Struggling Heart
"My heart is perfect because you are in it."
Ngumiti si Viola nang maalala ang araw, kung kailan iyon sinabi ng kanyang asawang si Forest. He was undeniably handsome, background by scattered petals of red roses and kneeled before her with a ring on his hand. Hanggang ngayon ay parang kinikiliti siya sa puso.
Huminto siya nang mapansin ang hugis ng tiyan sa salamin. She was seven months old pregnant. Talagang pinaglaanan nila ito ng panahon. Isinakripisyo niya ang trabahong managerial position sa isang kilalang bangko sa Dubai, dahil sensitibo ang pagbubuntis niya. Naiwan siya sa Pilipinas habang si Forest ay nasa labas ng bansa.
Kinuha niya sa mesa ang cellphone at sinilip ang mensahe ng asawa.
Forest: Good morning, Beautiful. Send me your selfie showing your baby bump, okay? I miss you. I love you my Viola.
Hanggang ngayon ay hindi siya nito binibigo sa pagiging sweet. Nakangiti niyang nilapitan ang salamin at doon nag-selfie. Her smile faded when she noticed her nose on the picture. Ang dating magandang hugis noon ay lumapad at medyo nagkalaman. Maging ang kanyang leeg ay nagkakaroon ng linyang itim.
Dismayado niyang binura ang litrato. Sinubukan niyang kumuha ulit, kaso hindi niya makuha ang tamang anggulo. Sinukuan niya iyon at binalikan ang mga larawang pinapasa sa asawa. She even checked her old photos on the gallery. Habang tumatagal ay nag-iiba ang kanyang itsura. Naalala pa naman niyang palagi siyang sinasabihan nito nang, "Ang ganda talaga ng Viola ko. Kahit kailan ay hindi ako magsasawang titigan ka."
Lumingon siya sa salamin at minasdan ang kasalukuyang itsura. "Ang pangit ko."
Lumipas ang ilan pang linggo. Lalo siyang bumibilog at lumalaki. Sasabihan pa rin kaya siya nito ng maganda?
Isang araw ay naisipan niyang buksan ang f*******: account ni Forest. Habang pumapapak nang pakwan at nakapatong ang paa sa bangkito, sinilip niya ang friends list.
Marahas niyang dinura ang buto ng pakwan nang mapansing panay babae iyon. Lahat pa ay sexy at ubod ng gaganda. Mas maganda pa sa kanya. Napaayos siya sa pagkakaupo. Doon naman siya sa inbox nito bumisita. Bungad palang ay nakita niya na ang pangalan ng hindi kilalang babae.
Daisy: Here's my number 050 333 6660. Call me when then we can meet to talk about that.
Forest: Got it. Thanks Daisy.
Pinilit niyang isawalang bahala iyon, hindi naman kasi ito ang unang beses na may mga kasama sa trabahong babae ang kakausap sa asawa. Handa siyang makinig sa paliwanag ni Forest. May tiwala siya rito.
Habang tumutulong siya sa ina sa pagluluto.
"Viola, pasuyo naman sa asawa mo ang tungkol sa kurtina. Hindi ba't maganda ang tela roon? Kakaiba ang disenyo at nagustuhan ko, anak."
"Opo, ma." Nang matapos sa paggayat ng mga rikado, agad niyang kinuha ang cellphone.
Viola: Babe? Good morning there.
Sigurado siyang online ito dahil ang bilog sa gilid ng pangalan ay berde. Muli siyang bumalik sa paghugas ng ilang gagamitin. At natapos na maging sa pagluluto ay walang reply ang asawa. Hanggang sa lumubog na ang araw, doon lamang siya nakatanggap ng mensahe galing dito.
"Babe, I am sorry. Nagkaroon ng problema sa site. Late lunch," basa niya. Mapait ang panglasang tumango siya. Nauunawaan niyang bukod sa oras ay busy ito sa trabaho.
Viola: Okay lang, ingat ka riyan. Gusto lang ni mama makisuyo ng kurtina. Gusto niya ang Muslim design. Purple at Sky blue nalang. Skype tayo kapag free ka.
