Kabanata 3

1244 Words
Hiraya's Pov Lumabas na kami ng dorm after namin makapag palit ng PE unifrom. Dark combat class namin ngayon which is sa training area ang klase namin. Based sa research ko ang dark combat class is more on physical na pakikipag laban, walang kinalaman ang magic dito, kaya medjo na e-excite ako dahil kahit papano may laban ako dito mwahaha. "Uy ano yan para kang tanga" Tinignan ko naman so eya at nakatingin ito sakin na parang tanga, sinilip ko naman reflection ko sa salamin ng elevator at nakita kong naka taas pa yung isa kong kamao. Okay mukha nga akong tanga. Sorry naman na excite lang mwihihi. After ng ilang minuto naming pag hahanap kung saang training room kami ngayon ay napadpad naman kami sa cafeteria kaya bumili nalang muna kami ng makakakain hehe. Nakakapagod mag palakad lakad noh! anlaki laki nitong academy mygosh. Nag tanong narin kami kung saan yung training room na sinabi saamin nung isa naming kaklase kanina and tinuro naman agad nung pinag tanungan namin kaya nandito na kami yay! Kaso na late ulit kami. Pero may dala naman kaming pag kain, kaso cinonfiscate naman. After kaming pagalitan pinaupo na kami nito sa gitna kasama ang mga kaklase namin. Naka indian sit kami dito at ilang minuto ng nakatunganga kay mam, may kung ano ano syang tinurong combat skills ngayon. Napabuntomg hininga nalang ako dahil mukhang wala itong balak na ipag One on one kami ngayon haist. Pero nagulat ako ng pinatayo nya kami at inutusan na tumakbo ng 100 laps paikot sa buong training room! What the heck. Pinag masdan ko naman ang training room kung saan kami nag kaklase ngayon, hindi ito ang pinakamalaki pero malaki! Wala naman mga nag rereklamo dahil mukhang masungit ito base sa pag papahiya nya samin kanina tsk. "Ano pang tinutunganga ninyo? umpisahan nyo ng tumakbo dahil hindi kayo mag lulunch hangga't hindi kayo natatapos!" Halos mangiyak ngiyak naman nilang kinuha yung relo na nasa harap at nag simula ng tumakbo. Napakagat nalamang ako ng labi at kumuha nadin ng isang watch. Lalabas doon kung ilang laps na ang naitakbo mo kaya walang makakadaya sa activity nato. "Huhu ayoko nito pocha" Halos mag break down nadin si eya dahil doon. Hindi kasi malakas sa physical activities si eya kahit pa isa syang body manipulator, lagi nga itong natatalo sa duel everytime na nag tatrain kami. Ako naman gusto ko makipag laban ng 1v1 pero ayoko naman tumakbo! susme! Napailing nalang ako at nag shake shake ng katawan "kaya natin to whoo!" Pag checheer kopa at sinimulan ko ng tumakbo. "Hoy teka!" Napaluhod nalang ako at tuluyan ng bumagsak. ansakit ng mukha ko anak ng! Medjo napalakas yung tumba ko at napuruhan naman yung mukha huhu. Pero mas masakit yung paa ko, at ramdam kopa na nanginginig ito. Halos marinig kona din ang t***k ng puso ko at tila parang gusto na nitong kumawala. dahan dahan ko namang tinaas ang kamay ko kung nasan yung relo at nakita kong na complete kona yung lapse. "Okay Miss fuentabella you can have your lunch." Rinig kong sabi ni Ma'am, malamang nag appear na yung name ko doon sa record nya. Nanatili naman ako ng ilang minuto pa doon bago ko naisipang tumayo pakonti konti. Nakita ko naman si eya na tumatakbo padin at sobrang bagal na ng takbo nito, para na nga syang mahihimatay. Natawa nalang ako sa itsura nya. Kung dala kolang selpon ko pi-picturan ko sya. "Go eyaaa!!" Pag che-cheer kopa sisigaw sana ulit ako pero nakita kong tinignan ako ng masama ni Ms. Kaya naman tinikom ko nalang bibig ko. Sungit naman HAHA. "Uy kaze!" Diko naman napigilan sumigaw ng makita