Kabanata 1

1548 Words
"Hiraya come here.." Tinignan ko si ina mula sa kinauupuan ko. Ngumiti ako bago tumalon sa swivel chair kung san ako nakaupo. "oh dahan dahan haha.." Sabay kaming napatawa ni ina ng muntik na akong madapa mula sa pag kakatalon. "Bakit po inaaaaaa?" Malungkot na ngumiti si ina at marahang tinakpan ang aking mga mata. Naramdaman ko nalamang na lumutang ako saglit at inupo sakanyang hita. "Naalala mo paba ang nababasa mo noon sa libro sa library natin?" Kunwari naman akong nag isip at mambilis na tumango. "With great power comes great responsibility!" proud kong sabi, hindi ko makakalimutan iyon dahil mula palamang sa kwento ni Queen elizabeth the first ay nabanggit na iyon. Mas lumawak naman ang ngiti ni ina kaya napangiti nalamang din ako. Malayo palamang tanaw kona ang malaking usok na bumabalot sa aming bahay. Maraming mga mortal na nakapalibot sa aming bahay na may dala dalang sulo. Rinig na rinig ang damang dama ko ang galit ng mga ito habang patuloy nilang sinusunog ang aming bahay. Napalunok ako at mas binilisan ang pag lalakad hanggang sa maging takbo ito. ngunit hindi ko inaasahang ang biglaang pag hablot ng isang babae na satingin ko ay ka edad lamang ni ina. Blanko ko itong tinignan bago ilipat iyon sa mahigpit nitong hawak sa kaliwa kong braso. Anong kailangan nito. "Sumama ka sakin." Sinabi nya iyon na parang wala akong magagawa kundi ang sumama nalamang. 8 years old palamang ako ngunit wala sa dugo namin ang maging tanga kaya walang ano ano'y inapakan ko ang kaliwa nitong paa at napabitaw ito saakin habang iniinda ang sakit. Gusto ko man tanungin kung ano ang pakay nya saakin ngunit mas importante na mailigtas ko ang aking ina mula sa sunog. Hindi pa ako nakakaalis ng maka recover yung babae mula sa sakit ng pag tapak ko at agad ako nitong pinigilan. Masama ko syang tinignan pero hindi ito nag patinag. "Ako si vanessa, tagapag silbi ako noon ng iyong ina.." Pinagmasdan ko ito at sa itsura nito ay mukha lamang syang normal na mortal. Kilala ko ang pangalang vanessa ngunit hindi naman ako nag karoon ng pag kakataon para makita sya pero hindi na ngayon. Kwento ni ina na si vanessa lamang ang itinuring nyang kaibigan noon. Patuloy ko padin syang pinagmasdan at ilang saglit lang ay sumuko nadin ako. "Kung ganon tulungan mo akong iligtas si ina." Tumingin muli ako sa patuloy na nasusunog naming bahay. Mas dumami ang taong nakapalibot at tila galit na galit sila sa aming bahay. "Aya sa tansya ko ay kanina pa ang sunog ang inyong bahay gustuhin ko man tulungan ang aking alaga ay hindi ko iyon magagawa dahil masyado ng marami ang tao at hindi ko sila kaya mag isa. Isa din ito sa pag labag sa ating batas, buti nalamang ay naabutan din kita, alam mo naman kung gaano kalaki ang galit ng mga mortal sa katulad natin hindi ba? malamang kahit na ikaw pa ay isang bata hindi ka nila papalampasin at hahayan ka lang din nilang lamunin ng apoy." Totoo iyon. Bata palamng ako ngunit marami na akong alam sa mundong ginagalawan ko. Pinanood ko kung paano unti unti nasisira ang tahanan namin ni ina. "Let's go aya bago pa may makakita satin." "Aya let's go ano bang ginagawa natin dito? panay damuhan lang naman amp! Kanina kapa nakatulala dyan para kang tanga." Napabuntong hininga nalang ako. 10 years na ang lumipas pag tapos mangyare ang trahedyang yon. "Huy aya tara na malalate na tayo sa first day natin ampupu" Napairap naman ako ng marinig ang reklamo ni kaze. "Alam nyo mauna na kaya kayong dalawa ano? sino ba nag sabeng samahan nyo ako dito ha? che!" pag tataray ko naman. ang kulit kasi bat di nalang mauna amp kitang nag eemo pako ampochi. "Malamang si mama! Kulang nalang ihabilin nya na maging aso mo kami mygosh!" Napailing nalang ako at inis na sumakay ng kotse. panira tch. I look outside the window of the car, ilang saglit lang ay nawala ang nag tataasang building at wala na akong ibang matanaw kundi puno puno puno. Hindi na bago saakin ito since hindi naman ito ang first time. Pero sa ngayon doon nadin kami titira. "oonga pala anbalita?" Bumuntong hininga lang ulit ako at umiling. Hanggang ngayon hindi padin iyon lumalabas. kaka 18 ko lang nung nakaraang buwan at inaasahan namin na matatanggap ko agad ang inaantay naming powers ko daw pero wala. Baka naman wala talaga. Sobrang late bloomer kona kung meron tsk. "Grabe bakit kaya hindi pa ma activate yang charm mo baka ma bully kalang don eh." Napaisip naman ako, possible na mangyare yon pero wala akong magagawa, kailangan namin mamuhay kung saan talaga kami nararapat, hindi pwedeng habang buhay kaming nakakulong sa lugar ng mga mortal. "ayos lang, mayroon din namang mga mortal doon, marami akong kadamay." Sa lugar namin tinatanggap padin ang mga mortal at tinatrato ng maayos unlike sa lugar talaga nila na hindi welcome ang katulad naming may kakaibang kakayahanan. "sabagay pero kahit na noh! nasa loob tayo ng skwelahan hindi natin alam takbo ng isip ng mga abnormal nayon." Napakamot nalang ako ng ulo. "alam mo hindi ka nakakatulong freya, pangit nang trip mo lul." "Sorry naman nag aalala lang sa tinagal tagal naming inalagaan ka ni kaze mamatay kalang sa kamay nila? andwae!" "Mamatay kadyan ang OA ha! kaya ko naman ipag tanggol sarili ko umeepal lang kayo agad tsk!" totoo naman may lumapit lang sakin halos pag bantaan na nila ng buhay. Ayaw na ayaw nila ang ideya na bantayan ako pero kulang nalang bantayan nila ako pati sa pag ligo ko. "kahit na!" sabay na sabi pa ng dalawa. napailing nalamang ako. "lab nyo na ako nyan?" "yuck/ew!" Napangiti nalamang ako doon. Mag pinsan yung dalawa wala nading magulang si kaze kaya kasama namin sya sa bahay. Ako naman sabit lang kaya tinuring kona sila pareho na kapatid. "Okay nandito na tayoo" sabay sabay na nag click ang seatbelt naming tatlo, napahawak naman si freya sakin. pareho kaming nasa backseat samantalang mag isa si kaze sa harapan. Nasaksihan namin kung paano daahan dahan nahati ang lawa sa gitna at tumambad ang isang malaking bilog na lagusan. At katulad ng sabi ko kanina hindi ito ang unang beses na nakapunta kami dito kaya alam namin ang dalang sumpa ng lagusan nato. Napalunok ako ng dahan dahang tinatangay ng tubig ang kotse sa gitna hanngang sa nahulog na kami mula doon. Napapikit nalamang ako at mabilis na nirecite ang lahat ng dyos at dyosa na kilala ko. Ilang saglit pa nakaramdam ako ng malakas na pwersa pero sa tulong ng seatbelt hindi naman kami napano pero mukhang nauntog si kaze lel. Serves him right. Sa ngayon nasa ilalim na kami ng dagat kung saan kami bumagsak kanina. "Taragis talagang lagusan yon wala ba silang ibang maimbento na iba?!" "Meron kaya! Portal dZuh" sagot ko naman, napataas naman kilay ni frey. "Pero wala namang gumagawa satin ng portal kaya hay whatever." "Pakshet napaka sakit ng ulo ko." reklamo naman ni kaze habang hawak hawak yung parte kung san sya nauntog. "buti nga bleh" sabay pa naming sabi ni frey kaya napatawa kami. Napasimangot naman si kaze at sinimulan ng imaneho yung nag transform naming sasakyan. Makalipas ang sampung minutong biyahe sa ilalim ng dagat nasa lupa na ulit kami. Pinag masdan ko naman mula sa bintana ang masasayang mamamayan ng lugar namin. Nung una kong punta rito ay manghang mangha ako sa pag lalabas ng sari sarili nilang kapangyarihan. Kahit na ang ibang bata ay nabiyayaan na agd. samantalang ako tsk. Napairap nalamang ako at inantay na makarating ng school. Ilang saglit lang nakapila na ang sasakyan namin para makapasok sa loob. First day nga ngayon kaya maraming studyante. Karamihan nag lalakad pero madami din ang sasakyan kaya nahirapan kaming pumasok tsk. Bagot akong sumandal at naisipan makipag laro nalang kay freya ng bato bato piks habang nag aantay. Naka limang hampas ako sakanya bago kami tuluyang makapasok ng gate. Finally! Bumaba na kami ni freya at iniwan doon si kaze para mag hanap ng parking. Naki pila nadin kami para makapasok sa pinka front door. Wala pa kami sa kalahati ng dumating si kaze at sumingit sa pila. Madami namang nag reklamo pero hindi namin sila pinansin. "Hoy kayong dalawa nalang pumunta sa HO ah? malalate nako sa klase ko ano oras na amp." Sa aming tatlo si kaze lang nahiwalay samantalang mag kaklase naman kami ni freya. Malalate nadin kami pero may kailangan pa kaming ipasa kay Head dahil kulang ang requirements nung nag enroll kami. Hindi nga ito ang first time pero hindi ko padin mapigilan mamangha sa malaking chandelier na bumungad saamin ganon narin ang dalawang grand staircase sa mag kabilang sulok. Mayroon ding mini fountain sa gitna. Umakyat na kami at dumeretsyo ng HO para ipasa ang kailangan ipasa. "Here ito n ang badge ninyo, pwede yang mabago once na tumaas ang level nyo sa battle royale." tinignan ko ang badge na inabot nung secretary ni HO, bilog ito na yari sa bronze na mayroong bulaklak sa gitna. Napangiwa ako kasi ang corny ng design. "Makukuha nyo lang din ang ID pag tapos non" napatango nalamang kaming dalawa bago umalis at pumunta sa aming klase.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD