Chapter 1 (Ang Simula)
“And now, by the power vested in me, I hereby pronounce you husband and wife” sambit ng pari bilang pagtatapos ng misa ng kasal “You may now kiss your bride”
Walang sabi-sabi ay kaagad naman hinalikan ni George ang kanya nang asawa na si Bek. Halos limang taon silang mag-nobyo at mag-nobya bago sila magpakasal. Masasabi at mahahalintulad natin sila na isang karaniwang magkarelasyon dahil may mga pagkakataon na masaya at meron ding awayan at tampuhan. Pero natural naman iyon sa isang relasyon dahil wala namang perpekto na relasyon sa mundo. Ang importante ay nahanap nila ang isa’t-isa at nagmamahalan talaga sila ng totoo.
Masaya ang buong bisita habang nasasaksihan nila ang pinakamasayang pangyayari sa buhay ng bagong mag-asawa.
Natapos din ang seremonya sa simbahan at pumunta na ang lahat para sa reception na gaganapin sa The Deluxe Suites Hotel na kung saan si George din ang may-ari ng hotel na ito.
“Masayang-masaya talaga ako dahil kasal na kayo ng bestfriend ko, George” sambit ng matalik na kaibigan ni Bek na si Jen. Nakatayo siya sa harapan ng mga panauhin, na nakaupo at habang kumakain. “Good boy ka na ha…” dugtong niya at nagtawanan ang mga tao sa biro nito “Alam mo, kung gaano ko kamahal itong si Mads ko. Pinoprotektahan ko siya noon sa’yo dahil alam natin lahat kung gaano karami ang karibal niya sa’yo. Pero tapos na iyon at ilagay na natin yan sa nakaraan dahil ang importante ay nagkatuluyan na talaga kayo at wala nang makakasira sa samahan at pagmamahalan ninyong dalawa. Ito lang ang masasabi ko sa’yo, George. Huwag na huwag mong lolokohin ulit ang bestfriend ko kung hindi, ako na mismo ang puputol yan.” Nagtawanan ulit ng malakas ang mga bisita at ngumiti din si Jen. Itinaas niya ang kanyang kanang kamay na may hawak-hawak na wine glass “To my Mads, Rebecca and to her husband, George. Best Wishes sa inyong dalawa.”
Natapos ang reception ng kanilang kasal dakong alas-otso na ng gabi at kaagad silang sumakay sa auto na may nakakumpon na mga bulaklak sa unahan nito. Excited ang lahat lalung-lalo na ang kanyang bestfriend na si Jen dahil aalis na silang mag-asawa para sa kanilang honeymoon.
“Go Mads. Enjoy your travel tomorrow ha” payo ni Jen sa kanya “Pahinga muna kayo ngayon. Bawi na lang kayo kapag nandun na kayo sa Tagaytay. Okay?”
“Loko ka talaga, Mads. Sige na, alis na kami” sagot naman ni Bek sa kanya “Salamat po ulit sa inyo na pumunta sa kasal namin” kaway at sigaw niya sa bintana. Kaagad naman umandar ang kanilang sasakyan at isinara naman ni George ang bintanang nakabukas. Tumingin naman siya kaagad sa kanyang asawa na malagkit ang pagkatingin nito sa kanya “O bakit ganyan ka makatingin?? May dumi ba sa mukha ko?”
“Wala naman.” at inakbayan ni George ang kanyang asawa “Masaya lang ako dahil asawa na kita ngayon. Solong-solo na kita”
“Hmmp! Baka maghanap ka na naman ng iba ha. Ayoko na”
At kinuha ni George ang kamay niya at hinalikan ang sa likuran ng kanyang palad “Hinding-hindi ko na gagawin yon dahil nagbago na ako at mahal na mahal kita. Ikaw lang ang nasa puso’t-diwa ko, Mahal. Pangako yon”
“Talaga…?”
“Yes. Promise”
“Hmmm. Okay” ngiti ni Bek “Mahal na mahal din kita, George. Pinatawad na kita sa mga nagawa mo noon sa akin. At alam ko na nagsisisi ka sa ginawa mo at hinding-hindi mo na gagawin iyon”
“I love you, Mahal” tanging sagot ni George
“I love you too, Mahal”
***
Kinabukasan ng hapon ay nakadating na nga sila sa kanilang destinasyon. Nag-check-in sila sa Taal Vista Hotel para doon sila magpalipas ng ilang araw para sa kanilang honeymoon.
Pagkatapos nila pumasok sa kanilang silid ay nagdesisyon silang dalawa na lumabas at saksihan ang magandang view ng Taal Lake.
“Ang ganda talaga ng view Mahal noh??” sambit ni Bek sa asawa habang nakayakap si George mula sa kanyang likuran “Perfect talaga ang pinili ni Jen para sa honeymoon natin”
“Oo nga Mahal” sabay halik sa gilid na leeg ni Bek “…sana ganito lang parati,.. na wala tayong iniisip na problema… na parang tayo lang ang tao sa mundo” dugtong pa ni George “…siyempre, kasama natin ang mga anak natin”
“Oo nga Mahal” buntong-hininga ni Bek “Walang problema”
“Pero wala naman tayong magagawa dahil may hotel akong pinapatakbo. Puro stress at reklamo ng mga guest parati ang hinaharap ko” sagot ni George at may naisip siya na magandang ideya “Mahal..”
“Yes..?”
“What if kung ibenta ko na lang ang hotel??” mungkahi niya sa kanyang asawa “Sa isang malaking kumpanya”
“Ha?? Bakit mo naman ibebenta ang hotel?”
“Kakapagod na kasi eh. Hindi ko na kaya ang stress”
“Oh tapos? Kapag nabenta mo na. Saan ka kukuha ng gagastusin natin?”
“Edi maghahanap ako ng trabaho. Madali naman maghanap eh”
Napahinga ng malalim si Bek sa sinabi sa kanya ng asawa. Tila hindi siya sang-ayon sa kanyang desisyon “Ewan ka sa’yo, George. Bakit mo naman naisip yan?? Baka nakakalimutan mo, mag-asawa na tayo at magkakaanak pa. Magpasalamat ka pa nga na may negosyo kang pinapatakbo. Yung iba nga, maraming mga anak, gutom dahil walang trabaho at wala pang may maisip na negosyo. May negosyo nga ang iba pero maliit lang” at inalis niya ang mga bisig ni George sa kanyang katawan. Humarap siya sa asawa at tumingin sa kanyang mga mata “Kaya huwag mong ibenta ang negosyo. Kailangan ito ng magiging anak mo, para sa kanyang hinaharap. Kailangan ng pamilya natin, okay?”
“Sige” tanging sagot ni George.
“Very good” sabay masahe ng kanyang asawa sa kanyang balikat “Makakaya mo yan, Mahal”
***
Kinabukasan
“Good morning Mahal. Breakfast in bed” bati ni George sa kanyang asawa na may dala-dalang tray na pagkain papunta sa kama.
“Wow Mahal… salamat” ganti ni Bek sa kanya. Kaagad niya namang kinuha ang dala ni George na tray na may pagkain at ipinatong ito sa kanyang paa “Sorry Mahal, ako sana ang gagawa sa’yo ng ganito”
“Naku. Huwag kang mag-sorry, Mahal” sabat naman niya sa asawa “Okay lang sa akin ito. At isa pa, hindi naman kita pinakasalan dahil sa serbisyo mo. Pinakasalan kita dahil mahal na mahal kita” sabay halik sa kamay ni Bek. “At masaya ako kapag inaasikaso ko ang aking reyna”
“Sweet naman ng Mahal ko. Umupo ka dito sa tabi ko, Mahal. Samahan mo ako” at umupo nga si George sa tabi ng asawa.“Oh” sambit ni Bek na hawak-hawak niya ang kutsara na may lamang kanin at ulam “Kumain ka, Mahal”
“Parang baby ako ah” sagot naman niya “Huwag na Mahal”
“Kumain ka na. Huwag kang maarte, Mahal”
“Sige na nga” kaagad niya namang sinubo ang hawak ng asawa. Ngumuya ito ng ilang beses at linunok ang pagkain.
