GETAWAY Mia HANGGANG ngayon ay namamayani ang hindi maipaliwanag na damdamin sa puso ko. Tatlong buwan ang lumipas pero hindi na nagpakita pa si Ambrose. Puwede akong gumawa ng paraan kung gugustuhin ko. Puwede kong lapitan si Mayor Madrigal na ninong niya. Puwede akong maghanap ng mga kapangalan niya sa social media. Maraming paraan kung gusto. But I don't want to! I don't want to go back to that dream that had eaten me alive. "Tumawag si Kyle. May pupuntahan daw kayong party mamayang gabi." Nananantya ang mga tingin ni Suzy. "Sinabi mo ba sa kanyang ayoko?" "Oo. Paulit-ulit. Ayaw mo siyang kausap. Ayaw mo siyang kasama. Ayaw mo siyang kinukulit ka. At ayaw mo na sa kanya! Pero Mia, matigas ang ulo niya. Ayaw mo, ayaw rin niya. Ayaw niyang tumigil sa kakasuyo sa ‘yo." Sumalampak siya

