Chapter 7 (Unang Araw)

2517 Words
Maagang gumising si Zeek sa kanyang unang araw The Deluxe Suites Hotel bilang isang student intern. Alas-singko pa lang ng umaga ay nagising na siya at naghanda na para sa alas-siyete ng umaga niyang duty. Dumating siya sa hotel dakong alas-sais y medya ng umaga at kaagad dumerecho sa locker ng mga empleyado. Nakita niya doon ang isang lalaki na nag-aayos ng sarili. “OJT ka brad?” tanong niya sa lalaki “Ahmm. Oo. First day ko ngayon eh” “Talaga ba? Ako din eh. First day ko ngayon” sagot naman ni Zeek “Saan ba assignment mo?” “Sa Function” sagot nito “Ikaw ba?” “Sa Function din ako” “Talaga? Tamang-tama. Magkasama pala tayo” sabay abot niya sa kanyang kamay “Ako nga pala si Owen Manlapaz” “Zeek Lacsamana” at tinanggap niya ang alok ng isa na makipagkamayan “So, tayo na?” “Sige” naunang lumabas si Zeek ng locker room. Sa pagtangka niyang pumasok sa loob ng hotel, pinigilan siya ni Owen “Zeek. Hindi ka pa nakapag-time-in” Lumingon naman siya sa sinabi ng kasama “Time-in? Saan?” “Dito” at napatingin ito sa bundy clock “Mag-time-in muna tayo dito bago ka pumasok diyan. Para marecord ang oras mo” “Ha? Talaga? Hindi ko alam yan ah” sabay lapit niya kay Owen “Teka, saan mo ba yan nakuha?” “Ang ito?” sabay wasiwas ng time card na hawak niya “Binili ko” “Ano? E, meron ka pa ba diyan?” sambit nito “Hindi ko kasi alam na may ganyan pala eh” “Talaga?” sambit ni Owen habang nagtungo siya sa kanyang bag at kinuha ang ekstrang time card niya at kaagad siyang bumalik kay Zeek at inabot ito “Oh. Pasalamat ka na may meron akong extra. Bigay ko na ‘to sa’yo” “Talaga? Salamat talaga, brad” ngiti ni Zeek “Don’t worry, babayaran kita oras na magkapera ako” “Naku ‘wag na, Zeek. Hindi na kailangan. Sa’yo na yan” tanggi nito “Sige na, brad. Pumasok na tayo” “Sige” Kaagad nga silang nag-time-in sa bundy clock at pumasok sila sa hotel para magsimula na sa kanilang duty. *** Alas-tres na ng hapon nang matapos ang kanilang unang araw bilang intern sa The Deluxe Suites Hotel. Nakakapagod ang buong araw ni Zeek at gusto niya nang umuwi sa bahay at magpahinga. Nang pagpasok niya sa locker room ay nakita niya si Owen na nandoon na din at nakaupo sa isang silya. Hindi makagalaw dahil pagod na pagod din sa unang araw nila. “Brad. Out mo na?” bati ni Zeek kay Owen. Napasulyap naman ang isa habang masarap ang kanyang pagkaupo sa silya. “Oo eh. Ikaw ba?” “Yup. Kakababa ko lang” “Ganun ba?” sagot nito “Kung gusto mo, sabay na lang tayo umuwi” “Sige ba” sagot naman ni Zeek “Pero sandali lang brad. Magbibihis muna ako” “Sige brad. Take your time” dugtong naman ni Owen habang nakaupo pa rin “Nagpapahinga pa naman ako dito eh” “Sige” ngiti ni Zeek sa kanya Lumipas ang ilang mga minuto ay natapos ding magbihis si Zeek. Bumalik ang sigla ng mukha niya dahil naka-freshen-up na ito at nakabihis ng bagong damit. Nakita ni Owen na tapos na ang kanyang hinihintay, kaagad tumayo ito sa upuan at para sabay nga silang uuwi. “Kamusta pala duty mo, Brad?” tanong ni Zeek sa kanya habang naglalakad sila palabas ng complex. “Nakakapagod, brad” buntong-hininga ni Owen “Lalung-lalo na kapag nagbubuhat tayo ng mga malalaking lamesa papasok ng Function Room at mag-aayos ng table cloth. Hindi ko pala alam na ganito pala kahirap. Parang gusto ko nang sumuko eh” “Suko agad?? Unang araw pa lang natin ah” “Ewan ko. Ang sama na ng pakiramdam ko eh” sagot nito “Parang hindi na ako papasok bukas” “Grabe ka naman” “Totoo naman eh. Nakakaubos ng lakas” buntong-hininga ni Owen “Ayaw ko na talaga” “Uyy. Huwag kang ganyan, brad” “Nakakapagod na kaya” reklamo pa ni Owen “Hindi ko na siguro makakaya ang ganong klaseng trabaho” “Hmmm. Baka naninibago ka lang” dugtong ni Zeek sa kanya “Alam ko naman ang nararamdaman mo ngayon eh. Pagod na pagod rin ako. Pero magtiwala ka lang sa akin at masasanay rin tayo habang tumatagal” “Sana nga..” buntong-hininga niya. “Trust me. Ito…” at inakbay niya si Owen sa balikat “…isipin mo na lang na ilang mga intern o empleyado ang gustong makapasok dito. Magpasalamat na lang tayo kasi sa dinarami-rami ng mga gustong makapasok dito ay tayo pa. Maswerte pa rin tayo, brad. Kaya cheer-up” “Sige, brad” ngiti ni Owen “Pag-iisipan ko ang payo mo sa akin” hindi nila namalayan na nakarating na pala sila nang labasan ng complex. Naghintay sila kaagad ng masasakyang jeep para makauwi na. Pero habang naghihintay ay may biglang naalala si Owen at tinanong si Zeek tungkol dito “Oo nga pala, brad” sabay tingin niya kay Zeek “Bakit hindi mo alam ang tungkol sa DTR at sa bundy clock? Teka. Sino ba ang nag-orient sa’yo?” “Bakit mo naman naitanong?” “Nagtataka lang kasi ako na hindi binanggit ni Ma’am Noguierra sa’yo ang tungkol sa bundy clock eh” paliwanag ni Owen “Ma’am Noguierra? Sino yon?” “Hindi mo siya kilala? Siya nga yung Head ng HR dito. Siya yung nag-orient sa amin” “Ahh. Siya ba? Hindi ko alam eh” sagot ni Zeek “Si Sir George kasi ang nagbigay ng orientation sa akin” “Ano? Ang may-ari pa mismo ng hotel ang nag-orient sa’yo?” “Oo. Siya nga brad” “Wow” nagulat at namangha ang mga mata ni Owen sa kanyang narinig mula kay Zeek “Paano naman nangyari na siya mismo ang nagbigay sa’yo ng orientation, brad?” “Naku brad. Napakahabang kwento” sagot naman ni Zeek “Ang bilis lang kaya ng orientation namin ni Sir George. Hindi niya nabanggit sa akin ang tungkol doon” “Masyado kasi siyang busy. Kaya siguro hindi kumpleto at minadali niya lang ang pag-oorient sa’yo” “Baka nga..” “Huwag kang mag-alala, brad. Ako na lang ang bahala sa’yo” paniniguro ni Owen sa kanya “Tuturuan kita sa mga bagay-bagay na hindi mo alam sa hotel” “Salamat brad” ngiti ni Zeek. Nakarating si Zeek sa kanilang bahay dakong alas-kwatro y media ng hapon. Nang pagpasok niya sa kanilang tahanan ay nadatnan niyang walang tao ang bahay. Malamang ay hindi pa nakakauwi ang kanyang ina galing sa pagtitinda ng mga kakanin sa labasan. Nagdesisyon na lamang siya na humiga sa maliit na sofa at doon na lang magpapahinga. *** Samantala. Sa The Deluxe Suites. Kakarating lang ni George at ng kanyang Assistant na si Lucas sa kanyang opisina. Habang papasok silang dalawa ay sinalubong sila kaagad ng kanyang asawa na si Bek. “Oh Mahal” sambit ni George sa kanyang asawa. Kitang-kita sa mga mata niya ang gulat dahil hindi niya inaasahan o nagpasabi man na pupunta siya sa opisina “Andito ka??” “Of course I’m here” sabay tingin niya kay Lucas “Bakit? Hindi ba pwede?” “Hindi naman, Mahal. Nabigla lang kasi ako na andito ka sa opisina” inalok niya ng upuan ang asawa at umupo din ito sa kanyang pwesto. Samantala si Lucas naman ay nakatayo pa rin at nakatitig sa selosang asawa ni George “Kanina ka pa?” “Oo. Kanina pa” sagot nito na parang mainit ang ulo “Kanina pang umaga” “Umaga pa?” ulit ni George “E bakit hindi ka na lang sumabay kanina sa akin?” “Gusto ko lang naman na sorpresahin kita, Mahal. Kaya hindi ko pinaalam sa’yo na pupunta ako dito” at tinignan niya si Lucas “Magkasama pala kayo ng Assistant mo buong maghapon?” “Ha? Oo Mahal” sagot niya na parang nag-iisip siya ng pwedeng i-dahilan “Ahmm. Naghahanap kasi kami kanina ng pwedeng tayuan ng bagong hotel natin” “Bagong hotel??” ulit ni Bek “E bakit hindi ko alam yan? Hindi mo naman sinabi sa akin na kailangan mo ng kasama. Naistorbo mo pa ang Assistant mo” tingin uli ni Bek dito. “Biglaan lang kasi Mahal. Kanina ko lang napagdesisyunan” paliwanag pa nito “Pero hindi pa solid ang mga desisyon ko. Kailangan ko pa ng approval ng Board” “Well. Sana ma-approve ng Board ang gusto mo, Mahal” sabay abot ng kamay niya sa kamay ng asawa na nakatungtong sa mesa “Pero maraming pera ang kailangan yan. Sigurado ka ba diyan?” “As I said. Wala pang approval ng Board” sagot ni George “Pero kampante ako na sasang-ayon sila sa gusto ko. And this is an investment. Malaki ang mabawi natin kapag tatayo uli tayo ng isa pang hotel” Napangiti na lang si Bek sa paliwanag sa kanya ng asawa dahil mali pala ang kanyang akala. Umarte na lang ito na parang walang nangyari “Sige Mahal. Kung ano man ang magiging plano mo sa hotel ay susuportahan ko” “Salamat Mahal. Alam ko naman na that you will support me” “Oo naman. You’re my husband” at sumulyap muli siya sa Assistant ng asawa at ngumiti. Umirap naman ang mga mata ni Lucas dahil alam niya na nagdududa ang asawa nito sa kanya kahit hindi niya sinasabi “Mahal. Alis na ako ha” “Ha? Aalis ka kaagad?” at tumayo muli silang dalawa “Oo Mahal. Kanina pa kaya ako nandito. Kailangan ko nang magpahinga” paliwanag ni Bek sa asawa “Pagod na pagod na kasi ako, lalung-lalo na ang magiging baby natin” ngiti lamang ang sinagot ni George at hinalikan niya si Bek sa labi “Sige. Alis na ako. Mahal. See you later” “See you later, Mahal. I love you” “I love you too” sagot din nito. Tuluyan na ngang lumabas si Bek sa opisina habang masaya ang mukha nito. Nang pagkalabas ni Bek sa opisina ay huminga sina George at Lucas ng maluwag. Parang may nabunot na matalim na bagay sa kanilang dibdib. “Muntik na tayo dun Sir ah” sambit ni Lucas “Kinabahan ako doon” “Oo nga eh” sagot naman ni George “Mabuti na lang at nakagawa ako ng dahilan” “E pano yan? Yung ‘PROJECT’ na sinabi mo kanina? Totohanin mo ba yon?” “Don’t worry, Lucas. Totoo ang sinabi ko kanina sa kanya. Napaghandaan ko na ang mga dahilan ko” sabay lapit niya sa kanyang Assistant at hinalikan ito sa labi “Basta