***
Pagkatapos ng ilang araw nilang pananatili at pagbabakasyon sa Tagaytay ay nagdesisyon silang umuwi na kaagad sa kanilang lugar.
Pero napansin ni Bek na mali ang direksyon na tinatahak na daan ng kanyang asawa “Mahal. Diba doon tayo liliko?” sabay turo ni Bek sa kanyang likuran “Doon kasi ang daan pauwi sa bahay niyo diba?”
“Oo. Alam ko”
“E bakit dumederecho tayo?”
“Basta… May sorpresa ako sa’yo” sambit naman ni George na nakangiti habang nagmamaneho.
Pumasok sila sa isang sikat na village sa kanilang lugar. Wala pa din ideya si Bek kung ano pinaplano ng kanyang asawa. Gusto niya lang kasi na magpahinga sa isang mahabang biyahe at miss na miss niya na ang kanyang kama.
Pagkatapos ng mahabang pagmamaneho ni George ay huminto sila sa harap ng isang dalawang palapag na malaking bahay. “Kaninong bahay ‘to, Mahal? Ang laki ah”
“Bakit? Maganda ba?”
“Oo kaya. Ang ganda ng bahay, Mahal. Bagay na bagay sa ating pamilya” sambit ni Bek na tila naiinggit sa nakatira sa bahay na iyon “Balang araw, Mahal. Balang araw, titira din tayo sa ganyang kalaking bahay.”
“Bakit balang araw pa?” sabay taas ni Georfe ng kanyang kamay na may nakakabit na susi.
“Ano yan Mahal? Kaninong susi yan?”
Umusog ang pwet ni George para humarap sa kanyang asawa. Hinawakan niya ang dalawang kamay at tila may sasabihin itong importante sa kanya “Mahal. Malaki talaga ang pasasalamat ko sa’yo dahil marami akong nagawa sa’yo na masasakit noon subalit ay pinili mo pa din na patawarin at mahalin ako… Bilang ganti ko sa pagmamahal mo sa akin, pinag-ipunan ko ang bahay na ‘to para ito ang magiging bahay ng pamilya natin” paghigpit ng kanyang paghawak sa kamay ng asawa “Dito tayo gagawa ng mga alala ngating pamilya hanggang sa pagtanda natin”
Napanganga na lamang si Bek sa sorpresa ni George sa kanya. Hindi niya talaga inaasahan na may ganito ang kanyang asawa. “Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, Mahal. Pero maraming salamat. Salamat talaga hindi dahil sa bahay na ‘to,kundi sa pagmamahal mo din sa akin. Nararamdaman ko na nagbago ka na talaga, Mahal”
Nagyakapan ang mag-asawa ng mahigpit at napaiyak si George ng matindi. Pinunasan niya lamang ang mga mata na puno ng luha “Bumaba ka na Mahal. Tignan mo ang magiging bahay natin” kaagad na kinuha ni Bek ang susi ng bahay at nagmamadaling bumaba ito sa sasakyan “Mahal… dahan-dahan ka lang” paalala ni George sa kanya. Mabilis kasi itong pumasok sa bahay at tila excited na talaga itong makita
Napatigil siya at tila manghang-mangha sa kanyang nakita. Pero sa kanyang pagpasok ng bahay ay parang umiba ang kanyang pakiramdam. Parang bigla itong nahilo at hinawakan niya kanang kamay sa ulo… at hindi niya namalayan na tuluyan na pala siyang bumagsak.
Nagising si Bek na nakahiga sa isang hospital bed, katabi niya si George na nakatitig sa kanya at hinahawakan ang kamay nito.
“Mahal. Gising ka na” sambit ni George.
“Mahal? Saan ba ako?” tanong ni Bek sa asawa habang pilit na bumabangon sa kama.
Samantala si George naman ay pinapahiga ang asawa at pinipigilan na tumayo “Huwag ka munang bumangon, Mahal. Kailangan mong magpahinga”
“Bakit?? Ano ba ang nangyari sa akin?”
“Bigla ka kasing nahimatay habang papasok tayo sab ago nating bahay”
“Ha?? Bakit?” hindi sumagot si George sa tanong sa kanya ng asawa pero ngumiti lang ito at parang masaya.“Mahal?? Ano ba ang problema?” tanong ni Bek sa nakangiting asawa “Bakit ka nakangiti??”
“Masaya lang ako, Mahal. Masayang-masaya”
“Bakit nga??” pagpupumilit ni Bek “Sabihin mo sa akin”
“Mabuti pa, si Dok na lang ang kakausap sa’yo, okay?”
Tumingin si Bek sa kabila ng kama niya. Nakatayo pala ang babaeng doktora na nakangiti din sa kanya “Ano ba ang problema dok? Bakit ako nahimatay? May sakit ba ako?”
“Well. Based on your result” habang binabasa ng doktor ang papel na hawak-hawak niya “Wala ka namang sakit”
“Salamat naman sa Diyos dahil wala akong sakit” buntong-hininga ni Bek.
“Pero kailangan mo pa din magpahinga Mrs. Salcedo” mungkahi ng doktor sa kanya “Nawalan ka lang ng malay dahil kulang ka sa pahinga at pagkain. Better if you rest and eat more, especially you will expecting a baby”
“Po?” ulit ni Bek
“Yes Mrs. Salcedo. You’re pregnant”
Abot-tenga ang ngiti ni Bek sa balita ng doktor sa kanya. Iyon pala ang dahilan kung bakit nakangiti si George sa kanya kanina. Nagyakapan ang dalawa ng mahigpit dahil sa wakas, magiging magulang na sila.
***
Samantala. Nasa paaralan sina Zeek at ang kanyang girlfriend na si Hazel. Nakaupo sila sa isang bakanteng upuan at inaayos ang kanilang requirements para sa kanilang pagpapracticum.
“Ano ba naman ‘to. Magpaprocess pa lang ng mga requirements sa practicum natin, magastos na” reklamo ni Zeek sa kanyang girlfriend “Alam mo, dito na lang kaya ako magpapracticum para hindi masyado magastos”
Si Ezekiel Lacsamana o mas kilala sa tawag na Zeek ay 21 na taong gulang, Mestiso, 5’10” ang kanyang tangkad, matikas ang pangangatawan at mapupungay ang mga mata. Marahil ito siguro ang isa sa mga rason kung bakit sinagot siya ng kanyang girlfriend na si Hazel, ang kanyang mga mata.
“Pero gusto mo dun sa Boracay magpapracticum diba? Sige na, Huwag ka nang magreklamo. Para din naman sa’yo ‘to eh” paalala ni Hazel sa kanya.
“Hayy. Oo nga, pero magastos oh. Tignan mo naman, may mga medical test pa akong kukunin. Hindi lang isa o dalawa ha? Lima pa” sabay pakita ni Zeek ng mga requirements kay Hazel at buntong-hininga niya “Dito na lang kaya ako, Berry. Sigurado na ako”
“Cookie… sayang eh. Diba nakalista na ang pangalan mo na pupunta sa Boracay?”
“Oo… pero magastos nga” pagmamatigas niya “Hindi kaya ni Mama ang ganito kalaking bayaran. At isa pa, ayoko naman maging matagal kitang hindi nakikita”
“O sige, ikaw ang bahala. Desisyon mo yan, Cookie ha. Hindi kita pinipilit” sabay buntong-hininga ni Zeek habang hinihimas ni Hazel ang kanyang kamay sa likod ng nobyo. “So ano na ang plano mo?” tanong ni Hazel sa kanya “Saan ka magpapracticum?”
“Hmmm. May dalawang choices ako Berry eh… Sa Atria Hotel o sa The Deluxe Suites Hotel”
“Wow. Diba mga Five-star hotels yan?”
“Yup. Pero mas sosyal sa The Deluxe Suites. Doon na lang kaya ako”
“Sige Cookie. Kung iyan gusto mo, I’ll support you na lang”
“Thanks Berry” sabay ngiti niya sa kanyang nobya.
Patuloy ang lambingan ng dalawa sa sofa at hindi nila namalayan na dumating na pala galing grocery ang ina ni Zeek na si Vivian.
“Kanina pa ba kayo??” bati niya sa kanilang dalawa. Kaagad namang tumayo at nagtungo sila kay Vivian upang magmano dito. Kinuha ni Zeek ang mga pinamili ng kanyang ina at dinala ang mga ito sa hapagkainan. “Kamusta na pala ang hotel na papagpractikuman mo sa Boracay, ‘nak?” pansin ni Vivian sa mga nakakalat ng mga papeles sa center table nila.
“Ahmmm. Ma, tungkol po pala dun” sabay lapit niya sa ina “Hindi na po ako sa Boracay magpapapracticim” sagot naman niya.
“Ha?? Bakit naman? Bakit nagbago ang isip mo?” paalala niya sa anak “...pangarap mo doon na magtrabaho diba?”
“Oo Ma” buntong-hininga niya sa ina “Pero magastos pala eh. Hindi pa nga kami nakakaalis, marami nang babayaran” rason ni Zeek “E dito na lang ako”
“Sigurado ka ba, ‘nak?” ulit ng kanyang ina sa kanya “Baka gusto mo dun. Hahanap ako ng paraan para sa gastusin mo”
“Huwag na, Ma. Promise. Okay lang ako” paniniguro ni Zeek sa ina “At isa pa, sakto lang ito sa pagkain natin at sa upa ng maliit na bahay na ito”
“Sige anak” yakap ni Vivian sa anak “Ang bait talaga ng anak ko. Salamat sa Daddy mo na binuntis niya ako. Kita mo, may anak pa akong sobrang bait”
“Ma naman. Yan ka na naman eh. Huwag mong sambitin ang taong yan”
“Ito naman. Naglalambing lang eh” ngiti niya kay Zeek “O pano, magbibihis muna ako ha. Tapos magluluto ng hapunan” sabay tingin kay Hazel “Dito ka na lang kumain, Hazel”
“Sige po, tita. Tatawagan ko na lang sina Mommy at Daddy na magagabihan po ako” sagot naman ni Hazel. “Excuse me po, Tita” at lumabas muna ng bahay si Hazel para tawagan at magpaalam sa kanyang magulang.
Samantala. Sa loob. Muling nagkausap ang mag-ina.
“Nak. Kamusta na pala ang magulang ng girlfriend mo?”
“Sila??” balik na tanong niya sa ina habang nakakunot ang mga noo nito “Okay lang. Ayon. Katulad ng dati, ayaw nila sa akin dahil mahirap lang tayo”
“Hindi ka ba nila inaway nak?”
“Kinakausap lang naman nila ako nang may halong pang-iinsulto” buntong-hininga ni Zeek “Anong magagawa natin, e pinanganak akong mahirap eh”
Natamaan naman si Vivian doon sa sinabi ng anak. “Anak. Pasensiya na ha? Kung pinanagutan sana ng Daddy mo ang ginawa niya noon sa atin, siguro ay mayaman na tayo. Hindi ka ngayon ganito, ang mababa ang paningin ng mga tao dahil mahirap tayo” buntong-hininga din niya “Pero hindi naman mangyayari iyon. Hindi ako mamahalin ng Daddy mo dahil isa lang akong bayaran na babae. May sariling pamilya ang Daddy mo”
“Ma??! Ano ba?? Huwag niyo na nga sambitin ang taong yan, pwede? Naiinis lang ako eh” sabat naman ni Zeek sa ina “At hindi naman kita sinisisi sa buhay natin ngayon eh. Nag-aaral nga ako ng mabuti Ma, para makapagtapos at makahanap ng trabaho. Ayaw ko na dito sa mabahong lugar na ito”
Napangiti naman si Vivian sa snabi ng anak. “Yon nga ang pinsasalamatan ko sa’yo anak. Dahil nag-aaral ka ng mabuti, hindi mo pinababayaan ang mga grades mo. Kaya naging scholar ka sa University na gusto mo” at yumakap ng mahigpit si Vivian sa anak “Matutupad din ang lahat ng mga pangarap mo, nak”
“Mama naman. Nagdadrama na naman siya eh” ganting yakap ni Zeek “Huwag kayong mag-alala, Ma. Kapag mayaman na ako, hindi na ako maiinsulto ng magulang ni Hazel at tatanggapin na nila ako”
Magkalipas ng ilang oras ay kumain na nga silang tatlo para sa kanilang hapunan. Sarap na sarap si Zeek sa kanyang kinakain dahil paborito niya ang niluto ng kanyang ina na menudo.
