BURDEN Mia WALANG pagsidlan ang mga luhang pumapatak sa aking mga mata. "M-Maawa ka, Attorney. Pakawalan mo na kami. Bakit mo ba ito ginagawa? Wala kaming kasalanan sa ‘yo." "Wala?" Napatayo siya at agad akong sinampal. Para akong nabingi sa paglapat ng kanyang palad sa pisngi ko. Nanlilisik ang mga mata ni Atty. Magno. Hindi ko inakala na magkikita pa kami. Ang araw-araw noong nagtatrabaho ako sa kanya na puno ng galit ay walang kuwenta kumpara sa nakikita kong poot sa kanya ngayon. "Hindi ko alam kung paano ka nakaligtas noong pinapunta kita sa gusaling iyon. Masuwerte ka. Pero malas mo rin because the blood of your mother flows in your veins, Mia. When I look at you, my blood boils like hell I wanted you bleeding in despair. I have plot her death yet my anger for her will never end

