Chapter 1
Malalim na buntung hininga ang pinakawalan niya bago siya tuluyang bumaba ng eroplano.
Makalipas ang limang taon napagpasyahan na niyang umuwi dahil na rin sa hiling ng mama niya.Kung siya ang masusunod mas gugustuhin niyang mamalagi na lang sa Canada dahil andun na ang buhay niya sa nakalipas na limang taon.
Pero dahil na rin sa nagkaka problema ang mama niya sa negosyo napilitan siyang sundin ang ina,ayaw niyang mastress ito at isa pa obligasyon naman niyang tulungan talaga ito.
"Kumusta na Mathew" masayang bati ng may edad na lalaking lumapit sa kanya at Kinuha ang maleta niya inilgay sa compartment .
Ang driver nila si Mang Ambo.Malakas pa rin si Mang Ambo at mukhang hindi ito tumanda ang hitsura buhat ng umalis siya.
"Okay naman po,Mang Ambo mukhang hindi ka tumatanda ah"nakangiting sabi niya dito.
"Sus ay alam mo na,Kung anong sikreto ko" natatawang sabi nito.
"Hanggang ngaun ba Mang Ambo ?" tanong niya dito dahil alam niya tinutukoy ng lalaki may pagka babaero kasi ito.
"Ikaw ba ay kumusta na may nobya Ka na ba"?tanong nito sa kanya pero sa kalsada nakatuon ang pansin nito.
"Marami po Mang Ambo" nakangiting biro nito sa lalaki.
"Marami,ibig sabihin walang seryoso"sabay kindat sa kanya nito,nuon pa man malapit na siya kay Mang Ambo.
"Wala pa kong balak magseryoso Mang Ambo,ninanamnam ko pa pagiging binata ko"natatawang sagot niya.
"May balita ka ba kay Elize"? si Mang Ambo na parang napabigla sa naging tanong niya.
"Ayokong makibalita ng tungkol sa kanya Mang Ambo"seryosong sagot niya kay Mang Ambo.
" Dahil hindi mo pa siya nakakalimutan, pasensya na naisip ko lang kasi ang batang yun pag nakikita kita"
"Kinalimutan ko na siya simula nung araw na iwan niya ko Mang Ambo"
"Bakit ba hindi mo man lang pinakinggan paliwanag niya nung bumalik siya "?
"Bumalik"?si Elize?"
"Oo ,pero nung malaman niyang wala Ka na dito nilisan niya ulit ang Batangas Mathew ,nakita ko siyang pumunta sa bahay ng mama mo."
"Bakit?at kelan siya bumalik?"nagtatakang tanong niya kay Mang Ambo.
"Mga dalawang linggo buhat ng umalis ka,kausap niya ang mama mo nuon kaya akala ko alam mo"?
"Bakit walang sinabi si mama"?naguguluhang tanong niya.
"Hindi ko alam pero siya ang huling kausap ni Elize ng lisanin niya ang Batangas at mukhang hindi okey ang kalagayan ni Elize nuon bagsak ang katawan niya pero kahit anong tanong ko kung anong nangyari sa kanya ay hindi siya nagsalita" pagkukuwento pa ni Mang Ambo.
"Bakit hindi niyo naisip na tawagan ako Mang Ambo" pagtatanong niya sa matandang driver.
"Sinubukan ko iho at maaaring ganun din ginawa ni Elize pero hindi ka namin makontak"
"Siguro ay binalikan niya lang mga gamit niya nuon sa tinutuluyan namin o baka nalaman niyang mayaman din ako kaya siya bumalik"
"Ang mama mo lang makakasagot ng mga Yan iho"
Dalawang linggo buhat ng umalis ako Lian nuon ay sa Maynila muna ko nagpalipas ng may isang buwan dahil nagka problema ang visa ko papuntang Canada,bakit hindi sinabi ni mama na bumalik si Elize nuon.
Unang araw niya ng pagbabalik pero ito agad malalaman niya.Paanong hindi sinabi ni mama ang tungkol kay Elize?
Iniwan siya ni Elize dahil may mahal itong iba Yun nakalagay sa sulat na iniwan nito sa apartment na tinutuluyan nila ni Elize.
Minahal niya si Elize...pero pinaglaruan lang naman yata siya ng dalaga.
Simpleng babae lang pagkakakilala niya sa dalaga kaya siguro nakuha nito ang loob niya,bukod pa sa napakaganda nito.
Naging kaklase niya ito sa kolehiyo,matalino si Elize kaya kilala siya sa buong campus nuon.Nung unay patanaw tanaw lang siya sa dalaga,torpe daw siya sabi ng mga kaibigan niya.
Hanggang sa naging kaibigan niya ang dalaga at kalaunan ay niligawan niya ito,sa loob ng anim n buwang panliligaw sinagot siya ni Elize.
Naging masaya silang dalawa ni Elize at mas lalo niya itong minahal dahil lahat ng katangian ng babaeng pangarap niya ay taglay nito.
Ulila na ang dalaga tanging ang tita nitong nasa America ang sumusuporta sa pag aaral ng nobya.Bata pa lang daw si Elize ng sabay na namatay ang mga magulang nito dahil sa isang car accident.
Open sa tita Emily ni Elize ang relasyon nila nuon,at boto sa kanya ang tita nito dahil personal din niya itong nakilala yearly umuuwi ito.
Naipakilala rin niya ang dalaga sa mga magulang niya dahil dinala niya na ang dalaga sa probinsya nila sa Batangas.
Batid niyang hindi gusto ng mama niya si Elize,dahil may iba itong babaeng gusto para sa kanya,si Denise ang kababata niya.Pero ipinaliwanag niya sa mama niya na pagtinging kapatid lang ang kaya niyang ibigay kay Denise.
Nagtapos silang sabay ni Elize,dahil likas ang pagiging matalino Suma c*m Laude ang nobya niya.
Ipinasya nilang sa iisang bahay na tumira ng pareho na silang may trabaho.
Tumira silang parang mag asawa ni Elize sa iisang bubong at duon niya nakita Kung gaano kaasikaso ang dalaga sa kanya.Nasa plano na niya ang pagyaya sa dalaga ng kasal dahil ayaw rin naman na walang basbas Ng simbahan ang pagsasama nila.
"Wag tayo magmadali babe,darating din tayo diyan" minsang naging sagot nito sa kanya Ng pag usapan nila ang kasal.
Hanggang sa naging busy na sila pareho o mas tamang naging busy na si Elize.Dahil madaling napromote ang dalaga,madalas ang naging out of town nito.Duon nakadama siya ng kakaiba sa dalaga.
Nagtanong tanong siya at nag imbestiga ng palihim.Nalaman niyang nililigawan ng boss niya si Elize.
Kinompronta niya kagad si Elize pagkarating nito galing Cebu dahil sa tatlong araw na seminar nito dun.
"Napapadalas ata ang bussiness trip niyo ng boss mo babe"?
"Babe hindi naman kami lang ni Rex ang magkasama dun bale lima kami nagktaon lang na ako ang ipinadala ng marketing bilang representative" nakangiting sagot nito sa kanya.
"Rex ?Hindi na boss ang tawag mo sa boss mo" nakasimangot na niyang tugon dito.
"Oy,babe don't tell me nagseselos ka?"Sus ei kahit naman manligaw sa akin yun wala na kasi may babe na ko" sabay yakap sa kanya ng nobya.
"So ,nanliligaw nga sayo yung boss mo"?paninigurado niya saka sumimangot na hinarap ang nobya.
"Nagsabi siya babe,pero siyempre sinabi ko na may boyfriend ako at Di na ko pwedeng ligawan" nakangiting tugon ng nobya.
"Asawa mo na ko dapat yun ang sinabi mo bakit kasi hindi pa tayo magpakasal para yung mga gustong pumorma pa sayo ei mawala na"
"Babe ,ang cute mo magselos"ngiting ngiting tingin ni Elize sa kanya.
"Mahal kita Elize" seryosong sabi niya sa dalaga.
"Alam ko babe,"mahigpit na yakap nito sa kanya.
Maganda ang nobya niya at lalaki din siya ramdam niya na marami pa rin ang humahanga sa babae at alam niyang isa dito ang boss ni Elize.