Chapter 3 (Ang Pagkikita)

2074 Words
Napalunok na lamang si Mr. Rodgers sa kuwento sa kanya ng asawa ni George. "Kaya wala nang tao o hayup na bakla pa ang makakasira sa relasyon namin, Lalung-lalo na ngayon dahil mag-asawa na kami" at tumingin si Bek sa lalaki "Kaya pag-isipan mo ng mabuti ang susunod mong galaw sa asawa ko. Baka ikaw ang isunod ko sa baklang yon" Napatawa na lang ng malakas si Mr. Rodgers sa banta ni Bek "Mrs. Salcedo. Pinapatawa mo ako" "I'm not joking. Totoo ang mga sinasabi ko. Stay away from my husband baka ano pa ang magawa ko sa'yo" dugtong nito "Mag-ingat ka" "Well. Lahat ng mga sinasabi ay pawang nakakatawa, Mrs. Salcedo" sagot nito "At talagang naisip mo na aagawin ko sa'yo ang asawa mo?? You are so funny. For real?? Meron pa talagang taong katulad mo??" nagpabuntong-hininga ang lalaki na kasama niya sa mesa at parang nagagalit na ito sa mga paratang sa kanya "Alam mo, narinig ko na ang klaseng pambabanta na yan at hindi na ako natatakot" "Narinig mo na? So ang ibig sabihin ay may iba ka pang lalaki na may asawa na nilandi mo bago ang akin?" habang nakangiti ito na parang naiinis kay Mr, Rodgers "Hindi ko aakalain na ganyan ka pala kababa ang moral mo, Mr. Rodgers. Tinagurian ka pa naman na pinakamayaman na negosyante sa Pilipinas pero ganito pala ang ugali mo?? Isang homewrecker??" Napangiti na lamang si Mr. Rodgers sa mga pang-iisulto nito "Mrs. Salcedo. Kung ano man ang problema ninyong mag-asawa, please lang. Huwag ninyo akong idamay diyan dahil meron akong sariling problema na mas makabuluhan pa diyan" at nakatingin lamang si Bek sa kanya "Kung iniisip mo na isa akong homewrecker, well, wala na akong rason para depensahan ang aking sarili dahil hinusgahan mo na ako. Hindi mo alam kung ano istorya ng buhay ko para husgahan mo ako ng ganyan. You never there para saksihan ang totoong nangyari sa buhay ko. Kaya huwag mo akong paandaran sa mga hugot at kapraningan mo sa buhay, katiting lang yan sa mga nangyari sa buhay ko" "Ano ba ang pinagyayabang mo?? Yang yaman mo??" balik ni Bek pagkatapos ng ilang segundo na pananahimik "Mawawala din yan at hindi mo maisasama sa pagkamatay mo ang mga yaman mo" "Speaking of DEATH. Hindi mo ba alam na merong babae na namatay dahil sa kapraningan niya?? Siya rin mismo ang nagdala sa kanyang sarili sa mismong kamatayan niya dahil marami siyang maduduming naiisip sa amin ng asawa niya. Kaya ayon, namatay ang babae" sabay tingin ni Mr. Rodgers kay Bek mula ulo hanggang paa "Kaya ikaw, ikaw ang mag-ingat, Mrs. Salcedo. Dahil baka ikaw ang sumunod sa kanya" Tumayo si Mr. Rodgers sa upuan dahil gusto niya nang umalis doon na kasama ang babae. Sakto din na nakabalik si George mula sa banyo. Nagtaka ito dahil tumayo ito na naiinis ang mukha. "Mr. Rodgers? Where are you going?" "Wala. Pupunta lang ako sa banyo" Nagdesisyon agad si George na dumerecho sa kanilang upuan. Nakita niya ang kanyang asawa na nanginginig sa galit at takot. "Mahal. Okay ka lang?" "Yeah. I'm okay" sagot ni Bek. "Are you sure? Parang hindi eh" habang hinimas niya ng likuran ng asawa. "Honestly?? Hindi" "Ha? Bakit naman, Mahal?" "Ikaw. Kayo!" sigaw ni Bek. Nagtinginan ang mga tao sa kanilang dalawa dahil sa ingay "Rebecca" saway ng asawa niya sa kanya "Huwag naman dito. At ano naman ang ibig mong sabihin na ako?" "Bakit hindi mo sinabi sa akin na naging kayo pala ni Mr. Rodgers?" "E matagal naman yun ehh. Nung high school pa kami. There's no big deal about it" "Sa'yo siyempre wala. Pero sa akin na asawa mo, meron" dugtong ni Bek "Magsabi ka nga ng totoo, George. Kayo pa rin ba hanggang ngayon?" "Ano?? Saan naman yan nanggaling?? Bek. Pwede ba? Pati siya ay pinagduduhan mo? Ano ka ba naman?? Huwag dito" habang nilibot niya ang kanyang paningin "Tinitignan na tayo ng mga tao" "E siya kasi eh..." "Anong siya?? I know na bisexual yun si Mr. Rodgers pero may asawa na yon Bek." tanggol niya sa lalaki "At wala akong plano na maghanap uli dahil may asawa na ako. At ikaw yon" Nahimasmasan naman si Bek sa paliwanag sa kanya ng asawa at kaagad niya itong niyakap "Sorry