Kabanata 4

1295 Words
Hiraya's pov Apat na araw na ang nakalipas simula ng mag transfer kami dito. Sabado na bukas at pwede kaming lumabas ng academy, pero napag pasyahan naming sakana nalang mag libot since next week na magaganap ang battle royale. Kailangan na naming mag training though panay training naman kami nitong mga nakaraang araw dahil pinag hahanda talaga kami ng mga profs. "AaaAhh!!!" Napatayo naman ako sa gulat ng marinig ko ang malakas na sigaw ni eya sa labas. "Hoy ano ba- Hala!!" nanlaki naman ang mata ko ng makitang hahampasin na ni eya yung maliit na itim na pusa. Agad naman akong nag slide pababa at pinigilan ito sa gagawin. Kabado naman akong napatingin kung natamaan ba nung walis yung pusa pero nakahinga naman ako agad ng maluwag ng hindi naman pala. whoo muntik nayon! "Ano kaba?!" Malakas na sigaw ko dito after kong mahimasmasan at binuhat na yung pusa. Marahan ko naman itong hinaplos at masamang tinignan si eya at ganon din naman sya sakin. "Kahit kailan talaga linchak yang pusa mo! Bat ba nandito yan?! Mamatay ako ng maaga sa pinag gagagawa ninyo!" Napahinga naman ng malalim si eya after nya akong sermonan at napansin naman naming may mga peklat ng tumutubo sa part kung saan ata sya nadapuan kanina nitong pusa. Tinignan nya muna kami ng masama after nya kamin layasan. Malamang iinom nayun ng gamot para sa malunasan ang allergy nito. Karga karga ko naman si luna paakyat ng kwarto ko at dahan dahan itong binaba sa kama. Unti unti namang kumunot ang noo ko ng marealize ko yung tanong kanina ni eya. Oonga noh? Ano ginagawa dito ni luna? Kaya nga hindi namin sya sinama kasi ayaw na ni eya na hanggang dito sinusundan sya ng allergy nya. "Ano ginagawa mo dito?" wala sa sarili kong tanong. Pero tinitigan lang ako nito kaya napabuntong hininga nalang ako. Ni hindi ko alam kung allowed bang mag dala ng alaga dito. Well exempted naman siguro kung si luna mismo ang pumunta dito ano? Hehe maniniwala kaya sila? Sakana kona iisipin yun sangayon gusto ko nalang mag pahinga dahil bukas malamang sa malamang ay mapapagod kami ng bongga. "Ano yun lang ba kaya mo ha?" Pang aasar ni kaze, sinamaan ko naman sya ng tingin at agad nag pakawala ng atake. Nasalag naman nya agad yon pero dinya inaasahan ang maliit na kutsilyo na hawak ng isa kong kamay "Gulat ka noh?" Napangiti ako habang diparin inaalis ang dagger sa tyan nya. Nag ta-training na kami ngayon at syempre kaming tatlo ang mag kakasama. Halos puno din ang training room kung san kami nag tatrain, mukhang walang lumabas ng academy at talagang pinag hahandaan ang araw ng BR. Iniiwasan naman naming masugatan ang bawat isa pero dipa din mapigilan dahil minsan ay nadadala kami ng emosyon. Wala paman din kaming ka close na healer dine. "Ansama talaga ng ugali mo aya naka tatlo ka sakin ngayon" Nakabusangot na sabi ni freya kaya natawa nalang ako. Nag improve naman si eya dahil natatalo na nya ako ng dalawang beses. Siguro dadalaw nalang kami sa infirmary mamaya. Napag alaman namin na may apat na class pala dito sa academy iyon ang, Menial class, Inferior, Noble, and superior. Meron pang isa pero out na sila sa academy minsan nalang silang napupunta dito dahil mostly panay mission ang ginagawa nila. Hanggang 100 ang level na pwedeng makuha ng isang studyante and wala pang nag po-possess ng ganon kataas na rank. Wala naman sa goal namin ang maabot ang superior class dahil masyadong mataas yun, and syempre andon din ang royals or mas kilala as guardians. Sila naman ang nag po-possess ng around level 90. Wala pa kaming ideya kung sino sino sila pero makikilala din namin sila next week since BR nga. Ang Battle royale naman ay umaabot ng isang buong linggo since