AT THE GRAVE Mia UMIHIP ang napakalakas na hangin. Naglagay ako ng tukod ng mga sanga ng kahoy upang hindi matumba ang mga bulaklak ng puting gardenia. Ito ang paborito ni Inay. Sa tuwing sasapit ang araw ng kamatayan niya, hindi mawawala ang mababangong amoy ng gardenia sa kanyang puntod. Madalas ay si Itay ang naglalagay ng mga ito. But now, I asked him to let me plant it around her grave. "Ate, kukuha lang kami ni Jen ng dahon ng saging," paalam ni Ron. Dito kami ngayon maglalatag ng dahon para sa aming tanghalian. Tumango ako at pinagmasdan ang mga kapatid kong papalayo. Natigilan ako nang makita ko ang magkahawak na kamay ng mga kapatid ko. Paano nga kaya kung hindi na ako nakabalik dito? Paano kung hindi ako nakaligtas sa trahedyang gawa ni Atty. Magno? Nayakap ko ang aking saril