Paakyat na sana siya nang mapansin ang tag photos sa f*******: wall ng asawa. Natatandaan niya ito nang minsang magpaalam na ipagdiriwang ang kaarawan ng Senior Director. Marami sila sa larawan at halatang nagkakasiyahan. Pero ang umagaw ng atensyon niya ay ang babaeng katabi mismo ni Forest.
Hindi siya dinalaw ng antok dahil doon. Nanatili siya sa kusina at tinitigan ang tinimplang gatas. Hindi niya iyon magalaw dahil sa samu't saring katanungan sa isip.
Muling sumagi sa isip niya ang itsura ng babae. Matangkad, maputi, mahaba ang tuwid na buhok, sexy at may magandang mukha. Malayong-malayo sa kanya. Tuwid din ang mahaba niyang buhok, noon. Nang dahil sa klima ng Pilipinas ay pinanatili niyang maikli. Maputi rin siya at hindi papahuli sa kagandahan. Hindi nga lang siya matangkad.
Gumuhit ang kirot sa dibdib niya nang mainggit sa katawan ng babae. Lalo ang hitik nitong dibdib at kurbadong balakang. Ang mga gaya nito ang mahirap tanggihan ng mga gaya ni Forest na malayo sa asawa.
Pinalis niya ang luha nang maglaro sa isipan na kahalikan ng asawa ang babae. Dinama agad niya ang dibdib nang makaramdam nang pamimigat doon.
Posible ba kaya? Magagawa kaya ng asawa niyang pagtaksilan siya?
Yumuko siya at ilang beses na umiling-iling. Kahit gusto niyang isipin na kaibigan lamang iyon, hindi maitatago ng larawan ang pait ng ideyang mayroong namamagitan sa kanila.
Wala sa sarili niyang na log out ang account at binuksan ang sa asawa.
Belle: Hey there
Bumilis ang t***k ng puso niya sa biglang paglitaw ng mensahe. At galing pa sa babae.
Belle: I know you are awake.
Belle: I need your help.
Belle: Busy?
Belle: Railey?
Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Ang lungkot na nadarama kanina lang ay napalitan agad ng poot at galit. How this woman could called her husband on his real name? As if they were really close more than to her?
Nanginginig siya sa pagtipa ng reply.
Forest: Tigilan mo ako puwede ba. Kasal akong lalaki.
Wala pang minuto ay nag-reply agad ang babae.
Belle: W-what? Railey, I don't get you?
Pinanlisikan niya nang tingin ang maliit na profile picture ng babae. Ang ganda nito at litaw ang cleavage.
Belle: Where are you? I will go there now.
Ramdam niya sa buong katawan ang pagtaas ng dugo sa ulo. Parang anumang oras ay sasabog na siya.
Forest: Hoy makating babae, asawa niya ito. Buntis ako at si Forest ang ama. Kabuwanan ko na kaya kaunting tiis nalang manganganak na ako, pupuntahan kita riyan sa Dubai. Humanda ka lang!
Ang bilis nang t***k ng puso niya at nanginginig ang kanyang kamay noong pindutin ang send. Ibinagsak niya sa lamesa ang cellphone at hinintay ang reply ng babae. Hindi siya mapakali. Ilang beses siyang nagpabalik-balik upang silipin iyon pero nag-offline na si Belle.
Marahas niyang dinampot ang cellphone at tinawagan ang mismong numero ni Forest sa Dubai. Thinking the woman inside her husband's crib, her head will surely explode from madness.
"The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call later."
Marahas niyang sinuklay ang buhok. Nanggigigil siya. Gusto niyang magwala sa sobrang inis.
Umakyat siya sa kuwarto nila. Doon ay natagpuan niya ang larawan nilang mag-asawa. Ang kasal na tanda ng pag-iibigan ng dalawang nagmamahalan. Ang pagsasamang akala niya ay habang buhay na magiging masaya.
Nanghina siya nang maisip na baka anumang oras ay kasama na nito si Belle. Naghahalikan at maaaring ginagawa ang bagay na pang mag-asawa lamang.
Dumaloy ang malusog na luha sa kanyang pisngi habang tulala.
Ganoon ba kababaw ang pagmamahal nito sa kanya? Magkalayo lang ay maghahanap na ng iba?
Nanghihina siyang kumapit sa pader. Sinapo ang kanyang dibdib nang bigla iyong kumirot.
She was on the state of being sensitive and emotionally high. Buntis at kabuwanan pa. Masakit na kung kailan kailangan niya ito ay wala naman. Tiniis niyang magkahiwalay sila para sa asawa. Dahil ganoon naman talaga ang pagmamahal hindi ba? Pero bakit ito bumigay sa tukso? Hinayaan niyang magpatangay sa laro ng makamundo at tawag ng laman.
Sinubukan niyang tumuwid sa pagkakatayo, ang kaso gumuhit ang sakit sa tiyan niya. Pagsulyap niya sa kanyang binti ay may tubig na dumadaloy roon. Dahil sa pinaghalong sama ng loob at takot ay nawalan siya nang malay.
MAINIT na haplos ang nagpagising kay Viola. Imahe agad nang nag-aalalang si Forest ang bumungad sa kanya. Malinaw pa sa dyamanteng ginto ang dahilan kung bakit siya naroroon, poot at galit agad ang namutawi sa kanyang sistema at padarang na tinulak ito. "Anong ginagawa mo rito?"
Bumaling siya sa inang nasa kabilang panig. "Ma, nasaan ang anak ko? Anong nangyari?" Dumaloy ang malusog na luha sa kanyang pisngi. Natatakot siya. Nawa ay walang nangyaring masama sa bata.
"Viola-"
"Don't you dare calling my name? Nakakadiri ka. Nakakadiri ka!" Itinulak niya ito ng buong puwersa, pero masyado pa siyang mahina. Hindi manlang natibag ang kanyang asawa at umiling-iling lamang.
"Baby, listen to me. Let me explain."
Hindi niya iyon inintindi. Bagkus ay bumaling sa pumasok na Doctor. Ang hawak nitong malusog na sanggol ang lalong nagpalusog sa kanyang mga luha. Nanginginig niyang inilahad ang kamay. Humikbi nang mahawakan ang sariling anak. Lalo nang dumampi ang maliliit nitong dalari sa kanyang pisngi. "Yes, sweet, I am your mommy." Hinalikan niya ito sa noo.
She breast feed her baby and laid it on her arms until it fell asleep. Ipinaliwanag ng doktora ang ilang kailangang gawin, hanggang sa mapag-isa sila ng kanyang asawa.
Katahimikan ang namayani sa pagitan nila.
"Beaufort is as handsome as his dad," basag ni Forest.
Hindi niya ito binalingan. Hanggang ngayon hindi niya alam kung handa siyang patawarin ito. Hindi niya kayang tanggapin ang ginawa nitong kataksilan.
Lumapit ito upang hawakan siya sa kamay.
Pero agad din niyang binawi. Mula sa gilid ng kanyang mata'y nakikita niyang pagod nitong hinila ang upuan palapit sa kanya at doon naupo. Tuluyan nitong tinanggal ang bow-tie at sinusubukang silipin siya. "Baby, listen to me. Si Belle ay si Edward. He is British. Kung iniisip mong nagsisinungaling ako, handa akong paliparin siya rito para patunayan sa'yo. Hindi siya nakakaintindi ng tagalog kaya nang mag-reply ka gamit ng account ko sa f*******:, natakot siya. Alam niyang hindi ako iyon dahil hindi ako nagtatagalog kapag kausap ko siya. Bagong engineer siya sa team ko. Dumiretso siya sa place ko para ipabasa ang reply mo. At nang mabasa ko iyon. Natakot ako. Lalo nang tumawag sa akin si mama. Baby, please look at me. Do you think I will cheat with you? You better kill me if I do."
Lumipad sa kisame ang atensyon niya nang magsimulang mangilid ang kanyang luha. Naiinis na siya ngayon sa sarili. Dahil sa inggit ay hinayaan niyang balutin ng galit ang kanyang puso.