napkarami nga ng studyante at maraming ek ek bureche ang gagawin kaya naman puspusan ang training ng lahat. Naalala ko naman si Luna, nasa dorm sya ngayon and mamaya pupunta nalang din ako kay HM at ipapaalam kung pede bako mag alaga ng pusa dito. Syempre di alam yun ni freya hehe magagalit yun malamang. Alas singko na ng hapon bago namin napag pasyahan na tumigil sa training dahil kailangan din namin mag pahinga, tulad ng napag usapan dumaan muna kami sa infirmary para ipagamot yung natamo naming sugat bago kami dumeretsyo sa cafeteria para kumain. Nag babangayan naman yung dalawa habang kumakain at nag tuturuan pa kung sino ang maiiwan sa menial class. "Si aya talaga yun hahaha!" Sabay naman silang nag tawanan at nag apir apir pa. Psh kanina mag kaaway sila tas ngayon tsk! "Una nako" Paalam ko sakanila at umalis nako bago pa sila may sabihin. Pumunta naman ako agad sa dorm at kinuha si Luna.  (a/n: Photo not mine, Ctto. Source: Pinterest) Napapatingin naman yung ibang nakakasalubong ko kay luna pero agad din silang napapaiwas. Cute talaga si luna kung titignan pero hindi ito kayang tagalan ng tingin, lalo na ang mata nya. Ocean blue ito pero mabigat sa pakiramdam pag tinitignan ito. Nadaanan ko yung garden malapit sa office ni HO kaya diko mapigilan mag stop over muna dahil anlakas ng hangin at napansin kong nag aagaw dilim na. May mga nakatambay din dito dahil ang presko talaga. Dumeretsyo naman ako don sa fountain at doon pansamantalang umupo. Ayos din dito ano? Pag stress na si HM sa work tambay lang sya dito at mawawala na agad ang kanyang strezz. Ansarap pa sa tenga yung pag hampas ng tubig nung fountain. Binaba ko naman ang isa kong kamay para mabasa nung tubig, nakakatuwa lang dahil sobrang li— Napasingkit ang mata ko at tinitigan ng maigi ang reflection ko doon sa tubig. Napakalinaw ng tubig pero- Tumingin ako sa tabi ko pero wala naman akong nakitang tao don, tumingin ulit ako sa reflection at nakita ko ang dalawang mukha! what the f?! Nakita ko ang nanlalaki kong mata at tinitigan ang pusang hawak hawak ko. Nag pabalik balik ang tingin ko don sa reflection pati narin kay luna. Muntik pako mapasigaw dahil sa gulat. Diko alam kung epekto lang bato ng pagod o ano pero sa reflection ay anyong tao si luna! At mas maganda sya sakin! Charot ako lang maganda dito. "No." Kanina pako nakabusangot dito sa harap ni HM habang sya naman ay busy sa pag pirma ng kung ano ano. "Pero sino po mag aalaga kay luna? ni hindi konga po alam pano sya nakapunta-" "Kung nakapunta ang alaga mong iyan dito ng mag isa kaya din nyang umuwi mag isa." Napabusangot naman ako dahil don. "Eh hindi konga po alam paano ko sya mapapauwi psh." Dikona mapigilang mainis kasi ang kulit ni HM kanina pa kami dito at ganon lang ang cycle ng argument namin susko! "Alright then iwan mo muna saakin si luna, and after ng BR ay maari naman kayong makalabas ng Academy at ikaw na mismo mag uwi kay luna." Napabuntong hininga nalang ako. Well mas okay nga naman yun, siguro naman aalagaan ni HM si luna ng maayos ano? Tinignan ko muna si HM at ganon din naman sya sakin. "Okay fine" Napailing nalang si HM after ko sabihin yon. Binigay ko naman sakanya si Luna na syang kinagulat nya. Oh baket kala koba aalagaan nya pansamantala si luna? Hmp bat ayaw nya kargahin. "Just drop her there" Habang turo nya yung sofa na mahaba, sinamaan ko naman sya ng tingin at sya naman itong napabuntong hininga at kinuha na si luna sa pag kakahawak ko hehe. Nginitian ko naman ng malawak si HM bago ko sya tuluyang nilayasan. Mabubusog yon si luna kay HM galingan nya lang sa pag papacute para marami syang makuhang treats. ==
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD