LYKA'S POV
Napabangon ako nang maalala ko ang nangyari sa Camp na iyon. Hinihingal na hinawakan ko ang dibdib ko. Napatangin ako kay damon na ngayon ay ang himbing nangtulog. Napatigil ako nang marinig kong may kumakaluskos sa labas, kaya tumayo ako at nakita kong iba na ang suot ko, night gown. Siguro pinapalitan niya ang damit ko kaila sophia.
Pinuyod ko ang buhok ko at dahandahang lumabas, patay ang ilaw at tanging lampshade lang ang ilaw na nakikita ko sa labas, Nakita ko namang naglatag palang nang foam sila dito sa labas, Natutulog sila Vivian katabi niya si Luke sa right side at sa left side niya ay si Sophia at Kaycee, wait nasaan si brandon?
Tumungo ako sa kusina at nakita kong nakapatay ang ilaw bubuksan ko palang sana nang makita ko ang isang bulto nang isang lalaking umiinom, topless siya at naka-boxer lang. Binuksan niya ang ref, kaya nailawan yung katawan niya
Napatigil ako nang makita ko ang katawan niya! No what i mean is yung nasa katawan niya. Literal na napatigil ako at pagkasara niya nang ref humarap na siya sa gawi ko, mukhang nakita niya ako.
"Lyka?" Lumapit siya at binuksan ang ilaw pero nakatigil padin ako
"I know that too, Lyka. The other killer! She's a psycho! i swear! She is seeking for revenge, at may tattoo siya! a Joker! sa waist line niya! Hindi biro ang utak niya, matalino siya kaya huwag mong ipahalata sakaniya, and last black clown! honestly i don't know kung sino siya pero ang isang killer! Malapit siya sa atin! magaling magbalat kayo! Siya si ----" Naalala ko ang sinabi ni angel
Wala sa sariling hinawakan ko ang tattoo sa waist line ni Brandon.
"Oh? Maganda ba?" tanong ni brandon
"Your tattoo? It's a joker" sabi ko.
"Yes, pinatattoo ko ito noong highschool palang ako. Bakit ba?" tanong niya
"She's a psycho! i swear! She is seeking for revenge, at may tattoo siya! a Joker! sa waist line niya!"
SHE? Ibig sabihin hindi si brandon'
"S-sino ang kasama mong nagpatattoo nito?" tanong ko
"Ah? Si ---" Naputol ang sasabihin niya nang may magsalita sa likod namin
"Why are you holding his waist lyka?" napatingin ako kay damon na ngayon ay naka-kunot ang noong lumapit at hinila ang kamay ko, hindi naman masakit
"Woah! Pare may tinatanong lang naman siya, you don't need to get jealous!" sabi ni brandon na matawa tawa, at lumabas nang kusina
"Bakit bigla ka nalang nawala?" sabi ni damon. Napabuntong hininga ako
"Nagising kasi ako nang may marinig akong kaluskos akala ko tuloy may nakapasok" sabi ko, kumuha ako nang fresh milk at sabay na kami ni damon na pumasok sa loob nang kwarto
Nilapag ko sa bedside table and gatas ko at umupo sa headboard nang kama
Sayang masasabi na niya sana kung sino iyon! Hindi ko nalang tinanong ulit dahil baka makahalata siya, ayokong sabihin sakaniya ang pinagusapan namin ni angel kasi baka mag-panic sila, haaaayy
"What's bothering you?" tanong niya
"It's nothing" i said. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa labi
---
Pagkagising ko, wala na si damon sa tabi ko. Tumayo ako at Binalot ang kumot sa katawan ko at kumuha nang bathrobe.
Tsaka ako pumasok sa CR, at naligo. Pagkatapos ko maligo, lumabas na ako at nakita kong nanonood sila nang TV. Back to normal, ganiyan kami hindi namin hinahayaang mabago ang mood namin sa buong linggo nang dahil lang sa isang pangyayari, kasi kahit na sabihin nating mahirap tanggapin ang pangyayari, kailangan naming mag-move on
"Good morning babe" sabi ni Damon at kiniss ako sa noo, ngumiti naman ako at kumuha ng pancake at fresh milk
"Nasaan nga pala si brandon?" nahalata ko kasi na wala siya,
"Tinawag nang kabanda niya, may gig ata sila?" sabi ni Sophia,
Lahat sila may kaniya kaniyang ginagawa, si luke at vivian nanonood nang TV, si Kaycee nagLa-laptop, at si Sophia naman nagtatablet dito sa Kusina, at si Damon kumakain din dito sa kusina
"Bakit mo siya hinahanap?" naka-kunot noong sabi ni Damon, napangiti ako at ini-straight ang kunot niyang noo.
"Wala lang, damon naman" I said and laugh tsaka Umupo at kumain
Pero sa totoo lang gusto ko talaga malaman kung sino ang kasama niyang nag-patattoo nun!
Pagkatapos ko kumain. Tumayo na ako at hinugasan ang kinainan namin ni damon, at sabay na kaming lumabas at umupo sa couch.
"Ano bayang pinapanood niyo?" Tanong ko
"Curse of Chucky" sabi ni Luke
Napatingin ako sa orasan, 8:30 na pala. Buti nalang sabado ngayon
"Ang weird nang pinapanood niyo, akala ko mala 'THE NOTEBOOK' ang pinapanood niyo" sabi ko
Tumawa naman sila "Mahirap na Lyka, baka may mangyaring milagro sa upuan niyo" sabat ni Kaycee
"Grabe kaycee ah!!" sabi ni vivian at binato si kaycee nang unan
Tumawa ako at tumayo tsaka dumiretso sa kwarto namin at kinuha ang phone ko sa bag ko
I-tetext ko ba si brandon o hindi? Kaso baka pag tinext ko siya isipin nun, masyado akong curious at baka magtaka siya.
Kaya in the end, hindi ko nalang siya itetext. Lumabas ako at nanood na din nang TV, at umupo sa tabi ni damon