Mahal. Hindi ko talaga alam na may asawa na siya. Sorry talaga. Natatakot lang ako na mangyari ulit noon sa atin" Naawa si George sa asawa at niyakap niya din ito "Yun ang problema mo Mahal eh. Sana alamin mo muna ang lahat bago ka magreact" sambit ni George "Iyan ba ang dahilan kung bakit siya umalis dito?" "Oo" tanging sagot nito "Pero sorry na, Mahal. Hindi ko talaga alam. Sana mapatawad mo ako" "It's okay. Naiintindihan naman kita kung bakit mo ginawa iyon. Pero sa susunod ay alamin mo muna lahat, okay?" "Oo Mahal. Sorry talaga" ulit ni Bek "Mahal, favor naman oh" "Ano yon?" "Tulungan mo naman ako na kausapin si Mr. Rodgers. Hihingi lang ako ng tawad sa kanya" "Sige. Hahanapin natin siya mamaya at hihingi ng tawad sa ginawa mo" pagsang-ayon ni George "Basta tatandaan mo na hinding-hindi na mangyayari iyon, okay? Pangako. Please naman. Magtiwala ka sa akin" Tahimik lang si Bek habang umiiyak at yakap-yakap ng asawa. *** Samantala Naghahanda si Zeek para pumunta sa The Deluxe Suites Hotel para asikasuhin ang kanyang application doon.Mag-isa lang siya pupunta sa hotel para mag-submit ng kanilang resumé ng kanyang kaklase. Dalawa lang sila kasi ang mag-papracticum doon dahil karamihan ng kanilang mga kaklase ay doon sa Boracay. Pumasok siya sa lounge ng hotel na hawak-hawak ang folder na may laman ng kanilang resumé. Kinakabahan siya dahil baka hindi sila matanggap bilang On-the-job Trainee doon. Mapili kasi sila sa pagpili ng mga magtetraining, lalung-lalo na sa mga mag-aapply ng trabaho sa kanila establishment. Hindi na lamang inisip iyon at dumerecho siya kaagad sa front desk ng hotel. Bumungad sa kanya ang isang napakatangkad at napakagandang babae na nakatayo at nakangiti sa kanya. "Good Morning, Sir. Welcome to The Deluxe Suites Hotel" bati ng babae sa kanya "How may I help you?" "Ahmmm. Miss, magsusubmit po sana ako ng resumé" sagot naman ni Zeek "For practicum" sabay abot niya ng kanilang resumé. Kinuha naman kaagad ng babae ang inabot ni Zeek habang nakangiti, sabay tingin at basa dito "Ahmm. Wait lang po Sir ha. I'll just inform the H.R. Department kung ano po ang status ng application niyo ha" "Ay hindi Miss. Nag-aapply pa lang po kami ng classmate ko." "Opo Sir. Pero nagsubmit na ang Adviser niyo po dito ng application letter tungkol sa inyong dalawa" "Ahhhh." sambit lamang ni Zeek "Sige Miss. Salamat" "Umupo lang muna kayo sa couch, Sir" Kaagad namang pumunta sa sofa si Zeek at umupo doon. Naghintay siya ng tawag ng babae na pinaalam niya sa HR ang tungkol sa kanilang application. Ilang saglit lamang ay dumating ang isang maposturang babae. Siguro nasa late 30's ang kanyang edad. Namangha siya sa kanyang nakita, malamang siya na ang Head ng HR Department. Nag-uusap sila ng babae kanina sa front desk at tila may tinatanong at para siya ang kanilang pinaguusapan dahil panay tingin ang babaeng postura sa kanya. Lumapit ang babae sa kanya at kaagad naman tumayo si Zeek. "Ikaw ba ang mag-aapply for practicum?" matigas na tanong nito. "Ahhm. Yes, Ma'am. Ako po... at yung classmate ko" Sabay sulyap ng babae sa bandang likuran ni Zeek na kung may kasama nga ito. "I don't see anyone, except you" sambit nito. "Sorry po Ma'am. Ako lang po talaga ang pumunta dito" "And why is that?" sabat niya kay Zeek "Nasaan ang kasama mo?" "Kasi may emergency po yung classmate ko eh" paliwanag ni Zeek "That's why hindi siya nakasama dito ngayon" "Emergency...??? Are you kidding me?? Nag-aapply kayo sa isang Five-star hotel at tapos hindi kayo magpapakita??? That's slothful" "Po...??" "My God! Ang sabi ko... napakatamad niya..." paliwanag pa niya "Hindi ko kayo maiintindihan, late na nga kayo sa pagsa-submit ng resumé ninyo, hindi pa kayo kumpleto. Naglolokohan ba tayo dito?" "Hindi naman po sa ganun, Ma'am. May emergency lang po talaga" "At talaga sumasagot ka pa noh??" "Sorry po..." sabay tingin niya sa sahig. "Sorry din pero hindi namin matatanggap ang application ninyo." "Bakit po, Ma'am?" "Because of your attitudes." "Ma'am please. Kailangan ko po ito" "Then maghanap ka ng iba, Mr. Lacsamana. I'm sorry" pagmamatigas ng babae "Ngayon pa lang ay alam ko kung ano ang magiging performance ninyo dito" "Ma'am. Nagmamakaawa ako" sabay hawak sa braso ng babae. "Ano ba??!! Don't touch me" sigaw niya GUARD!!" Kaagad naman pumunta ang guard na nakatambay sa pintuan "Yes Ma'am?" sulpot ng guard "Anong 'yes ma'am, yes ma'am'? sabay tingin ng babae sa guard "Ilabas mo ang taong yan!" Hinawakan at hinila ng guard si Zeek palabas ng hotel. Maraming nakatingin na mga tao sa nangyayari sa lounge dahil sa kanilang ginagawa. "Stop that! Ano yan??" napatingin ang mataray na babae sa lalake na lumabas mula sa elevator. "George" sambit ng babae. "Bek, ano na naman ba 'to??" sambit niya sa babae "Ano yan?" "Eto kasing batang 'to. Napakabastos" "Bakit? Ano ba ang ginawa niya sa'yo?" "Hinawakan ako sa braso ko." "O tapos...?" "Nagmamakaawa kasi siya na tanggapin ang application nila dito na magpapracticum. Pero wala ang kasama niya daw. Absent. Tapos sumasagot siya naman sa akin" "Hindi po ako sumsagot,Ma'am. Nagpapaliwanag lang po ako" dugtong ni Zeek. "O kita mo, George. Sumasagot pa din" Matagal matapos makasagot si George sa sinasabi ng kanyang asawa "Sige na guard. Bitawan mo na ang batang yan. Ako na ang kakausap sa kanya" sabay tingin kay Zeek. "Pakidala na lang siya sa opisina ko" utos niya sa guard. "But, George" sambit naman ni Bek. "Ako na ang bahala sa kanya, Bek. Salamat sa ginawa mo" "George..." "Tumahimik ka na. Mag-uusap pa tayo mamaya. Namumuro ka na sa akin" pambabanta ni George sa asawa. Tumalikod siya sa kanyang asawa at sumunod sa guard at kay Zeek. Nang pagdating doon sa opisina niya ay kaagad niya itong pinaupo sa bakanteng upuan. Umupo din naman si Zeek at ganun din si George. "Sorry about what happened" sambit ni George sa kanya. "It's okay po, Sir. I understand. Tama din naman siguro si Ma'am dahil sumasagot ako sa kanya eh. Pinagtatanggol ko lang naman ang kaklase ko, na hindi siya nakasama dito sa akin dahil may emergency po siya" "Ganun ba??" sabay hinga ng malalim si George "Ano ba ang sinabi niya?" "Tamad daw po siya." Muli siyang nagbuntong-hininga sa narinig niya sa bata. Hindi niya talaga maiintindihan ang kanyang asawa, parang umiba na ang kanyang ugali pagkatapos ng kanilang honeymoon. "Hayaan mo. Ako ang kakausap sa asawa ko. By the way, what's your name?" "Ezekiel Lacsamana po, Sir. But you can call me Zeek" "Ahh. Good to know you, Zeek. I'm George Salcedo. The owner of The Deluxe Suites Hotel" Kaagad naman tumayo si Zeek at kinuha ang kamay ni George at kinamayan niya ito. "Naku po Sir. Nice meeting with you po." "No need to do that, Zeek. Sige na. Umupo ka na" bumalik at umupo naman kaaagad ito sa kanyang upuan. May kinuha siyang grupo ng mga papel mula sa kanyang mesa at binasa niya ito. Napansin kaagad ni Zeek na ang binabasa pala ng Sir George niya ay ang kanilang resumé "Ahmm. Tungkol sa application ninyo, Zeek." "What about it, Sir?" sabay lunok ng kanyang laway na tila kinakabahan sa sasabihin ng may-ari. "Well. Looks promising. Pero kailangan pa natin idaan sa mga screening ang application ninyong dalawa bago kayo makapag-start dito" "But Sir. I'm still applying for practicum, not a job" "Exactly, Zeek. Hindi kami basta-basta nagpapasok kung sino-sino lang" sagot naman ni George. "This is a five-star hotel, and we need excellent workforce" "Okay po, Sir. Sorry, Naiintindihan ko" sabay tingin sa kanyang sapatos. "Good. Well, bumalik kayo dito bukas for an interview" "Okay po Sir. Salamat talaga sa pagbibigay ng chance" "No worries, Zeek." "Pero paano yung kaklase ko? Baka hindi siya makarating bukas?" "And it's his lost. Binigyan ko na kayo ng chance, don't waste it" "Sige po Sir. Salamat talaga" tumayo kaagad si George at ganun din si Zeek. Nagkamayan silang dalawa ng napakatagal. Parang may nararamdaman si George na init sa kanyang katawan habang hinawakan ang kamay ni Zeek. Napansin naman ito ni Zeek at kaagad inalis ang kanyang kamay "Sige po, Sir. Thank you ulit" "See you tomorrow, Zeek" Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD