NO PROMISES TANGING hikbi ang naririnig ni Almario mula sa kabilang linya. "Maawa ka, Isabela. Huwag kayong lumayo. Kayo ni Amabela ang dahilan kaya ako nagpupursige ng ganito. Huwag mo akong iiwan, Isabela..." "A-Almario…" Ang tinig ni Isabela ay nangangatal. Halata ang pagod, takot at kalungkutan. "Wala nang dahilan para magsama pa tayo. Balikan mo si Lumida. Mahal na mahal ka niya..." "Hindi ko puwedeng turuan ang puso ko, Isabela! Ikaw ang mahal ko. Kayo ni Amabela!" "N-Nilayuan kita dahil wala nang dahilan para mahalin mo ako, Almario. W-Wala na si Amabela. Patay na ang anak natin. Wala nang nagdudugtong sa sinasabi mong pagmamahal." Gumuhit ang garalgal sa linya ng telepono. Tila may mainit na kuryenteng gumapang doon upang putulin ang anomang pag-uusap na nagaganap sa gabing iy

