UNEXPECTED RE-ENCOUNTER Mia HINDI ako nakatulog buong magdamag. Bukod sa malakas na pagaspas ng hangin at sa mahinang huni ng dagat, maingay din ang mga tanong sa utak ko. What in the good world Ambrose is doing here? Bakit kailangan pa kaming muling magkita? Malamig ang hangin na nagmumula sa labas ng bintana. Mula rito sa silid ay natatanaw ang malawak na karagatan. Wala pang mga taong naliligo o namamasyal. May mga mangilan-ngilan nang nakasakay sa mga bangka. Siguro ay para mangisda. Perhaps the sunrise is about to come. Maybe it's a good idea to welcome it while tasting the fresh early morning dew. I took the thick, white scarf from the cabinet. Hindi na ako nag-abala pa na magbihis. Kakaunti pa lang naman ang tao sa labas at hindi na mapapansin ang manipis na puting pantulog na s