Muling hinawakan ni Forest ang kanyang kamay. Hinahaplos iyon at unti-unti siyang hinihila para yakapin. "Iniisip mo ba si Daisy?"
Agad niyang kinagat ang kanyang ibabang labi dahil isa rin iyon sa dahilan ng pagseselos niya.
"She's a florist. And she own the most famous flower shop here in the Philippines. Nang malaman ko kung kailan ang kabuwanan mo, agad kong tinanong ang number niya para ipa-arrange ito."
Nagtataka niyang tiningnan ang asawa. Hindi na niya napigilang lumuha nang makita ang hawak nitong papel na may nakasulat kamay na, Happy Birthday my most beautiful wife, Beautiful Viola Consuelo. "Happy birthday." Anito, agad tumayo upang buksan ang pinto.
Pumasok ang kanyang inang may hawak na puting Gardenia. May hawak itong papel at binasa ang nakasulat. "On your first to third months, you will surely hate me because of painful and annoying morning sickness. You will call my name each time you feel angry because I am nowhere to found. If only I could take your pain. I will, baby. I don't want you to get hurt. That's how I love you."
Napatakip siya ng bibig ng biglang pumasok ang kapatid na babaeng hindi niya nakita ng tatlong taon.
"Oh my god, Cherry!" tawag niya.
Nakangiti man ay hindi na napigilang umiyak ng kanyang nakababatang kapatid. "I'm sorry, ate. Oo nga pala, mamaya na ang drama. Eto munang regalo ni Kuya Forest." Inabot nito ang hawak na bouquet ng tulips sa kanya. "Forth to six months, I've missed you. I wake up one time crying because of my nightmare. You left me. Believe it or not, tears rolled down my cheek and immediately I asked you for a video call. Baby, I won't let you leave me. There's no way you will leave me. I will not allow you to leave. Hell, I will not. I love you so much."
Sumulyap siya kay Forest. Hindi nito sinabi iyon sa kanya. Now she realized her mistakes and feel bad about it. Dahil sa inggit na tinanim niya sa puso, naging bulag siya sa maaaring paghihirap din nito habang magkalayo sila.
Yumuko siya at humikbi.
Bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang ama. Yakap nito ang life size na paborito niyang si Mickey Mouse. "Anak, ilagay ko nalang sa gilid mo." Anito bago binasa ang hawak na papel, "Seven to nine months. These are the stages that I am dying to see you. I want to hold you and be with you with all your sufferings. I want to be your arms to hold on each time you cannot stand up because of excruciating pain. My Viola, look at me."
Automatikong napunta kay Forest ang kanyang atensyon.
Lumapit ito sa kanya upang buhatin siya na parang pangkasal. Lumabas sila sa kuwarto at umakyat sa ikatlong palapag ng Ospital. Sakay ng elevator kasama ang pamilya, natulala siya sa kanyang natunghayan.
There was a carpet of petals of red roses. Huge wall made of her favorite daisy. Set-up of a table with chairs arranged with candle lights. Gabi na kaya ang liwanag na dulot noon ay nakaka-intimidate.
Ang nakapalupot na braso sa asawa ay naging mainit na pagyakap. Lumuluha niyang isinubsob sa leeg nito ang sarili. "I'm sorry. I am so sorry, Forest."
Humagod ang mainit na haplos ng asawa sa kanyang likuran. "You alone that I will love. Ako lang din ha."
Natawa siya sa biro nito. Saglit na humiwalay upang masdan ito.
His swollen eyes immediately melted her heart. Humigpit ang pagkakayakap niya rito upang burahin iyon ng kanyang mainit na halik. "I love you, my Forest." Dinampian niya ng halik ang labi nito. "From now on I will always understand your side too. That's love, right? Trust, faith and understanding one another. You are right. I will never be perfect without you."
Gumanti ng halik si Forest sa kanya. Mas mainit at nakakapanglambot. Huminto ito upang isandal ang noo sa kanya. "My heart is perfect because you are in it," bulong nito.
All rights reserved © dcmuch : 2018