ko si kaze di kalayuan saamin, kaya napatingin naman yung ibang studyante saakin ng masama. Hinila ko naman so eya at narinig ko naman ang mahinang pagtutol nito. "Pocha bagalan mo lang huhu maawa ka sakin." hindi ko naman mapigilan matawa at binagalan ang pag hila sakanya. Kawawa naman to HAHA hinatak ko kasi sya agad after na after nyang matapos yung lapse. Sobrang tagal kasi gutom na gutom nako, sya na nga lang natira kanina at mukhang pati si Ms. ay naiirita na. "Pfft anyare jan?" Natatawang bungad ni kaze ng makita nito ang mukha ni eya. Hindi naman sya pinansin ni eya dahil mukhang napuruhan talaga sya. "Hay wag mona tanungin tara na at kumain! Gutom na gutom nako!" Hinila kona silang dalawa pero napatigil din ako agad kasi na trapik kami hay nako! Kung kaninang nag break kami ay marami ng students ngayon naman is dagsaan talaga kasi mag kakasabay lahat mag lunch ang mga studyante. Ramdam ko namang gusto ng kumawala ng mga alaga ko sa tyan. wait lang kayo babies makakakain din tayo! "Hala may cordon bleu! Masarap bayan? Isa din nyan, tyaka yun ano yun? Ano lasa nyan te?" Narinig ko namang nag pakawala ng malakas na hangin yung nasa likuran ko pati nadin si ateng kahera. "Wala nabang ibibilis yan ms?" Hindi ko naman pinansin yung reklamo nung nasa likuran ko dahil alam ko feeling ng pag aantay hahaha. sorry na balak ko kasi mag food trip today hehe. "Okay yan lang po hehe... ay teka! Coke zero po at isang bottle water na malamig hehe tnx!" Napairap nalang si ateng cashier dahil sa pahabol kong order. Hindi naman natagalan nakuha ko agad lahat ng order ko kaya nakangiti akong nag pasalamat at umalis doon. apat na tray ang dala ko ngayon yung tatlo is lumulutang lang at nakasunod saakin. Umakyat ako sa second floor dahil punuan na sa baba nakita ko naman sila agad. Nakangiti ko silang sinalubong samantalang si eya naman ay napa face palm nanaman ng makita kung gaano karami nanaman ang inorder ko. Nag peace sign nalang ako at nag simula ng lumamon. "Kamusta first day nyo?" Pambasag naman ni kaze nag kibit balikat lang ako dahil wala ako sa mood makipag usap ngayon. Gutom lang. Samantalang sinamaan naman ng tingin ni eya si kaze. Hirap na hirap itong kumain dahil sa sakit ng katawan. "Ako tanungin nyo kung kamusta ako." Di namin sya pinansin. "Huy!" "Musta?" Ako na nag sabi dahil mukhang papatayin na ni eya so kaze ng tingin. "Muntik lang naman ako ma detention dahil sainyo." binatukan naman ako ni kaze dahil ako katabi nya at ganon din si eya pero di na natuloy dahil inunahan sya ni eya lel. "First day na first day at umagang umaga history lang naman ang first subject namin! At nag extend pa sya ng isang oras! at ito naman kayo dumating at pinahiya ako sa buong klase huhu" diko naman pagilan di tumawa dahil don. Naalala ko nanaman yung pag eksena ni eya kanina. "Aus lang yan hahaha kita mo kinakarma na nga si eya-" Natigil ako sa sinasabi ko dahil bigla akong nabilaukan. Napahawak nako sa balikat ni kaze at marahan itpng niyugyog "t-tu-tubig!!" nakita ko naman natawa si eya at si kaze naman ay nag papanic. Kumalat na yung mga kinakain namin nag si talsikan din yung mga kanin na hindi kopa tuluyang nalunok. "Pocha napaka baboy talaga hahaha." Comment naman ni eya at sya na kumuha ng tubig dahil nag papanic na si kaze. Pero di nya mabuksan yung binili kong tubig at inabot yon kay kaze. Ponyeta mamatay nako dito! == a/n: Ngayon ko nalang ulit binalikan ang story nato! Hoping na matatapos ito lol ket chapter 3 palang ako huhu.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD