Kabanata 26: Come with me Papahiga na sana ako sa aking higaan ng biglang tumunog ang aking cellphone. Tiningnan ko ito at napangiti ako ng mapagsino ang nag-text sa akin. Si Santino, nagtanong ito sa akin kung kumusta ako. Agad naman akong nag-reply. Nasundan pa ang text kaya may may iba na hindi ko nagawang replayan dahil nakatulog ako sa sobrang pagod. Santino's POV "Dad, what if kung mahuli na natin sina Bloom at ang ama nito?" Tanong ko kay Daddy, paano ko ba sasabihin sa kanya na alam ko kung saan ngayon sina Bloom? Sa akin lang, ay wala na dapat pang makaalam kung saan sila ngayon. "Wala akong magagawa." "Dad, diba, wala naman tayong nakuha doon sa lalaki." Nakatingin lang si Daddy sa akin. Baka napagtanto rin nito, wala naman talagang kasalanan sina Bloom at hindi na dapat

