LYKA'S POV
"Hi Lyka" Ngumiti ako sa mga bumati sa akin sa school, as i said before (Chapter 1) our group is quite popular dito sa school
Naglalakad ako dito ngayon sa hallway, actually nag-cutting classes ako sabay dapat kami ni damon na pupunta dito pero pinauna ko na siya.
Hindi ko alam pero dinala ako ng sarili kong paa dito sa Rooftop, Dito sa rooftop na ito! Kung saan namatay ang kapatid ko, ang pinakamamahal kong kapatid, Si Lester
Papasok palang ako sa rooftop nang may marinig akong nag-uusap.
"You're back huh?" sabi nang isang babae(i think) hindi masyadong malinaw yung boses eh, Mahina din kasi
"Sino na bang isusunod mo?" Tanong niya
"Huh? Why her? Why Kaycee Villafuerte?" Nanlaki ang mata ko at tinakpan ang bibig ko
"She---? what?"
"What do you want me to do?"
"Okay----" Hindi ko na tinapos ang pakikinig ko at dahandahan pero mabilis akong naglakad pababa at tsaka ako tumakbo papuntang CR.
"OH MY GOSH!! Dapat tinignan ko kung sino iyon!" napaupo ako sa sahig at hinihingal padin.
"Lyka" Napatalon ako sa gulat nang may tumawag sa akin
Humarap ako at nakita ko si --- Well? Hindi ko siya kilala
"Who are you?" i ask
"Haaaay! alam ko namang hindi mo ako kilala pero inutusan lang ako na tawagin ka in case na makita kita sa daan, by the way I'm Delevigne Pascual! Yea my name is actually a surname! TSK! Pinsan ako ni Kuya damon!" sabi niya, Tumayo ako at nakipag shake hands
"Glad to meet you" i said, at ngumiti
"Glad to meet you too!" sabi niya at nag-giggle
"Oh before i forgot! Punta ka na daw sa cafeteria, bye Lyka!" Sabi niya at tumalikod na
"Bye Delevigne" Sabi ko at nag-ayos na tsaka naglakad papuntang cafeteria. Nakita ko naman sila doon, Nagtatawanan
Umupo ako sa tabi ni Damon. Nakatingin naman sila sa akin
"You ditch our class? Isn't that's weird?" sabi ni Luke
"Oo nga, sabi mo kanina mauna na ako dahil male-late ka lang pero hindi mo sinabing magca-cutting classes ka" sabi ni damon, inubob ko ang ulo ko sa mesa. at hindi sila sinagot
"Not feeling well?" tanong ni Sophia
"Yea, sort of" Sabi ko at ininom ang water ni damon.
"Baka naman kasi pinapagod ni damon! Naku naman, wag ganun!" sabi ni vivian. Nagtawanan naman sila
"Gago!" sabi ni damon, pero nakitawa na din
"I met your cousin" sabi ko kay damon, Humarap naman siya sa akin
"Who?" tanong niya
"Delevigne" Sabi ko, Nakita ko na Literal na napatigil si Luke, Damon at Brandon
Nagtaka naman kaming mga girls "Hey!" sabi ni Kaycee
"Y-you m-met her?" tanong ni Brandon
"Uhuh! What's the matter about that?" tanong ko
"WHAT THE f**k? DID YOU JUST SAID THAT YOU MET HER?!" di makapaniwalang tanong ni Luke
"Oo nga daw! Hey honey! what's the matter?" takang tanong ni Vivian
"Babe, she's in the mental asylum" sabi ni damon
"W-WHAT?!" Sigaw ko
"Yes, na-admit siya doon dahil sa salang pagpatay niya sa boyfriend niya, pero hindi siya nakulong dahil nalaman nila na may saltik pala siya sa utak. When did you met her?" tanong ni Brandon
"Siguro 30 minutes ago, sabi niya pa nga---
(FLASHBACK)
"Haaaay! alam ko namang hindi mo ako kilala pero inutusan lang ako na tawagin ka in case na makita kita sa daan, by the way I'm Delevigne Pascual! Yea my name is actually a surname! TSK! Pinsan ako ni Kuya damon!"
"Glad to meet you"
"Glad to meet you too!"
"Oh before i forgot! Punta ka na daw sa cafeteria, bye Lyka!"
"Bye Delevigne"
(END OF FLASHBACK)
"What the?" Kinuha ni Damon ang cellphone niya at may tinawagan
"Hello, Tita!.............. Yes it's me damon.................... No actually i call because my girlfriend........... yes i have tita............... yes............. so i was saying my girlfriend saw delevigne................ yes here in our school............... what?!.....................She might hurt someone!..................Okay tita...................you too.................bye" Pagkatapos nang tawag na iyon ay binaba na niya ang cellphone
"Anong sabi?" tanong ni Brandon
"Nakatakas daw sa Asylum si Delevigne!" Dismayadong sabi niya
"Ano ba----" naputol ang sasabihin ni brandon nang may nagtilian
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!" Nagsitakbuhan ang mga tao at nagpapanic na din ang mga tao sa cafeteria, may tumakbo sa gawi namin
Pero bago pa siya makalayo, hinila siya ni Vivian
"What's happening?" tanong ni Vivian
"May nakitang patay na katawan sa loob ng CR nang Girls AAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!!!"
"What?? that must be delevigne's fault?!" Sabi ni Luke at nagsitakbuhan sila, naiwan naman ako dito sa cafeteria, wala nang tao dito dahil lumabas na! Kaya naglakad ako sa likod nang cafeteria
Kinakabahan ako! Bakit ganon! Ganito ang naramdaman ko noon sa Camp.
Naglalakad ako nang tahimik nang may humila sa akin at tinakpan ang Bibig ko
at pinasok ako sa isang kwarto! Sa Storage room!
Sisigaw sana ako nang makita ko kung sino ang humila sa akin
"D-delevigne?"
"Yes! Lyka, i know what will happen! I-isa isahin niya kayo! at ikaw ang ihuhuli niya! Ginagawa niya ito dahil sa ginawa mo sakaniya! Ikaw ang naging simula nang lahat! at ikaw din ang dapat mag tapos nito! LYKA! THEIR FATES ARE IN YOUR HAND! Alam ko kung nasaan siya ngayon! Ito keep it! alam ko, sooner or later, ipapatapon nila ulit ako sa asylum kaya ngayon palang ibinibigay ko na saiyo ito! Now lumabas ka na, habang wala pa sila!" Sabi ni delevigne. Tinago ko sa bulsa ang binigay niyang papel
"I-ikaw b-ba ang p-pumatay sa natagpuang katawan?" tanong ko
"Oo, i did that para hindi tayo mahuli, nasa paligid lang si Blackclown! Lumabas ka na! bilis!"
"s-salamat delevigne! maraming salamat!" niyakap ko siya at niyakap niya din ako tsaka ako lumabas at tumakbo