Ilang sandali ay natapos na din sila kumain. Tinulungan ni Hazel si Vivian para magligpit ng kanilang pinagkainan habang si Zeek naman ay bumalik sa kanyang mga papeles sa kanyang OJT.
Nagpaalam na umuwi si Hazel sa kanilang dalawa dakong alas-otso ng gabi. Nagdesisyon naman si Zeek na ihatid ang kanyang nobya sa kanilang bahay pero hindi pumayag ang babae dahil kaya niya nang umuwi at sasakay na lamang siya ng taxi.
Pumasok si Zeek sa kanilang bahay pagkatapos na mapasakay si Hazel sa taxi at umupo muli sa sofa at iniisip ang kanyang requirements na aasikasuhin.
“Zeek. May problema ba anak?” pansin ni Vivian sa kanya “Tungkol ba yan sa mga requirements mo?” at tumango si Zeek bilang sagot “Alam mo, magpahinga ka na, anak. Umiitim na ang ilalim ng mata mo oh”
“Mamaya na po Ma”
“Ezekiel. Huwag kang pasaway. Magpahinga ka na”
“Hindi pa po ako inaantok Ma eh”
“Kahit na. Magpahinga ka na sa kuwarto mo. Gabi na”
“Haay. Okay po” sabay ligpit ngmga kalat niya sa center table at tumayo.
“Ops. May nakalimutan ka pa”
“Ano yon?”
“Saan ang kiss ni Mama?”
“Ma naman eh. Matanda na ako oh.”
“Kahit na. Ikaw pa din ang baby boy ko”
“Ma naman eh”
“Sige na Zeek. Kiss na si Mama sa cheeks” habang palapit ang pisngi ni Vivian sa mukha ng anak. Walang magawa si Zeek at hinalikan na lamang ang pisngi ng ina. “Good boy. Naglalambing lang ang Mama mo, Zeek. Simula nung nagka-girlfriend ka, hindi mo na ako pinapansin eh”
“Nagtatampo ka ba Ma?”
“Hindi ako nagtatampo. Namimiss ko lang yung mga yakap at halik ng anak ko noon”
“Si Mama. Nagsesenti”
“Hindi noh. Pero masaya ako na siya ang naging girlfriend mo, anak. Mabait siyang babae at maaalahanin”
“Oo nga Ma eh. Swerte talaga ako kay Hazel”
“Kaya huwag na huwag mo na siyang pakakawalan Zeek. Gusto ko siya na ang mapapangasawa mo”
“Asawa agad Ma??”
“Oo. Bakit? Ayaw mo ba na siya ang magiging asawa mo??”
“G-gusto…pero mga bata pa kami eh. 22 pa lang kami”
“Ano naman ngayon?” sagot naman ni Vivian “Isang semester na lang magtatapos na kayo sa college”
“Kahit na Ma. Hindi ko pa iniisip yan eh”
“E ano ang plano mo sa relasyon ninyong dalawa ni Hazel?? Wala lang??”
“Magpapakasal siyempre. Pero hindi pa nga ako handa diyan Ma” paliwanag ni Zeek sa ina “At isa pa, wala pa akong trabaho”
“Edi maghanap ka pagkatapos niyong magpakasal”
“Hay. Mama naman. Bakit ka ba nagmamadali?”
“Wala lang. Gusto ko lang makita ang apo ko habang buhay pa ako”
“Hayy. Huwag kang mag-aalala Ma. Makikita mo din ang magiging apo ninyo sa lalong madaling panahon”
“Promise yan ha??”
“Promise.” ulit ni Zeek “Sige po Ma. Pasok na po ako sa kuwarto ko” sabay alik sa pisngi ng ina.
“Goodnight anak. I love you”
“I love you din Ma. Goodnight”
Itutuloy…