Nakatunganga lang kami dito sa pinaka sulok ng classroom habang inaantay ang turn namin mag pakilala. Na late kami pero introduce yourself palang naman at wala pa sa kalahati ang natatawag. Halos singwenta kami dito at napapatagal dahil sa pang titrip na ginagawa ng iba.
Hindi nako nag abalang makinig dahil wala sa bokabularyo ko ang kabisaduhin ng isang kinigan ang pangalan ng singkwenta katao.
Naramdaman ko nalang tumayo si Freya at nag simulang ipakilala ang sarili, so ako na pala sunod. "Hello My name is Freya Feuntabella, 18 years old. I can manipulate a body." Nakita kona kung paano gamitin ni freya ang charm nya and medj na c-creepihan ako dahil maski sya ay nawawala sa sarili, kaya prohibited na gamitin nya yon except kung emergency.
"Interesting." Tumango tango ang professor bago ibaling ang tingin saakin. "Next." Tumayos na ako ng marinig ko ang que.
"Hiraya Manawari Feuntabella, 18 years old, and I'm a mortal." bahagyang nagulat ang lahat. Bakit ako palang ba unang nag pakilala na mortal sa klaseng to?
Naisip namin kanina na mas okay na isipin nilang mortal ako kesa asarin nila ako sa pag ka late bloomer ko. Napatango tango naman ang prof kaya umupo nako.
"Okay since first day naman to hindi muna ako mag kaklase pero expect nyo na na sa mga susunod nyong sub ay magkakaroon agad. Lalo na sa Dark combat ninyo dahil gaganapin na ang battle royale sa susunod na linggo. Siguro naman hindi pa nag sisimula ang klase marami na sainyo ang nag handa para sa labanan na ito, ito lang ang pag kakataon para tumaas ang level/Rank nyo at mapasama sa Royals." hmm royals nakalimutan ko ang tungkol sakanila.
"Para sa mga new transferee ang battle royale ay taon taon ginaganap para mabigyan ng pag kakataon ang ibang studyante na mag stand out gamit ang kani kanilang kakayahanan. At kung nakikita nyong 0 palang ang level nyo ay wag kayong mag alala dahil kayang kaya nyo yan mapataas, so Goodluck class 054 i hope makuha ninyo ang cloak at badge na para sainyo. That's all see you tomorrow." Bago pa kami makasagot nawala na ito sa harapan.
"Uy ano yon?" Napakunot ang noo ko sa tanong ni freya. Parang tanga to mag tanong. Anong ano yun? "Gaga yung royals, ano yun? diba mahilig ka mag basa ng libro about sa ating beloved world." Ah yun lang pala psh.
"Ewan ko din." Katulad ng sabi ko kanina nakalimutan ko nga ang tungkol sakanila. Napairap nalamang si frey at bumuntong hininga.
Inisip ko naman paano ko mapapataas ang level ko kung panay ganito ang makakalaban ko? Batid kong egul ako. Kay freya palang eh hay.
Napatingin ako sa paligid at nahagip ng paningin ko ang dinadrawing ng katabi nung katabi ko. Tama! magaling ako pag dating sa physical 1on1 at kahit papaano ay marunong akong gumamit ng pana. Sana lang talaga ay dumikit sakin ang swerte ngayon.
Pag tapos ng introduction ng potion class namin nagkaron kami ng breaktime. Sobrang daming tao ang papunta sa iisang dereksyo kaya sinundan nalang namin sila. "gutom na gutom nako antagal naman umusad nito!" Reklamo ni frey habang naka pila kami sa counter.
"mag hanap lana ng upuan ako nalang pipila." prisinta ko. Nag liwanag ang mukha nito pero napasimangot agad. Mabilis itong umiling at nag cross arms. "Frey walang mangyayareng masama sakin dito, busy ang lahat intindihin ang sari sarili nilang gutom kaya pwede mona akong iwan kay? mag hanap kana dalian mo." nag aalinlangan pa sya pero napilit ko din.
Finally. Ito unang pag kakataon na mahiwalay ako sa isa sakanila sa public place. Napatayo ako ng maayos ng maalalang hindi ko nakuha ang order nya. Hay bala na nga, inalalala ko nalang kung diet ba sya ngayon or what, nung nakaraan ata yon? pochi.
Nung turn kona nag panic ako kaya kung ano makita ko ay itinuro ko nalang. Sana lang hindi sya diet ngayon.
Kanina pako sinasabon ni freya habang kumakain ng cupcake. Pilit naming inubos ang inorder ko pero hindi namin ioto maubos sa dami.
Napa face palm nalamang sya at nag labas ng plastic at tupperware. "Puntahan nalang natin si kaze at ibigay tong natira sayang naman. San kaba kasi kumuha ng pera at nakapag order ka ng ganito kadami?" frsustrated na tanong nito.
"Duh hindi lang naman kayo yung binigyan ni vanessa ng black card." Common sense na kung meron sila edi meron din ako prr.
Napairap nalang ito sa kawalan at ng matapos nitong iligay sa tupperware yung tira naming pag kain dumeretsyo na kami sa classroom ni kaze,
"San ba classroom ng koopal nayon? classroom 068 sya dapat nandi- ate san yung 068?" Tinignan nung babae si frey na parang tanga at tinuro yung pinto na nasa harap lang namin mismo.
Natawa naman ako sa katangahan namin.
"oh.." nasabi nalamang nito at hindi na nagawang mag pasalamat dahil umalis na sya. sungit naman norn.
Sumilip naman kami mula sa maliit na bintana nung pinto. Katulad samin andami din nila at hindi namin makita si kaze. Tahimik ang lahat at wala ni isa nag tatangkang mag salita.
Tutuloy pab- hindi na natapos ang sasabihin ko ng walang pakundangang kumatok si freya, lahat ng atensyon nila ay napunta samin kaya umalis ako sa pag kaka silip.
"Hindi mo man lang sinabi na kakatok ka agad."
"Bakit kakatok lang kelangan mag paalam pa sayo?"
"Hindi gusto ko din sana kumatok"
"Edi kumatok ka tutal ayaw tayong labasin ng linchak nilang professor. Kung ihagis ko kaya sa mukha nya tong mga tupperware?" Tumingin naman ako uli sa bintana at oonga hindi nila pinansin yung katok namin.
Kaya ngayon ako naman ang kumatok.
Ilang saglit lang ay bumukas ito ng napakalakas. Grabe halatang may galit ang lolo mo. Wala ang professor para salubungin kami nandon padin sya kung saan sya nakatayo kanina.
"Yes? Anong naitutulong ko? Sabihin nyo na agad dahil nakaka istorbo kayo ng klase." Masungit na bungad nito saamin.
"Wala ka ppng maitutulong saamin kelangan po namin si kaze." Prankang sagot ni frey at napa face palm nalamang ako.
"Aba-"
"Kaze!" Hindi na natuloy ng propesor ang sasabihun ng putulin iyon ni freya. Napatingin ang lahat sa dereksyon ni kaze kaya awkward itong ngumiti at nag peace sign nalamang bago kami puntahan.
Wala ng nagawa ang propesor kundi ang mapailing at hinayaang puntahan kami ni kaze.
Too much kahihiyan for today.
Pag tapos naming ibigay kay kaze ang tupperware umalis na kami at dumeretsyo muna ng dorm since may 10 minutes break pa kami bago nag simula ang susunod na klase.