Snow's POV Nagsilabasan ang lahat ng mga estudyante pati ang mga faculty teachers dahil tumunog na ang sirena. Hindi siya tunog earthquake drill but nakakatindig balahibo ang tunog ng sirena, dahil para itong sa silent hill. May iba na nakauniform na at yung iba ay nakapantulog pa. Lahat kami ay nagtipon sa open area ground sa harap ng entrance. Malawak kasi doon at doon lang din kami pwede magtipon sa mga ganitong sitwasyon. "Is everyone here?" Tanong ng isa sa mga teachers. Napalingon naman ako at hinahanap ng mga mata ko si Yuki. Di ko siya makita at sa palagay ko ay nasa loob pa iyon ng dorm, masakit ang katawan nun at di pa nakakainom ng gamot! Hindi na ako nagdalawang isip pa at bumalik ako sa dorm. Wala naman nakapansin sa akin dahil nagkagulo na nga. Sa totoo lang wala akong

