Kabanata 5

1168 Words
!errors ahead! Hiraya's Pov Napabalikwas ako ng bangon, malalim din ang pag hinga ko. Ramdam ko ang malakas na hangin na pumasok sa kwarto ko na nag mula sa nakabukas na bintana. Napapikit ako at may tumulo naman sa pisngi ko, agad ko itong pinunasan pero laking gulat ko na kulay pula ito. Napakagat ako ng labi habang tinititigan ang kulay pulang luha na nilabas ng mata ko. Tanging ang pag ikot ng orasan lang ang ingay na bumabalot sa buong kwarto. Tinignan ko naman kung anong oras na, at nakita kong alas tres palang ng madaling araw. Tuluyan nakong umalis ng kama at pumunta sa veranda, sumalubong naman ang malakas na ihip ng hangin dahilan para mapapikit ako. Unang napukaw ng atensyon ko ang malaking buwan. Dalawa ang buwan sa mundong to pero yung isa ay parang reflection lang nung isang buwan. Sobrang dami ding stars ngayon na kinatuwa ko. Madalang nalang kasi akong makakita ng stars noon sa lugar ng mga mortal. Huminga ako ng malalim ng maalala ko nanaman si mama. Hindi ko naman mapigilang mapaluha, alam ko kung gaano kapait ang tadhana sakanya at diko matanggap na ganon pa ang dinanas nya sa mga tao. Masyadong pinag kaitan ng kaligayahan ang mama ko hanggang sa mamatay ito ngunit lagi nyang sinasabi na huwag akong mag tatanim ng galit kahit kanino. Masyadong mataas ang pag asa nya sa tao, dahil hindi nya iyon nabigay sa kaisa isang taong importante sakanya. Napapikit nalamang ako at diko namalayan na nakatulog pala ako don sa veranda, nagising nalang ako dahil sa yugyog ni freya. "Ano kaba malalate na tayo jusq! First day ngayon ng BR! Bat dikapa bihis?!" Nag papanic na suhestyon ni freya at agad na nag labas ng mga damit mula sa aparador ko. Napatingin ako sa wrist watch na soot ko at nakitang mag a-alas otso na pala. Dikona pinatulan yung panenermon ni freya dahil nonstop sya kung manermon, dumeretsyo nalang ako sa banyo at mabilisang naligo. Sinoot kona rin yung damit na nilabas ni freya at agad kaming lumabas ng dorm. Ni hindi ako nakapag suklay! Halos wala ng studyante dahil malamang ay nasa arena na ang lahat. "Ano bayan! antagal tagal nyo na nga tas dikapa nakapag suklay?!" Bungad samin ni kaze na nag aantay pala sa labas ng girls dormitory. Napairap nalang ako dahil doon at nag unahan pa kaming makapunta ng arena. Pag dating namin hindi namin alam kung saan kami pepwesto dahil andaming tao! Kanina muntik pa kaming di makapasok dahil andaming nakaharang sa entrance ampochi. Hay wala paman din akong breakfast mananalo kaya ako mamaya? Mukhang mag kakatotoo yung asar nilang dalawa sakin nung nakaraan tsk! Ako ata talaga maiiwan sa menial. "May suklay kaba?" Pabulong kong tanong kay freya dahil nag o-opening prayer. Grabe nai-imagine ko ang itsura ko ngayon. mukha akong witch na kulang sa tulog at walang kain. Sinenyasan nya ako ng mamaya kaya tumango nalang ako. "Okay Good Morning students!" Masayang bati ni HM saming lahat, dumagundong naman ang buong arena dahil doon, at natawa naman si HM. "haha Excited naba kayo?" Iba't ibang sagot naman ang natanggap nito mula sa crowd. Hindi naman ako nakisali dahil busy ako sa pag suklay nitong buhol buhol kong buhok. "Aray!" Tinignan ko yung babaeng nasagi ko dahil natamaan ko kakasuklay ng buhok. Nag peace sign nalang ako pero ansama padin ng tingin nya sakin. Balasyadyan kung badtrip sya badtrip din ako. Char! Gutom na kasi talaga ako huhu. "Sorry hehe." "Okay for inferiors to Superior class alam nyo naman na siguro kung ano ang mechanics ng BR?" Nag si sangayunan naman ang inferiors at superiors, ngayon ko lang napansin na hati pala sa apat ang crowd at iyon ay ang menials, inferiors, noble and superiors. Di ko tanaw masyado yung nasa unahan dahil malabo ang mata ko at anlayo namin don! Andito kami sa taas ng bleachers at nakikihalo sa ibang menials. Mga naka soot sila ng cloak at buti nalang dinala din ni freya yung akin hehe. Diko naman alam na required pala to dalhin hmp. Pinaliwanag naman ni HM kung anong meron sa BR. Ang BR ay nahahati sa tatlong fight, iyon ang fight against your own class, which means class to class second is fight against other class but magiging Menial vs Inferiors and Nobles vs Superiors lang ang labanan lastly ang random fight kahit sino ay pwede mong makalaban sa round nato, and bawal gumamit ng magic literal na physical 1on1 ang round nato. Pero random lang din ang lalaban kaya swertehan nalang, pero kung sino ang mananalo don ay mag kakaron ng karagdagang 40 points. big help nadin yun para sa mga gustong mag pataas talaga ng ranks. Mato-total lang ang lahat ng points after ng BR week kaya hanggang matapos ang labanan kahit mataas man ang points na nakuha ng isang studyante mag sstay lang ito kung ano ang current nyang class at mapapalitan lang iyon after ng BR. At dahil monday ngayon kaming menials ang unang sasabak sa entablado. nag silabasan naman ang mini screen sa bawat sulok ng arena, may lumabas din sa harap ng class namin at ganon din sa iba. Unti unti namang lumubog yung entablado kung nasan si HM kanina at unti unting nag kakaron ng barrier sa pagitan ng bleachers at kung saan mag lalaban. Parang nangatog naman yung binti ko kasi kitang kita pala kami walang takas dahil andaming screen na nakakalat sa arena. My anxiety could never. Pero gutom na talaga ako huhu. "Uy may pag kain kaba?" Mangiyak ngiyak nako dito habang yinuyugyog si freya, napailing iling naman ito kaya tumingin ako kay kaze. Nakatayo kami ngayon at ang weird naman ng posture ni kaze para syang statue kasi hindi man lang sya gumagalaw. Kinumpas ko naman ang kamay ko sa harapan nito at hindi man lang sya kumurap. "Hoy anyare sayo para kang nakakita ng demonyo" hindi nya ako pinansin na kinataka ko. Hay bahala nga sya dyan. "Kinakabahan ako huhu at gut-" "SAME!" nagulat naman ako ng sabay na sumigaw yung dalawa kaya napatingin samin yung ibang studyante na malapit saamin. Kaya naman pala mga di nag sasalita tong dalawang to tsk tsk. "Naknang required ba kasi talaga yang tv screens?" Nanlulumong ani Kaze habang dinuduro duro pa yung screen na nasa harap namin. Meron ng nag lalaban sa gitna, yung isa is telekenesis ang power while yung isa is teleportation, more on physical fight tuloy ang nangyayare with a twist. Naramdaman ko naman napahawak sakin si freya at anlamig sobra ng kamay nya na may halong pawis kaya agad kong inalis iyon at pinunasan. "Hoy kadiri ah" Inirapan naman ako nito. "Baket di kaba pinag papawisan?" nakataas kilay pa nitong tanong. Tinaasan ko din ito ng kilay, aba gutom ako ngayon baka guputin ko yang kilay nya. "Syempre nag papawis! ito oh" Pinahid kopa sakanya yung pinag papawisan ko ding kamay at napa yuck nalang sya doon oh kita mo nakakadiri diba? tsk tsk. ==
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD