
Maganda ang relasyon nina Faye at Ryko, maging sa kani-kaniyang mga pamilya ay suportado ang kanilang pag-iibigan. Mahal na mahal nila ang isa't isa at pinangakong sila na hanggang sa huli.
Subalit sa dahil sa pandemya ay unti-unti ring nagbago ang lahat maging sa relasyon nilang dalawa. Pakiramdam ni Faye, nawawalan na siya nang gana sa lahat. Hindi na rin sila gaanong nagkikita ni Ryko kahit na magkausap sa phone at sa chat ay madalang na rin. Hindi na rin siya nakakaramdam ng excitement sa tuwing naririnig ang boses ni Ryko hindi tulad ng dati.
Nagpasya si Faye na makipaghiwalay kay Ryko dahil nawala na ang nararamdaman niya para rito at ayaw niya naman na maging unfair para kay Ryko kung magpapatuloy pa ang kanilang relasyon. Tutol si Ryko sa naging desisyon ni Faye dahil hindi naman nawala ang pagmamahal nito kay Faye, hiniling pa ni Ryko na pag-isispan pa munang mabuti ni Faye at handa naman itong maghintay ngunit buo na ang desisyon nito.
Labis na nasaktan si Ryko. Ayaw man niya ay wala na siyang magawa sa kagustuhan ni Faye, maging sa lahat ng social media accounts nito ay naka-block na si Ryko at ang maskalap ay nalaman niyang nagpakalayo-layo na ito.
Hindi akalain ni Ryko na hanggang doon na lamang sila magtatapos!
Nagmahal lang naman siya ng totoo, bakit gano'n lang siya kadaling iwan mag-isa, sa, ERE?

