Snow's POV Natapos na kaming mag-ensayo and guess what happened? Yuan was too cruel! Di man lang ako pinagbigyan! Ni hindi ako makaporma at feeling ko nanlambot ata lahat ng kalamnan ko. Nandito na ako sa loob ng kuwarto dahil late na akong nakauwi. Ang tagal namin natapos. Si Will naman at Raven ay walang humpay ang bugbugan ng dalawa. Buti na lang din at di naman ako mashadong binubugbog ni Yuan gaya ng ginagawa ng dalawa pero ang lakas niya eh. Ngayon ko lang narealized na sobrang lakas pala talaga niya, walang halong biro. He's beyond normal. Kahit nakahiga na nga ako sa kama eh feeling ko nanginginig pa ang laman ko. Sigurado talaga ako na sasakit katawan ko bukas. Alam na alam ko na ito eh. Ganito din kasi nangyari sa akin noong nag-aaral pa ako ng martial arts, sakit sa katawan

