Kabanata 25: Can you bring me to your Father? "Santino." Ani ko. Mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Na-missed ko siya ng sobra, napayakap na rin ako. "I need you to come with me." Ani niya habang kumiwala siya sa pagkakayakap sa akin. "Saan?" "Kahit saan basta't kasama kita." "Ano?" "Look, hindi natuloy ang kasal ko at napagtanto ko na ikaw pala ang gusto ko." "Alam ko iyon, paano ang ama ko?" "Huwag kang mag-aalala, kakausapin ko si Andrew na bantayan siya." "Ang pamilya mo?" "Huwag mo munang isipin iyon, maiintindihan nila ako." Muli ay niyakap niya ako. Labis ang tuwa na aking nararamdaman ngayon. Akala ko ay tuluyan na kaming magkakahiwalay ni Santino. "Paano kong makulong ka?" Tanong ko habang yakap-yakap niya ako. "Shhh...huwag mo nang isipin iyon.