ang pinaka-importante sa ngayon ay maging masaya tayong dalawa… at hindi niya tayo mabisto. Alam mo naman kung paano magalit iyon” halik niya sa leeg ni Lucas. “Oo nga eh. Parang tigre magalit” sagot nito “Hindi mo ba nakita ang ginawa niya sa akin kanina? Pinapainis niya ako at pinariringgan” “Huwag mo nang pansinin ang mga ginawa niya. Baka kasi kung magrereact ka pa, magdududa pa siya lalo na may ginagawa tayong dalawa. Just act normal, okay?” “Sige” sagot ni Lucas. “Good. Sige na Lucas” sabay alis niya sa harap ng Assistant at umupo sa kanyang upuan “Bumalik na tayo sa trabaho. Pwede ka nang lumabas” at tumingin muli ng malagkit sa kanya “Basta mamayang gabi na naman dito sa opisina ko” “Okay Sir. I can’t wait” kagat niya sa kanyang labi. *** Samantala. Bandang alas-siyete na ng gabi nakauwi ng bahay ang ina ni Zeek na si Vivian. “Oh Ma” sambit ni Zeek sa ina habang naghahanda siya ng hapunan “Andito ka na pala. Kamusta lakad mo, Ma?” “Ito. Pagod na pagod sa pagtitinda ng mga kakanin” sabay upo sa sofa habang minamasahe ang kanyang balikat at mga paa “Ikaw anak? Kamusta na pala ang unang araw mo sa Deluxe Suites?” “Ayos lang naman po, Ma. Naninibago lang yung katawan ko sa trabaho” sagot ni Zeek sa ina “Pero masasanay din po ako” “Oo anak. Sa simula lang naman yan” “Pero naalala ko yung kasama kong intern Ma” dugtong ni Zeek “Bakit? Anong nangyari anak?” Sinimulan niya nang ikuwento sa ina ang tungkol kay Owen “Napagod din siya sa unang araw namin kanina. Pero titigil na daw siya at hindi na daw papasok bukas” “Ganon? E paano naman matatapos ang pag-aaral niya kung ganon lang din ang ugali niya?” sagot ni Vivian na parang nagagalit sa kwinento ng anak “Hindi niya naman sineryoso ang kanyang pag-aaral? Sayang naman ang pinapaaral sa kanya ng kanyang mga magulang” “Ma… kalma ka lang, okay?” ngiti ng anak sa kanya dahil naiinis na si Vivian “Kwinento ko lang sa’yo ang tungkol sa kanya. Huwag OA” “Nakakainis kasi anak eh. Sayang. Isang step na lang bago siya makatapos ng college” “Hayaan mo na Ma. Sinabihan ko naman siya kanina eh” dugtong ni Zeek “Pero ako, Ma. Hindi ako susuko. Umpisa pa lang ito sa mga pangarap ko” “Masaya ako para sa’yo, ‘nak” ngiti ni Vivian sa anak at proud na proud ito sa kanya “Malapit na talaga” “Oo Ma. Konting tiis na lang po at makakamit ko na ang pangarap ko at pangarap ko sa ating dalawa” “Napakaswerte ko talaga sa anak ko” habang nilapitan niya si Zeek at niyakap ng mahigpit “Ano ang ginawa ko para makaanak ako ng ganitong kabait” “Ma naman. Nag-drama ka na naman eh” “Hindi naman Zeek. Naalala ko lang kasi kanina ang kwinento mo sa akin” sambit niya sa anak “Hindi talaga kasi ako mapakali na may ganyang klaseng bata. Hindi marunong magtanaw ng utang na loob sa paghihirap ng kanilang magulang. Kaya ikaw. Huwag na huwag kang gumaya sa kanila ha? Tapusin mo ang inumpisahan mo para makapag-graduate ka na… at makahanap ng matinong trabaho” “Oo naman Ma” ngiti niya sa ina “Iyon nga ang pangarap ko at kung may marami na tayong pera, lilipat na tayo sa magandang bahay” Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD