Prologue

222 Words
"Faye, may nagpadala sa iyo nito. Wedding invitation 'yan ah. Kanino galing?" Inabot sa 'kin ni Sue ang isang wedding invitation at napakunot noo ako dahil wala naman akong kilalang nababalitaang ikakasal. Dali-dali ko itong binuksan ngunit hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko nang mabasa ang pangalan na naroon. "Ryko and Tricia," mahinang sambit ko. "Oh. Sino?" muling tanong ni Sue pero agad kong itinago ang hindi ko malaman na emosyon. "H-ha? W-wala! Dating classmates ko lang, pero hindi ako sure kung makakapunta... A-alam mo na, busy," tanggi ko. Tila hindi pa naniniwala si Sue kung kaya't bago pa man ito magtanong muli ay tumalikod na ako. Napabuntong-hininga ako. Dalawang taon din ang nakalipas mula no'ng tapusin ako ang sa 'ming dalawa! Kahit masakit noon ay iyon ang pinili ko at ang sa palagay ko ay tama! Tama nga ba ako? 'Ikakasal na siya sa iba, Faye! Kasal na pangarap ninyong dalawa noon. Sa iba na niya matutupad ngayon.' Buong araw pinilit kong maging abala sa mga ginagawa ko rito sa office, pero kahit anong pilit ko ay hindi mawaglit sa isipan ko ang tungkol sa kasal ni Ryko. Napangiti ako ng peke dahil sa loob ng dalawang taon ay hindi nga pala ako nakipag-date. Samantala ang mokong ikakasal na! Pero bakit ganito? Parang may kirot sa dibdib ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD