindi niya alam na kasama niya itong pupunta sa Amerika.
"W-wala kang nabanggit, Beatriz na may kasama ka pala. Is he working here?" hindi naman mawaring tanong ni Ivana sa kapatid dahil bigla na lamang itong nakaramdam ng matinding selos sa isiping may kasama ang kaniyang kapatid at hindi sila magkakaroon ng quality time na kaniyang inasam-asam ng napakatagal na panahon na pagkakawalay sa isa't-isa.
"A-ahh. Nope ate, he is here for a vacation only. Gusto niya lamang akong ihatid lalo na at may posibilidad na magtagal ako rito at matatagalan pa ang aming muling pagkikita," paliwanag naman nito sa kaniyang ate.
"What? A tourist visa? How many months? So, he will stay with us for the whole time him being here?" tanong muli ni Ivana.
"Could he, ate? Just for 6 months."
"Six months? Bakit magtatrabaho ba siya rito? Paano ang trabaho niya sa Pilipinas?" Bakas sa mukha ni Ivana ang pagkadisgusto nito sa gustong mangyari ng kaniyang kapatid.
"Isa siyang freelance architect ate. So hawak niya ang oras niya." Ngumiti naman si Beatriz na sinasambit ito sa kaniyang ate.
"Fine. As if I have a choice." Iyon lang at niyakap naman ng kay higpit ni Beatriz si Ivana, Tinignan naman ng walang ka-emo-emosyon ni Ivana si Ignacio na nakangiting nakatanaw sa magkapatid.
"Pero bawal kayong magtabi. I have 3 rooms in my house, one for me, for you, and for him."
"Pero ate!"
"No buts, Beatriz. Iyan ang kondisyon ko. Kung ayaw niyo then his free to choose a hotel room near our area."
"Fine."
Nagkasundo rin sila sa magiging set-up ng nobyo ni Beatriz sa bahay ni Ivana sa loob ng anim na buwan.
Susubukan din daw nitong maghanap-hanap ng pwedeng sideline na hindi siya maging pabigat sa magkapatid.
***
"Thank you." Napalingon naman si Ivana sa taong kakapasok lamang sa isang silid na kaniyang nililinis. Hindi kumibo ang babae nang makita sa may hamba ng pintuan ang bulto ni Ignacio, ang nobyo ng kaniyang kapatid. At pinagpatuloy na lamang nito ang paglilinis at pag-aayos ng tutulugan nitong kwarto.
Naramdaman niya naman ang paglapit nito sa kaniyang bandang likuran, kaya napalingon siyang muli rito ngunit namali siya ng apak ng kaniyang paa kaya na-out of balance siya at babagsak na siya sa sahig pero bago pa man mangyari iyon ay nahagip na ng mga kamay ni Ignacio ang kaniyang bewang.
Awkward. Ang naging sitwasyon ng kanilang posisyon. Kaya mabilis namang umalis sa pagkakahawak ni Ignacio si Ivana at napaayos ito ng tayo.
"A-ah. Thanks!" mautal-utal na sambit nito, na nginitian lamang ni Ignacio.
"Always welcome, ate. Ate na ba ang itatawag ko sayo?" sambit naman ni Ignacio sabay haplos sa kaniyang buhok.
"Anong ate? Magka-edad lang naman tayo, Ivy –you can call me Ivy. And please, isa lang ang ipapakiusap ko sayo, be an inspiration to my sister, para matapos niya ang kaniyang masteral, not a destruction para masayang ang lahat ng pinangarap ko para sa aming dalawa," mahabang litanya nito sabay hakbang na palabas ng kwarto. Hindi niya na hinintay pa ang magiging tugon ni Ignacio dahil baka sabihin lang kasi nitong "Oo, makakaasa ka." –ayaw na ayaw pa naman ni Ivana sa mga salitang napapako dahil sa hindi ito kayang tuparin. Kaya mas mabuti nang hindi niya na marinig ang tugon nito at ipakita na lang ng lalaki sa kaniyang mga gawa.