Snow's POV Nakaupo lang ako sa sala habang nanonood ng TV. I don't have anything to do since it is weekends and I rather sleep or read than go outside and waste money. "Wala ba kayong training?" Naitanong naman ni Yuki na nakisali na rin sa panonood. We are watching Legend of the Blue Sea. Umiling ako. "Wala naman sinabi si Yuan, kaya di ako magpapractice." Sagot ko dito. Pero yung totoo nagpapractice naman ako mag-isa di ko nga lang sinasabi. "Practical exam na girl! Baka bumagsak pa tayo nito." Saad nito. "Mas inaalala ko na baka magkaharap tayo." Saad ko naman. Natahimik naman ito. May punto naman talaga ako. Yun ang iniisip ko, baka magkaharap kami ni Yuki. Makakaya ko bang iroundhouse kick ito o bigyan ng left job? Best friend ko ito, di ako nananakit ng mga taong mababait. "I

